"TAGA-SANSINUKUBAN!"
"INUUTUSAN KITANG PAKAWALAN AKO,NGAYON DIN!" Lalong lumakas ang dagundong ng boses na nagmumula sa mahiwagang maskarang lumulutang sa aking harapan.
Napatanga ako ng ilang sandali. Kinusot ko din ang aking mata at sinubukang magising. Alam kong hindi totoo ito at namamalikmata lamang ako.
"JOSHUA YGOT! ANO PANG TINATANGA MO DYAN?! HINDI MO BA AKO KILALA!?" Makabasag eardrum pang ulit nito.
Pero hindi pa din ako natinag. Sinampal sampal ko na ang aking sarili para makabangon mula sa nakakawindang na panaginip na ito.
"AKO SI KAOS! ANG BATHALA NG KAGULUHAN! AT DINGGIN MO ANG AKING HINAING!" Kumakalabog ang tinig nya sa buong paligid. Halos nahawi pa ang maulap na usok patungo sa pwesto nito.
Matapos nyang sabihin iyon ay nakaramdam ako ng takot at kaba. Para bang obligado akong sundin ang lahat ng nais nyang gawin matapos nyang magpakilala.
Hindi ko na napigilan ang aking katawan. Dahan dahan humakbang ang magkabila kong paa papalapit sa mahiwagang maskara.
Sa kabila ng kawalang kontrol sa aking mga bisig at kalamnan ay nakakalula ang kaligayahang aking nadarama. Akala mo'y sinaniban ako ng kung anong engkanto na nangako sa aking bibigyan ako ng limpak limpak na salapi.
Ilang dipa na lang ang layo ko sa maskara. Unti unting umunat ang aking mga braso at hinawakan ito ng mahigpit. Nakaramdam na ako ng pwersang sumasalin patungo sa aking katawan. Pakiramdam ko'y isa na akong magiting na nilalang na kayang gawin lahat ng bagay na kaya kong isipin.
Abot tenga na ang aking ngiti, sa sobrang lawak ay halos mapunit na ang aking mga labi. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at nagmamadaling isinalaksak ang makulay na maskara sa aking mukha.
At sa pagkakataong lumapat ito sa aking balat ay nawalan na ako ng ulirat. Nawala na ang aking diwa sa katinuan.
"AAAAAAAHHHH!!"
Pagdilat ko'y napunta ako sa isang maugat at nagniningning sa liwanag na lugar. Ang bawat hibla sa paligid ay maligaling na kumukutikutitap.
Dulot ng natural kong pagkamausisa ay hinaplos ko ang isa sa mga hibla at hindi ko inaasahan ang aking makikita.
"Sir, Pasensya na po. Natra-" paghingi ko ng tawad sa aking boss, si Mr. Guinto.
"Natrapik sa Cubao? Sa Madrid? Laging Heavy ang traffic doon Mr. Ygot! It's not a valid excuse every single day!" Nanggagalaiting bwelta nya bago isarado ang pintuan ng kanyang opisina.
"Joshua you need to take responsibility from your actions. Hindi pwedeng puro palusot. Hindi pwedeng puro dahila na lang." Tuloy lang ng pagsermon ang matanda. Nakikita ko na lang ang aking sariling nanliliit sa hiya at kaba.
At sa kalagitnaan ng panonood ko sa aking sarili mula sa kakaibang hiblang aking hinaplos ay naramdaman ko ang kaluskos sa aking paligid.
"Sino yan?! Asan ako?!" Kabado kong wika. Hindi ko kasi alam kung anong mind tricks na naman ang nangyayari.
Dahan dahang lumapit sa akin ang isang makulay na nilalang. Akala mo'y isang payaso dahil sa halo-halo at walang sa ternong mga palamuti sa kanyang katawan.
Ngunit sa kabila nito'y mayroon syang kakaibang tindig. Sa datingan pa lang ay mukhang karespe-respeto na't may dignidad.
"Paano mo ako nakikita?! Anong ginagawa mo rito?!" Tanong nya sa akin pabalik.
