'Sometimes we don't want to heal because pain is the last link to what we've lost'
"I told you I will do anything, But that doesn't mean na uutos-utusan mo'ko ng ganito, El Fuerro!"
Malakas kung ibinagsak sa mesa niya ang ipinabili niya saakin. Nagtataka pa ako kung bakit hindi sa kompanya niya ito pinahatid. Instead, He sended me this wierd address. At dito ako dinala, Sa isang lumang art gallery.
"Sinunod mo padin, Miss Mendez."
Kinuha niya ang latte at masaya itong ininom."Wala naman akong choice," Inirapan ko siya.
Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa swivel chair niya.
"W-Where are we?" Curious kung tanong.
Nang pumasok ako sa entrance, Sobrang creepy. Para bang ang luma-luma na ng bahay na ito. Well, It's really a house kung titingnan. This building is a two-story one. The first floor consist many old painting, Vase, Statue and many more. Kaya para sa tulad kung ngayon naka punta dito ay aakalain ko talagang isa itong old house or art gallery. Sa second floor, I don't know, Nasa first floor lang ang office niya.
"My house," He answered.
'What!? Bahay niya to? Sa yaman niya, Dito siya nakatira!? Ang badoy.'
"This house....looks old," I whispered while roaming my eyes.
His office is quite okay. More like a minimalist one, Hindi nakakatakot kumpara sa hallway. Pero lahat ng structure ng bahay, Maayos. Malinis din.
"Yeah, It's old. Older than me." tiningnan niya ako at ngumiti na para bang may gagawin siyang kababalaghan.
Umatras ako mula sa kanya kaya napailing siya sa reaksyon ko. Lumapit ako sa isang bookshelve at pinagmasdan kung gaano ka lapad at kahaba ang bookshelve niya. Madaming...Lumang libro. Halos hindi ko na nga mabasa ang ibang letra.
"Are you a fan of books?" Pagtatanong ko sa kanya.
He let out a small smile. "Uso sa mga taong tulad ko ang magbasa ng libro, Lalo na't nagpag-lulumaan na ako ng panahon."
'Napaglulumaan? Inaamin niya bang masyado na siyang matanda? Well, Agree. Alam kung mas matanda na ako pero mas matanda siya!'
"Stay here, I will get something." He commanded pointing the couch.
Tumango na lang ako ng dere-deretso siyang naglakad paalis habang hawak ang cellphone niya. Ewan ko ba kung bakit pa ako andito, This place is giving me chill. Para bang...nakapunta na ako dito pero hindi ko lang maalala.
Tulad nang sabi niya ay naghintay lang ako sa loob. Umupo ako sa couch ng ilang minuto pero hindi padin siya bumabalik. I decided to look for a book para pamatay ng oras. Pumikit ako at inilagay ang kamay ko sa mga libro, I run my hand through the books and walk. Huminto ako sa gitnang bahagi ng bookshelve, Kinuha ko ang librong hinintuan ng kamay ko.
It was a dark blue book, With a thick pages....I became curious when I read the title.
'Unknown' written by Moon.
Binuksan ko ang libro. Napakunot ang noo ko ng makita ang nakasulat.
The front page says...'Sa ikalawang palapag ng ating tagpuan, Ay ang ating magiging hangganan.'Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mabasa iyon. It was like a hidden message, Especifically to a certain person.
Mas kumunot ang noo ko ng buksan ko ang second page. It was...empty. Wala, Wala itong nakasulat. Pumunta pa ako sa sumunod pang pahina pero pare-pareho lang ang dinatnan ko, Pareho itong walang nakasulat.
Bigla na lamang lumamig ang paligid at nagsitayuan ang mga balahibo ko. May narinig pa akong kung anong tunog sa labas kaya dahil nadin sa kuryusidad ko ay naisipan kung silipin yun. Habang dala-dala ang libro ay parang may bumubulong saakin na magpatuloy lang sa paglalakad. It was as if someone is leading me the way. Nakita ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.
Madilim, Nakakatakot, Pero ang hindi ko malaman-laman...Ay kung bakit naglalakad na ako, tinatahak ko na ang daan. Dinadala na ako ng sariling paa sa ikalawang palapag ng bahay na ito.
Niyakap ko ang librong hawak ko habang naglalakad ako sa daan. Unang bumungad saakin ang isang kwarto, Nakasarado ito kaya hindi ko na ito binalak na buksan. Nagpatuloy ako sa paglalakad, Nang malapit ko nang marating ang kahuli-hulihang kanto....Isang malaking litrato ang nakita ko.
Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso habang palapit ako ng palapit sa larawan. Isa itong...napaka lumang larawan ngunit....sobrang linaw pa ito sa mga mata ko. Tumayo ako sa mismong gitna ng larawan at pinagmasdan ito.
Isang babae....at isang lalaki. Ang babae sa larawan ay parang nagpapa alam, Habang ang ang lalaki sa larawan ay nagmamaka-awa. Nakatingin sila sa isat-isa, Habang nakahawak. Ngunit ang hindi ko maipaliwanag ay ang dragon na nakapalibot sa kanilang dalawa. Isang dragon...Hindi ito nakatingin sa kahit na kanino sa larawan ngunit..... Nakatingin ito saakin. Nakatingin ito ng deretso saakin.
Dinala ako ng mata ko sa pinaka-dulo ng larawan. May salitang nakasulat doon, Ngunit hindi ko ito maintindihan. Isa itong...salitang, Tanging ang gumawa lamang ng larawan ang makakaintindi.
Napakapit ako sa sariling bisig ng biglang umihip ang malakas na hangin na nagmumula sa isang bintana. Naramdaman ko nalang ang isang kamay na nakahawak na sa mga mata ko, Tinatabunan nito ang paningin ko kaya tanging dilim na lamang ang nakikita ko.
"Isang malaking pagkakamali na pinagmasdan mo ang larawang ito, Zienovia."
:)
YOU ARE READING
The Catastrophic Fate Between us
FanficA Woman was cursed by the Gods to KILL Any man she falls inlove with. But she falls in love with a man who was also curse by Gods with IMMORTALITY. THE STORY BETWEEN THE ENCOUNTER OF DISTENY AND CURSE. HOW WILL THIS STORY ENDs? WITNESS IT.