BATAAN - TAONG 1951
Alas-diyes ng umaga at tirik ang araw habang masarap ang simoy ng hangin sa tabing dagat. Masayang naglalaro at naghaharutan ang mag-amang sina Ferdinand at ang dalawang taong gulang na anak nitong si Bongbong
'YEEEYYY!!!'
Hiyaw ni Bongbong habang pinaiikot-ikot siya ng kanyang ama sa ere
Kababalik pa lang nila Ferdinand galing sa amerika matapos ang matagumpay na operasyon ng kanyang mata at tainga at dito sa Bataan nila napagkasunduan ni Imelda na magpunta muna. Gusto kasi ng dalawa na makapagpahinga na silang apat lang muna at malayo sa mga pamilya nilang panigurado ay sabik na sabik na silang makita
'Are you okay, baby?'
Tanong ni Imelda sa limang taong gulang niyang anak na si Imee
Tahimik lang ang mag-ina na nakaupo sa duyan habang pinapanood nila ang masayang harutan nina Ferdinand. Si Imee ay nakakandong sa kanyang ina na inaayos naman ang kanyang buhok
'Are you okay?'
Pag-uulit ni Imelda ng hindi kumibo si Imee
Hindi pa din sumagot si Imee kaya tiningnan na ito ni Imelda at kanyang nakita na diretso lang itong nakatingin kina Ferdinand
'Baby...'
Tawag ni Imelda sa anak bago niya ito binuhat at iniharap sa kanya
'Do you want to join them?'
'Do you want to play with your father and brother?'
Pero umiling lang si Imee bago bigla itong yumakap sa leeg ng ina at saka sumandal ito sa kanyang balikat
'Baby...'
Medyo malungkot na tawag ulit ni Imelda sa anak
Ilang araw na ngang ganito ang inaasal ni Imee... simula pa ng makabalik sila dito sa Bataan. May idea siya kung bakit nagkakaganito ang kanyang anak... mamaya, kakausapin niya si Ferdinand
'Imelda!'
Ang boses na yon! Nakangiting nilingon ni Imelda ang babaeng tumawag sa kanya
'Luningning!'
Naluluhang napatayo si Imelda mula sa duyan para salubungin si Luningning na bitbit din ang anak nito kay Ramon
'Oh My God!'
Laking gulat ni Luningning ng magkalapit na sila ni Imelda
'Napaka ganda ni Imee!'
Nakangiti pa din nitong puri habang hinihimas niya ang pisngi ni Imee na nakasandal ang ulo sa leeg ni Imelda
'Grabe, hindi ko alam kung sino ang mas kamukha niya...'
'Perfect combination niyo siya ni Ferdinand!'
Nangingiti naman si Imelda. Hindi naman si Luningning lang ang unang nagsabi non sa kanya, halos lahat naman ay ganoon din ang sinasabi
'Kaya nga... pero iyang anak mo!'
'Kamukhang kamukha ni Ramon!'
Si Imelda naman ang humawak sa ulo ng apat na taong gulang na anak ni Luningning
'Ramon Jr'
Natatawang sabi ni Luningning
'And I have no complain'
Nagngitian na lang ang dalawa na parehas na may lungkot sa mga mata
'Luningning!'
Sigaw ni Ferdinand habang nagmamadali itong lumapit sa kanila kasama si Bongbong na nakapasan sa kanyang balikat
YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
عاطفيةSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...