Nanindig ang balahibo ko sa kanyang boses. Muling nagningning ang maiilaw na hibla ng ugat sa aming paligid, tila Christmas Lights sa Disyembre.
At paglapat ng kanyang mga kamay sa aking balikat ay nagblangkong muli ang aking diwa. Pagmulat ng aking mata'y nakahiga ako sa lupa at katabi ko na ang mahiwagang maskara.
"Uuggh... Anong nangyari?" Tanong ko sa aking sarili habang pinipilit bumangon. Nanlalata at hinang-hina.
"TAGA-SANSINUKUBAN! ANONG GINAWA MO!? INUUTUSAN KITANG PAKAWALAN MO AKO, NGAYON DIN!" Pag-aasik muli ng katabi kong maskara, kumikislot kislot sa lapag.
"Ano bang gusto mong mangyari?! Sino ka ba?!
"NAGPAKILALA NA AKO DIBA?! Hindi ka ba marunong umintindi?!" Pamimilosopo nito pabalik.
Lumutang muli ang maskara at nagpakilala-
"AKO SI KAOS! ANG BATHALA NG KAGUL-" Pero bago pa sya matapos sa paglitanya ay nakatayo na ako't tinalikuran sya, hinahanap ang lagusan palabas.
"OI! JOSHUA YGOT! Saan ka pupunta?!" Lumipad ito papunta sa aking harapan.
"Naghahanap ng lagusan palabas dito." Wala sa wisyo kong sagot sa kanya. Hindi ko pa din alam o sigurado kung totoo na ba ito o isa pa ding ilusyon. Ang alam ko lang ay gusto ko nang makaalis dito.
"NGUNIT INUUTUSAN KITANG PAKAWALAN AKO DITO! ISUOT MO AKONG MULI!" Pagbabanta nya sa akin muli. Pero hindi na ako kinakabahan sa pag-aasik nya. Nakakaramdam na ako ng Deja Vu. Para bang nangyari na ito sa akin dati pa.
Kaya't pinagbigyan kong muli ang kanyang hinaing. Sa hindi mailapiwanag na dahilan ay inabot kong muli ang maskara at inilapat ito sa aking mukha.
"AAAHHHHHH!"
Nagbalik ako sa maugat at nagningning na lugar. Katabi kong muli si Kaos at nakahawak sya sa aking mga balikat.
"Nasaan ako?! Ano na namang ginawa mo?!" Tinaasan ko ng boses ang Bathala ng Kaguluhan. Hindi ko maintindihan ngunit pakiramdam kong walang binatbat sa akin ang nilalang na ito.
"BAKIT HINDI GUMAGANA ANG KAPANGYARIHAN KO!? BAKIT MO AKO NAKIKITA?!" Kitang kita ko ang hinagpis sa kanyang mukha. Sa sobrang inis nya'y napupuno na ng kulay orange ang kanyang suot.
"Hindi ko din alam! Ano ba gusto mong mangyari?! Nasa'n ba tayo?!" Pabalang kong sagot sa kanya.
"Nasa loob tayo ng iyong isipan! At hindi ko maintindihan kung bakit hindi gumagana ang kapangyarihan ko sa'yo!" Papalapit na naman sya't parang mananakmal. Ngunit bago pa dumapo ang kanyang mga kamay ay napaatras ako sa isang ugat at nahawakan ito.
Mas nalito ako sa nakita ko ngayon. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay para bang nakita ko na ito dati.
"LAKAN UWA! INUUTUSAN KITANG PAKAWALAN AKO, NGAYON DIN!" Utos ng Maskara sa isang lalakeng nakasuot ng pulang balabal, at kamukhang kamukha ko sya.

BINABASA MO ANG
Maskara ni Kaos
FantasyChaos /'kāˌäs/ 1. The state of complete disorder and confusion. 2. Ang tamang pagbigkas sa title ng kwentong ito. Si Kaos ang tuso at mapanlinlang na bathala ng kaguluhan. Dulot ng kanyang kahibangan ay pinarusaha sya ng iba pang mga bathala...