Special Chapter

15 1 0
                                    

*Continuation*



Isaiah Point of View

3 months passed.



Minabuti ko na lumayo, doon naman ako magaling, ang tumakas at umalis. Hindi naman ako pinapabayaan ni Inigo na kahit sobrang abala nito sa pinapalakad nitong mga kompanya at mga bagong negosyong itinayo nito. Madalas ay nagkukulong lang ako sa kuwartong ibinigay na sa akin ni Inigo na dating guest room sa loob ng condo nito. Minsan ay sumasama ako kay Wilsen na lumuluwas papunta sa iba't-ibang probinsya. Nag-aalala na rin si Inigo na baka kung anong gawin ko sa sarili ko dahil ilang araw akong nagkulong sa kwarto.


"Mabuti at naisipan mong pumasyal?" Tanong ni Wilsen na nagmamaneho ngayon, sakay kami ng sarili nitong sasakyan. Tinawagan ko siya na ihatid ako sa isang mall para makapamasyal.


"Panay ang sermon ni Inigo sa akin, masakit na nga ang tenga ko." Umarte pa ako na hinawakan ang kaliwang tainga ko. Napailing na lang siya sa sinabi ko.



"Try mo kayang pumasyal sa orphanage?"


Biglang nabura ang ngiti sa mukha ko ng marinig ko ang sinabi nito, naitikom niya rin ang sarili nitong bibig nang mapagtanto nito ang sinabi niya.



***


Kalahating oras na akong paikot-ikot sa loob ng mall, gusto ko mang bumili ng mga pagkain o kung ano mang bagay ay hindi ko magawa kahit na may ibinigay na pera si Inigo, pakiramdam ko nawawalan na ako ng gana sa lahat, mabuti pa siguro na nanatili na lang ako sa condo at matulog.


Naupo muna ako sa isang bench para maipahinga ang mga binti ko, kanina pa ako naglalakad para maghanap ng mga bagay na makakakuha ng interes at atensyon ko. Hindi ko inaasahan na may isang tao na lalapit sa akin at naupo pa sa tabi ko.


"Totoo nga!" Naramdaman ko ang magkabilang palad nito na humawak sa magkabilang pisngi ko. Napanguso tuloy ako ng wala sa oras.


"Akala ko nagbibiro lang si Carlo! Bakit hindi ka nagsabi!"


Paano ako magsasalita sa lagay kong ito?


***


Nakayuko lang ako habang hinihintay siyang makabalik, pumunta ito sandali sa counter para kumuha ng pagkain at inumin. Nasa isang Bakeshop kami at mabuti na lang at walang masyadong tao sa lugar. Maaamoy sa paligid ang mabangong amoy ng mga pasta at tinapay na ibinebenta nila.


"Kumusta na, ate Maribeth." Natawa ito ng bahagya sa narinig, tinapik pa nito ang braso ko.


"Ibang-iba ka talaga kay Inigo. Ayos lang ako ano ka ba, kung dati ang nakikipagtrabaho lang pero ngayon may sarili na akong tindahan." Masayang sabi nito at inilapit sa akin ang mga pagkain kinuha nito. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.


"Pagmamay-ari mo po itong malaking lugar na ito." Tumango ito at binigyan pa niya pa ako ng matamis na ngiti.


"Napakalaking tulong niyo ni Inigo para sa akin, hindi ko pa nga alam kung paano makakapagpasalamat sa inyong dalawa."



"Wala iyon, ate. Importante ay nasa maayos na ang buhay niyo, masaya na kaming malaman iyon." Ang sabi ko at tinikman ang pasta sa harapan ko.


"Nagulat talaga ako, noong makaraang buwan nang ibalita ni Carlo sa akin na nagbalik ka na, hindi ako naniniwala. Wala rin naman kasing nababangit si Karleigh, hindi naman sa wala akong tiwala sa bata, ha! Ang akin lang naman, matagal ka ng wala, kaya mahirap paniwalaan pero ngayon naniniwala na ako."



45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon