Special Chapter

31 1 0
                                    


After ten long years, nakabalik na rin ako. At sa pagbabalik ko nakita ko na ulit siya but. . .




she is wearing a long white gown.


"Pero kanino siya ikakasal?" Ang naghaharing tanong sa aking isipan.

Naglakad ako para makalapit sa harapan ng simbahan.



"Ang ganda mo!" a girl said, habang inaayos ang buhok ng bride.


Gusto ko man na lumapit pero natuod ako sa aking kinakatayuan. Nagsisimula ng manikip ang dibdib ko dahil sa sakit na namumuo sa loob ko. Ayokong umatras at tumakbo para lumayo pero hindi ko kayang kumilos.


Ano pang magagawa ko? Kahit anong gawin ko hindi ko na siya mababawi pa sa lalaking iyon.



Bakit kasi ngayon lang ako nakabalik?

Ngayon lang ako umuwi kung kailan huli na. Huli na para sa aming dalawa dahil ikakasal na siya sa iba.




Lumayo na ako at ilang segundo lang ay marinig kong sumigaw ang isang lalaki.



"CUT!"


Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nag umpisa na silang magkumpulan sa ilang monitor para tingnan ang kinuhang scene kani-kanilang. Lumayo na talaga ako doon baka ma-trap pa ako. Marami-rami rin ang nanunuod ngayon sa shooting sa bayan. Isa na ako doon, napadaan ba. Nanuod lang ako saglit para malibang ng kaunti. And dami pala talagang tao kapag may ganitong shooting.


Natigilan ako sa pag-alis nang may humila sa braso ko.

"Bakit ka aalis? Pumasok ka sa loob ng simbahan! Kita na may scenes pa tayong kukunan, pagala-gala ka!" Sermon sa akin ng isang lalaki na may headphones sa ulo.


"Hindi po ako aktor-" Muntik pa akong matapilok dahil sa tuluyang paghila nito sa akin.

Pambihira!



Nakalimutan ko palang magpalit na kasuotan! Inakala tuloy nila ako na isa ako sa mga abay sa kasal! Kainis! May pupuntahan pa akong importante kaysa sa pekeng kasal na ito!



***


Nasa loob na mga ako ng simbahan, napakalaking simbahan nito, halos hindi ko na matanaw ang dulo ng kisame nito na napapalibutan ng mga paintings at ilang mga disenyo. Wala akong kakilala sa mga katabi ko ngayon sa mahabang upuan na gawa sa magandang klase ng kahoy, makintab din ito at makinis kung kayat maganda at komportable itong upuan. Napapalibutan ng mga malalaking bintana ang simbahan na may mga magagandang kulay kung saan pinapaliwanag pa ito ng sinag ng haring araw sa labas. Malamig ang buong lugar marahil dahil airconditioned na ang buong simbahan. Kumakalat sa hangin ang mabangong amoy ng mga kandila na nakasindi sa mga bawat poon sa gilid at harapan ng altar. Dumagdag pa sa mabangong amoy ang mga libo-libong mga bulaklak na nakahelera sa gilid ng mahabang aisle kung saan naglalakad ang mga tao.


Inilibot ko ang paningin ko at hindi ko sinasadya na makita ang lalaking humila sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay na parang binabalaan ako sa gagawin ko. Gustuhin ko mang tumakas ay hindi ko magawa dahil nakabantay sarado ang ilang mga kasama nito sa mga pinto na maaring labasan ng mga tao.


Kalahating oras na ang lumipas pero hindi pa nagsisimula ang palabas, napansin ko rin na parang nagkakagulo na sila sa harap ng altar. Habang ako ay inaantok na at nagugutom sa tagal ng pagkaupo ko.


Ano bang gagawin ko rito?


Napayuko na ako mg tuluyan dahil sa antok pero napatingala ako bigla nang may humawak sa balikat ko dahilan para magbalik ako sa reyalidad.


