Chapter 9 - Past

7 1 0
                                    

Time.. I've been passing time watching trains go by.. All of my life..

Huh? Ano yun? Saan nanggagaling yun?

Lying on the sand, watching seabirds fly.. Wishing there would be..

Ang galing niya ding mag gitara. Ang linaw ng melody. Parang nag practice siya ng todo.

Who is he? Is he a member of Bluenote Band?

Someone waiting home for me.. Something's telling me it might be you..

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. Ayokong makalikha ng kahit anung ingay na makakapagpatigil sa kanya. Hahawakan ko na yung doorknob..

It's telling me it~~

Unti-unti ko ng binuksan ang pintuan. "Troy?" Gulat na gulat kong sambit. "Ikaw yung kumakanta?"

Saglit siyang tumigil sa pag gigitara at pagkanta. Pagkatapos ay tumayo siya mula sa pagkakaupo sa mesa at unti unting lumapit sakin. Hanggang sa makalapit siya sakin at maramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko..

"Chelsea.. Chelsea"

Napamulat ako sa mahihinang tapik sa pisngi ko.

"Chelsea. Wala ka bang balak pumasok? Alas siyete na."

Agad akong napalikwas sa sinabi ni Ate. Waah. Late ako nagising. Mabuti na lang ginising ako ni Ate Cheska. Alas siyete na. At alas otso ang pasok ko.

"Wait Ate. Maliligo na ko!" Dali dali akong bumangon.

"Bilisan mo. Ihahatid na kita" Narinig ko pang sabi ni Ate bago ako tuluyang makapasok sa banyo.

Habang naliligo. Hindi ko maiwasang maisip ang panaginip ko. Si Troy? Si Troy ang may ari ng boses? Pero imposible. At saka isa pa panaginip lang yun, imposibleng magkatotoo.

Baka dahil sa kakaisip ko sa kanya kagabi kaya siya ang pumasok sa panaginip ko.

Pero teka? Bakit parang kung sakaling kanya nga yung boses.. bakit parang hindi ko matanggap?

Arrggh. Nakakabaliw.

Bakit sa halip na matuwa akong kay Troy ang boses na yun., Parang may parte ng puso ko na sana hindi.

At hindi nga din pala imposible na kay Troy ang boses na yun dahil never ko pa naman siya narinig na kumanta.

"Chelsea.. bilisan mo diyan para makapag breakfast kapa." Naputol ang pagmumuni muni ko ng marinig ko ang mga katok ni Ate sa pinto.

Pinilit ko na lang muna iwaksi sa isip ko ang panaginip ko at mag focus sa paggayak dahil malelate na ko.

----

"And why does your uniform has missing button?" Mataray na tanong sakin ni Mrs.Delgado habang iniisa isa kaming inspeksyunin.

Nandito kasi kami ngayon sa Cooking Lab kaya nakahanay kami sa harap ng tables.

Agad naman akong napatingin sa uniporme ko at nakumpirma kong nawawala nga ang isang butones ko. Marahil na din siguro sa pagmamadali.

"I'm sorry Ma'am. Hindi ko po napansin, nagmamada-"

"Kapag nasa kusina ka. You have to pay attention on everything specially on little things. Paano kung ang nawawalang butones ng uniporme mo ay nahalo na sa ingredients mo?" Paliwanag pa ni Ma'am habang nasa harapan naming lahat.

Napayuko na lang ako dahil feeling ko napahiya ako sa harap ng mga kaklase ko.

"Sorry po. Hindi na po mauulit" sagot ko habang nakayuko pa din.

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon