Chapter 10 - Date

8 1 0
                                    

I remember the first day I looked into your eyes and my entire world turned upside down.

-CynethIsTheName

Saturday. Kakagising ko lang pero feeling bored na ko kaagad. Dalawin ko kaya si Sarah at Sally. Nakakamiss na din kasi si Sarah. Kaso baka nandon si Sandro, tapos isipin niya dinadalaw ko siya.

Pero teka. Bakit ko ba siya iisipin, e totoo namang hindi siya ang ipinunta ko dun.

Nagbake muna ako ng cupcakes bago pumunta sa kanina. Nag doorbell muna ako habang bitbit ang kahon ng cupcakes.

"Hi. Good morning" bati ko sa nagbukas ng gate.

"Ate Chelsea. Good morning. Pasok ka?" masiglang bati ni Sally.

"Uhm. Okay lang ba? Medyo naboboring kasi ako sa bahay" Paliwanag ko. Kasi hello.. it's almost 10 in the morning pa lang.

"Oo naman. You're always welcome here. Feel at home" Nakangiting pa rin niyang sabi saka ako iginiya papasok sa sala..

"Good morning Tita. Good morning Sarah" bati ko sa mga naabutan kong nasa sala. "I baked some cupcakes po"

"Chelsea.. ikaw pala. Naku salamat dito." Kinuha niya ang cupcakes na iniabot ko. "Ayusin ko lang to sa kusina. Ilipat ko ng lagayan".

Tumango lang ako saka ngumiti.. Lumingon lingon ako ng bahagya. Hindi ko makita si Sandro. Mabuti na lang wala siya. Nasaan kaya siya? Baka tulog pa sa kwarto.

"Good morning Ate Chelsea. Upo ka dito." Bati sakin no Sarah habang itinatapik ang kamay niya sa sofa at pinapaupo ako sa tabi niya.

Sumunod naman ako at naupo ako sa tabi niya. Si Sally naman ay naupo din sa tabi ko. Bale nasa gitna ako ni Sally at Sarah. Nanunuod sila ng cartoons sa TV.

Maya maya pa ay naglabas na si Tita ng cupcake at water.. agad namang dumampot si Sarah at Sally.

"Mmm.. ang sarap po Ate Chelsea" puri ni Sarah. Kumalat pa ang ibang icing sa gilid ng labi niya.

"Oo nga Ate Chelsea. Si Kuya di man lang kami maipagbake ng mga ganito. Lagi siyang nandoon kina Lola" Sabi naman ni Sally.

Napatango tango ako. So that's why I cant find him inside the house. Bakit ko nga ba siya hinahanap.

After ng movie.. Tinawag na ni Tita Yssa si Sarah para paliguan, kaya dalwa na lang kami ni Sally.

Bigla akong may naalala. "Uhm. Sally. Saan ka nag aral bago kayo lumipat dito?"

"Sa province. From kindergarten to 2nd year high school. But since my Lolo died, my mom's father.. My mom decides na dito na lang kami, so I transfered." Paliwanag ni Sally habang nakatutok pa din ang mata sa TV.

Napatango tango naman ako. So imposible din talaga na si Sandro si Mr. It might be you. I suddenly feel disappointed. Mukhang wala na yatang pag asa na mahanap ko siya.

Pero teka-- . Bakit nung I had a dream na si Troy si Mr.It might be you parang di ako masaya. Same feeling ngayong nalaman kong hindi din siya si Sandro? Does I expecting Sandro to be him?

"Si Kuya--"

Phong ringing..

"Ahm excuse me Sally, I'll take this call" paalam ko kay Sally interrupting whatever she's going to say.

Lumabas ako malapit sa gate para sagutin ang tawag. Si Micah.

"Hello Bhesty. Papunta kami sa Enchanted  Kingdom ni Chad. I want you to come."

"Ayoko. I don't wanna be your chaperone" Enchanted Kingdom is tempting but third wheeling isn't my thing.

"Invite Troy then"

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon