Halos mapugto na ang aking hininga dahil sa katatakbo. Ayaw kong gawin iyon pero gusto ko ng tigilan ang kababuyang ginagawa sa akin ng aking tiyuhin.
Patawarin nyo po ako, gusto ko lang iligtas ang aking sarili.
Iyan ang paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili habang patuloy sa pagtakbo.
Ayaw na ayaw ko talagang naiiwan ako sa bahay lalo na at kasama ko ang aking tiyuhin. Kung noon ay mas gusto kong umaalis sina Auntie Isabelle sa bahay para kahit papaano ay naipapahinga ko ang katawan ko dahil sa mga utos nilang mag ina. Pero simula ng mag asawa ng bago si Auntie ay natatakot na ako kapag aalis sila ng anak nyang si Andrea, lalo pa at kaming dalawa lang ni Uncle Milan ang maiiwan sa bahay.
Lumakas agad ang kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang kalabog ng pintuan mula sa sala.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga kasangkapang ginamit ko sa pagluluto. Mag aalas syete na ng gabi ay wala pa rin sina Auntie.
Agad kong binilisan ang paghuhugas ko para makapasok na ako sa aking silid at makapagtago kay Uncle.
"Shantelle!"
Halos maibagsak ko na ang hawak kong pinggan ng marinig ko ang malademonyong boses na iyon.
Hindi na ako nagdalawang isip na tapusin pa ang paghuhugas ko. Binitawan ko na ang hawak kong pinggan at pumihit na para tumakbo sa silid ko.
"Shantelle!"
Hindi ko na nagawang humakbang ng humarang na si Uncle sa aking daraanan.
"U-Uncle." unti unti na akong napaatras dahil sa binibigay na tingin ng mapupulang mata nito sa kabuuan ng aking katawan.
"Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot! Ipaghanda mo ako ng makakain!" pagkasabi nya noon ay lumapit na sya sa mesang malapit sa kinatatayuan ko at saka umupo. Amoy na amoy ko ang alak sa katawan nya ng dumaan ito sa gilid ko.
Dali dali na akong tumalikod at naghanda ng makakain nya. Pero habang nagsasandok ako ng ulam ay nanginginig ang aking kamay. Pakiramdam ko kasi ay may mga matang hinuhubaran ako sa titig.
Pagkahain ko ng pagkain sa harapan ni Uncle ay tumalikod na ako pero agaran nyang nahawakan ang aking braso.
"U-Uncle..." nanginginig kong sabi. Kitang kita ko ang pagnanasa sa mga mata ng aking tiyuhin habang pinasasadahan ng tingin ang aking katawan.
"Napakaganda mong bata, bakit kaya hindi na lang ikaw ang inasawa ko sa halip ang tiyahin mong laspag na!" mas lalo nya akong hinigit papalapit sa kanya pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong mapalapit sa kanya kahit wala naman akong magagawa sa oras na mahawakan na nya ako.
"Aasawahin na lang kita, papaligayahin kita gabi gabi tulad ng ginagawa natin sa tuwing wala ang tiyahin mo." napaigtad na lamang ako ng dumapo ang isang kamay niya sa hita ko at bahagyang pinisil, habang ngumingising parang demonyo.
"Uncle a-ayaw ko po-Uncle!" napahawak na ako sa braso nya para kumawala sa pagkakahawak nya ng ipasok na nya sa loob ng aking palda ang kamay nyang kaninang nakahawak lamang sa aking hita.
"Uncle, maawa ka, huwag po!" napaigtad ako ng dumapo ang kanyang kamay sa aking pagkababae at saka pinisil. Nasaktan ako sa ginawa nya kaya napasigaw ako. Inilapit ko ang mukha ko sa kamay nyang nakahawak sa braso ko at mariing kinagat.