Nauna mo'kong mahalin
Nauna mong ideklara ang matatamis na salita
Pero ngayon ako na lang mag-isa
Mag-isang nanatili, nilalabanan ang sarili
Siguro kasalanan ko 'to
Kasalanan kong umasa kahit alam ko namang wala na
Ramdam kong pilit na lang ang lahat
Ewan ko, ang gulo.. ang kalat.
Dinig ko pa rin ang boses mo
Kung pano mo tawagin ang pangalan ko
Kay gandang ala-ala, na kailanma'y di ko na mararanasang muli
Masakit, pero nandito na tayo
Tayo? Siguro matagal nang walang tayo
Pero di ko lang matanggap, di ko tinanggap
Gumawa ako ng bersyon sa utak ko
Ikaw at ako, masaya't walang balak magpaalam
Narito ako sa upuan kung sa'n nagsimula ang lahat
Kung sa'n kita nakilala, yung 'ikaw' na minahal ko
Mahal, iba ka nga sa lahat
Hinanap ko sa iba't-ibang mukha, pero wala
Wala kang kapantay, totoo
Pero ganoon din ang sakit na dinulot mo
Gusto pa man kitang hanapin sa iba,
Sabi ng utak ko, 'tama na'
Pilit ko mang sabihin na ako'y ayos na
Tumatawa sa tuwing nababanggit ka
Napakasinungaling ko, mahal
Kasi sa bawat paglingon, ikaw pa rin naman naaalala ko
Traydor nga ba akong maituturing
Kung ang pananabik sayo'y dahilan ng pagkirot ng sariling damdamin?
Kailangan na kitang burahin
Panahon na para tanggapin na wala na ang lahat
Tanging memorya mo na lang ang nandito
Kasama ng mga ala-alang masaya tayo
Saan nga ba tayo nagkamali?
Una mo'kong minahal, kaya ba ikaw rin ang unang umalis?