Aehzl POV
"Ae, bumangon kana. Sabi mo maghahanap ka pa ng trabaho, hindi ba? Sayang ang grasya kung nakahilata ka pa rin riyan!" maugong na sigaw ng nanay ko mula sa labas ng aking kwarto. Kaagad naman akong bumangon nang maalala na maghahanap nga pala ako ng trabaho. Sana yung pagiging sekretarya o kaya naman ay bodygruard. Kayang-kaya ko naman ang mga ganoong trabaho, pero kung ano ang ipagkakaloob ng diyos ay talagang papatusin ko na ano. Mag iinarte pa ba naman ako?
Bumaba ako para pumuntang kusina at nagtingin ng makakain. Nakita ko naman na may itlog na niluto si mama kaya ayos na saakin. Ilang araw na rin kasing ulam namin ay sardinas. Hindi ako nagrereklamo. Walang masama sa pagkain ng ganoon. Kaya gusto ko magtrabaho na ay dahil gusto kong makakain ang pamilya ko ng mga pagkain na hindi pa nila nakakain at mga bagay na hindi pa nila nahahawakan.
habang kumakain ay lumapit si mama na may dalang kape at iniabot sa akin. "Anak, oh magkape ka na rin muna. Ipagahahnda lamang kita ng pagkain mo para kapag nagutom ka sa haba ng pila ay may maipanglalaman ka sa tiyan mo." sabi nito at nakangiting pumunta sa cabinet para kumuha ng tupperwear at nilagyan niya iyon ng kanin at ulam.
"Ma. Salamat ha? Babawi ho ako." sagotko. Ngumiti naman siya sa akin bilang sagot. Simula nang iwan kami ni Papa ay ako na ang kumakayod para pambayad sa mga gastusin dito sa bahay. Nag iisa lamang akong anak dahil naagasan si Mama dahil nahuli niya si Papa na may babae, naistress siguro. Pero laking pasalamat ko dahil umalis pa rin angtatay ko. Hindi ko siya kayang patawarin sa ginawa niya kay Mama at sa kapatid ko. Balewala na sakin yung sakit na naramdaman ko nung araw na 'yon.
"Ma. Maliligo na po ako. Papuntahin ko nalang po dito si Ate Wilma para masamahan kayo dito. Hindi kayo mabuburyo." agaw pansin ko sa nanay ko. Busy lamang siya sa paglilinis. "Sige anak. Par may ka-kuwentuhan naman ako." sagot nito. Si ate Wilma nga pala ay Dating inaalagaan ni mama. Bakasyon sila ngayon sa school kaya naman maaari ko si Mama pasamahan habang wala ako.
YOU ARE READING
Heartless Simon Marcos (ONGOING)
FanfictionMarcos Series #2 Aehzl Amaris Ferrer, a simple yet strong woman met Joseph Simon Araneta Marcos who's head over heels to his brother's girl. Aehzl will work for Simon's Father. And their relationship will start? or will broke apart? Is it because of...