Natutulog yung tao eh! Istorbo!






Umayos na ako ng upo at nagkusot pa ng mata, ngunit hindi na ito kailangan pa dahil tuluyan akong nagising sa narinig ko.


Ano raw?! Pakiulit nga!


***





Ano ba itong napasok ko? Kung hindi lang ako nanuod kanina sa labas hindi ako nakatayo ngayon sa harap ng altar habang nakatingin sa babaeng hahalikan ko raw!


Nagkaroon ng problema ang lalaking aktor nila, humihilab ang tiyan nito sa sobrang sakit na halos tumawag na sila ng ambulansya para isugod sa malapit na hospital. Kaya ang ending ay ako ang kinuha nilang kapalit sa kadahilanang...

Ang gwapo ko raw.

Hindi naman ako umalma sa sinabi nila dahil totoo naman pero ayoko paring gawin ang gusto nila dahil wala naman akong ideya sa mga nangyayari sa ginagawa nilang palabas. Ipinaliwanag na ng direktor ang mga gagawin, sumang-ayon na ako agad dahil gusto kong matapos na ito at makaalis na.


"Pagpasensyahan mo na kung hindi ako marunong-"


Humalik.

Hindi na natuloy ang sasabihin ko sa dalagang kaharap ko na hindi ako marunong humalik pero tumingkayad ito at walang sabing inilapat ang malambot at mapula nitong labi sa akin.


***

Kabilaan ang pagtawa at kwentuhan ng mga tao sa paligid. Hapon na at sa wakas ay tapos na ang shooting. Inimbitahan nila akong sumama sa kanila para kumain sa kilalang korean restaurant, libre ng direktor dahil maganda ang kuha ng mga scenes.



Aarte pa ba ako sa libre kahit na ninakawan ako ng halik?

Masama ang loob ko dahil sa iisang babae ko lang ibibigay ang mga halik ko hindi sa kung sino-sino lang.

Kaasar!



"Maawa ka naman sa karne." Isang boses ng babae narinig ko at sumunod ang pagkuha ng tinidor sa kamay ko. Doon ko lang napansin na halos malamog na ang karne ng baboy sa walang tigil ko sa pagtusok dito, marahil dahil sa inis na nararamdaman ko kung kaya't sa karne ko nalang ibinubunton ang lahat.


"Ah... wala ito." Maikling sabi ko at ibinaling ang paningin ko sa ibang direksyon. Hindi ako komportable na mapalibutan muli ng mga tao.


Kailan pa siya nasa tabi ko?

Umusog ako ngayon ng kaunti para hindi siya madikit sa akin pero patuloy din siya sa pagusog sa kinauupuan ko kung kaya tumayo na ako dahil hindi ako komportable.

"Punta lang akong restroom." Paalam ko, tumango naman ang mga kasama kong aktor na abala sa pagkain at pakikipagkuwentuhan sa iba nilang kasama. Hindi ko na binalingan pa ang babae at umalis na.

Nang makarating ako sa loob ng banyo ay mabilis akong naghilamos ng mukha. Kailangan ko ng makaalis dito, tutal wala namang nakakaila sa akin, marahil ay wala ring makakapansin na umalis ako.

Tahimik akong lumabas ng restroom, sakto na may isang staff ng restaurant na dumaan na may dalang mga tray. Nagulat ito nang humarang ako sa daraanan niya.

"Tulungan na kita." Inabot ko ang mga hawak nito at sinundan siya kahit bakas na bakas sa mukha nito ang pagtataka.

Nang makarating kami sa loob ng kitchem ay tinanong ko na rin kung saan pwedeng lumabas, itinuro niya ang maliit na pinto sa dulo na may nakasulat sa itaas nito na ''Exit"


Hinila ko ang isang botones sa polo ko at inaabot ko sa kanya. Kinindatan ko na lang siya at tuluyan ng umalis.





To be continued...

45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon