"Raine, tulungan mo naman ako."
Hayss. Ang hirap naman pag naging bestfriend mo ung ex mo. Laging ganito, lagi kang hihingan ng tulong. Kung di ko lang mahal to. Pero ayoko namang tanggihan, ang hirap eh. Mahal ko pa kasi.
Akala nya, naka move on na ko, kaya ayan. Minsan humihingi ng advice about dun sa girl na nagugustuhan nya. Di pa naman pinapakilala sakin. Hanggang kwento lang. Nakaka pagod kaya ang mag paka martir.
Kamusta na ba ung mga kaibigan ko?
Haysss. Lahat kami namomroblema sa pag-ibig. Kanya kanya nga lang, pero pag-ibig pa din.
Valentines na sa isang araw.
Every valentines nga nagiging Bitter Girls kami.
Ung ex ko lang naman, naging bestfriend ko. Hanep. Sya todo porma na sa iba, pero ako, heto, sinosolo ang sakit na nararamdaman.
"Huy, bes."
Anu ba yan. Nakalimutan ko, andito pala to. *Urghm*
Plastik mode.
"Anu ba yun bes? anung tulong gusto mo?"
Kinabahan ako sa tanong ko. Shet. Wag sana tama hinala ko.
"Payuhan mo naman ako oh. Liligawan ko na kasi ung mahal ko sa Valentines day."
Aray!! Sabi na. Pagbuhulin ko kaya si Cupid at Valentine? Ang epal lang eh. Lol, joke.
"Ah ganun?"
Sorry, la ako masabi.
"Bes, anu kaya magandang gimik? gusto ko kasi i-surprise sya. Yung sasagutin nya agad ako."
Pashete lang.
Tama na po, wag nyo na kong torturin.
"Ganito bes, haranahin mo. Kasi kahit na masyado ng makaluma un. Kikiligin pa din ung girl na gagawan mo nun. Ang sweet kasi pag ganun eh."
Mwahahaha, sorry bes ha? sa pag kakaalam ko kasi, marami ng girls ang nababaduyan sa harana. Ako na lang ata kinikilig dun.
"Talaga? anu pa?"
Hmmmm, anu pa ba?
Ah, alam ko na.
"Pakidnap mo muna bes, tapus saka ka biglang lumitaw, at saka sya haranahin. Para, aaaahhh!! ang sweet."
Sorry talaga bes, pero kailangan ko kasi gawin to. Nasasaktan kasi ako eh.
"Eh bes, di kaya baka, sampalin ako nun?"
Ayoko sana maging selfish, pero ang sakit lang. Pero......
Haysss..
"Pero nasa sayo pa rin un bes no. Kung anu ung sa tingin mo na masasayahan ung girl na mahal mo, dun ka go. Alam ko na mas mapapakita mo ung creativity mo pag dating sa ganung bagay."
İ gave him a weak smile.
"Sige bes, una na ko ha? magkikita pa kasi kami nila Andy. Bye."
Ang swerte naman nung girl na yun, aaminin ko, sweet sakin noon si Gio, sobrang sweet. Pero hindi umabot sa point na may mga ganito syang surprise na iniisip.
Ang totoo kasi nyan hindi naman ako makikipag kita kila Andy, dalawang araw na silang di nag paparamdam simula nung nag drama kami sa kiosk. Hayssss.
Wala na kong pag asa.
Wala na kaming pag asa.
Wala ng second chance samin.
Wala na.
(c) Eilramisu
BINABASA MO ANG
Valentine's Story (Complete Series)
Teen FictionApat na magkakaibigan. Magkaka-iba ng personality. Pero iisa ng problema. Love. Magkaroon kaya sila ng unforgettable Valentine's story? Or di kaya, umuwi ng busog sa mga nasaksihan at gutom sa karanasan? ♥♥♥