Pursuing Myself

1.4K 27 1
                                    

San naman ako hahagilap ng boyfriend. İnamers naman. Baka siguro sila Lorae may alam? Tawagan ko nga..

.

Shoot. Di sinasagot. Anung gagawin ko. Letsugas barabas mang tomas naman oh.

*Ting*

Bright idea. Wahehehehe.

Nag drive ako papunta sa flower shop, ang talino ko talaga. Akala ko bang maiisip ko un.

Nag park na ko ng kotse ko at pumasok sa loob ng shop.

After kong pumili, nag punta na ko sa counter.

"Miss, papa-deliver ako nito for three consecutive days, hanggang mag valentines day."

Sinulat ko na ung address, tapus binayaran ko na ung flowers.

Hayssss. Ang desperada ko lang. Kawawa naman ako. Lumabas na ko ng shop, nahinto ako kasi may tumatawag sakin sa cellphone, at ng makita ko kung sino, sinagot ko agad.

"Oh bat naman umiiyak ka?" Muntanga lang si Andy, ang bungad sakin, isang malupit na hagulgol.

"Eh kasi naman, may fifth attempt mission ako, kaso, narinig ko sya na may inaayang kadate for valentines."

Masakit nga. Dapat ngang iyakan.

"Hay nako, ang fifth attempt mo kalimutan sya. Naku, eto nga ako at namomroblema sa magiging boyfriend ko. Ayoko ung mga reto reto ng nanay at tatay ko. Dahil for sure, dollar sign ang mga mata nun. At alam mo ba, kakagaling ko lang sa shop. Umorder ako ng flowers, tapus papa-deliver ko sa bahay namin. Para kunwari, may jowarski ako na nagpapadala ng flowers for me until valentines. Ang tali--"

'HAHAHAHAHAHAHAHA'

Napatingin ako sa paligid ko, shet. Si.. Si... Si.... Mr. Tourism, ang future ko.

Teka, ako ba ung tinawanan nya? di kaya narinig nya ung... Geez. Urgh. İm so dumb.

Please, please kill me now.

Ay! may kausap din pala sa cellphone. So hindi nya siguro narinig.

"Bakit natahimik ka dyan?"

Ehehe, nakalimutan ko si Andy.

Sumakay na ko sa loob ng kotse, para walang makarinig ng pinaguusapan namin. Dahil nakakahiya kung meron mang makaalam ng 'kagagahan mission' ko

"Eeeh, may bigla kasing tumawa. Na distract ako. Kaya hinanap ko, at pooof, na starstruck ako. Andito kasi si Mr. Tourism."

Kinikilig talaga ko.

"Hayssss, alam mo mas mukha kang kawawa sakin Nerryl. Una, isang taon mo ng mahal yang si Bryzen, ikalawa, papadalhan mo ng bulaklak ang sarili mo? aba, ikaw dapat ang umiiyak, hindi ako. Pang kabaliwan yang ginagawa mo."

"Actually, naisip ko na yan, pero wala akong choice eh. Kaysa naman makipagdate sa dollar-sign-man."

"Ewan ko sayo, may pahid ka na nga. Sige na. Bye na, mag eemote pa ko."

"Ok, goodluck sa eyebags. Mwahaha."

"Tseee."

At pinatay na nga ng loka.

Anw, napaisip nanaman ako. Tutal, para na rin naman akong baliw na papadalhan ang sarili ko ng bulaklak. Pwede naman ako mag approach kay Bryzen babe ko.

Tamaaaa. Makiki-feeling close ako sa kanya. Hihingi ako ng favor, two-day favor. Para lang mag panggap na boyfriend ko, maisama ko sya sa bahay, para maging props.

Pero, ang real intention ko ay...

Pa iibigin sya sa loob ng dalawang araw. Mwahahaha. Ang talino ko talaga.

Pag tingin ko sa direksyon ni Bryzen...

Ouch!!!

Karma na ba??

Parang kinukurot ung puso ko ng pinong pino.

Sino ung babaeng bineso nya?

Hmmmp. Mas maganda naman ako, eh mukhang puwet ng baso ung babae.

So, di pa nga ako nakaka first base, game over agad??? Shet lungss.

(c) Eilramisu

Valentine's Story (Complete Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon