Kabanata 33

20 2 1
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
"S-si Rukia?" Pagod na tanong ko kay Dawn habang tumatakbo.

"Wala akong narinig na kahit ano sa kwarto niya. Tahimik lang, ilang beses akong kumatok at kinausap siya pero walang akong natanggap na sagot." Hingal rin niyang tugon.

Pigil ko ang bawat emosyon ko kahit sa totoo lang, gusto ko nang sumuko. Mabigat ang dibdib ko nang iwan ko si Sassa roon, kahit naman may sama ako ng loob sakaniya'y kaibigan ko parin siya. Tapos ngayon isa na rin si Rukia na maiiwan sa lugar na ito.

Pasimple kong pinalis ang nakatakas na luha saaking mga mata.

Mas lalo kaming naalarma nang papalapit muli ang boses. Umiiyak na hinawakan ako ni Dawn sa kamay kaya napabaling ako sakaniya.

Gusto ko na ring umiyak pero nang makita ko si Jenny at si Dawn na takot na takot at umiiyak ay mas kailangan ko ng lakas para may panghugutan sila.

Hinila ni Jenny si Dawn palapit sakaniya kaya napabitaw saakin si Dawn. Napangiti ako, at least hindi makasarili si Jenny.

Ikinuyom ko ang kamao ko upang doon kumuha ng lakas dahil sa totoo lang pagod na pagod na ako, pisikal at mental. Ilang oras na rin kaming tumatakbo pero nagpapabalik-balik parin kami sa lugar na ito.

Gusto ko nang sumuko dahil masiyadong malinaw na ang nangyayari, malabo nang makaalis kami rito. Pero gusto ko parin subukan baka may pag-asa pa.

Umiiyak na si Dawn at Jenny pero kailangan naming mahanap ang lagusan na makakapag balik saamin sa labas.

Nagulat ako nang huminto si Jenny at Dawn kaya inis napalingon ako sa kanila.

"Jenny, what are you doing? Let's go! She's getting nearer—" I shouted because of frustration.

"No. Kanina pa tayo pabalik-balik sa lugar na ito. Kailangan nating baliktarin ang robe para hindi na tayo maligaw." Usal niya at nagu-umpisang hubarin ang robe.

Kumunot ang noo ko. Ang alam ko sa gubat lang gumagana 'yan hindi sa ganitong lugar. At isa pa, naka-underwear lang ako!

Sumunod na naghubad ay si Dawn na naka-undergarments lang rin katulad ko. Pare-pareho kasi kaming naka robe lang, mukhang kakaligo lang rin nila kanina.

Nang mabaling ako kay Jenny ay nakita ang kabuuan niya, ang sexy niya tapos ang puti pa. Naka-undergarments lang din pala siya, Nakaka-inggit. Gano'n rin naman si Dawn, bata palang sila pero may hubog na.

Wala na rin akong nagawa kundi maghubad at gayahin sila. Ramdam ko ang paninitig ni Dawn saaking katawan kaya binalingan ko at tinaasan siya ng kilay.

Alam kong sexy rin ako!

Papalapit ng papalapit ang boses kaya natataranta ako't hinila na sila nang makabihis ako.

"Wala na tayong magagawa kundi tumakbo." Usal ko habang hawak ang kamay nilang dalawa.

Pero ilang segundo palang ang nakakalipas nang tumakbo kami'y huminto si Dawn.

"Dawn! What the fuck!?" Inis na sigaw ko dahil kailangan na naming mahanap ang lagusan dahil baka may limitasyon itong hotel!

"Kanina pa tayo tumatakbo pero wala parin tayong nakikita na sumusunod saatin!" Sigaw niya pabalik.

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon