Chapter 28
"Wala ka bang sariling bahay?" Tinaasan ko ng kilay si Andrew na nag aalmusal na agad kasama si Yani. Umupo ako sa tabi niya at nilapag ang tumbler ko. Balita ko mahal ang cafeteria sa Green Valleys kaya nagbaon na ako ng sarili kong pagkain at tubig. Grabe, tuition palang na stress na ako. Willing naman mag bayad si Papa pero hindi talaga ako komportable sa ganun kalaking tuition.
"Ayaw mo bang naka kotse kayo sa first day of school n'yo?" Tanong n'ya
"Sus yabang"
"E kung kumukuha ka na ng lisensya Ate para magamit mo yung kotse d'yan" puna ni Yani
"Sino bang may sabi na gusto ko ng kotse? Mas environmental friendly mag commute"
"Ang feeling! Sakin nga wala kang pake tapos sa environment meron?" Hirit ni Yani
"Si Charles?" Tanong ko Kay Andrew at hindi pinansin si Yani
"Hindi pa gising" Andrew said and drink his water
"Dito ka ba natulog?" Tanong ko. Hindi din naman ako lumabas maghapon so hindi ko alam kung andito ba si Andrew. Palagi naman din s'yang andito
"Hindi. Pero baka sa Sabado" he shrugged
"Hindi ka ba hinahanap sainyo?" Tanong ko
Binaba niya ang kutsara't tinidor n'ya "Alam naman kung nasan ako. Bakit ba ang dami mong tanong?"
Inirapan ko s'ya. Fine, whatever. Ako 'tong nagpapakain sa kan'ya tas susungitan n'ya ako. Ang sungit sungit ke aga aga.
"Si Mama?" Tanong ni Charles na mukang nagmadali sa pag aayos
"Nandun kila Lola" sagot ni Yani "Bilisan mo Kuya patapos na kumain sila Ate"
"Hindi na ako kakain" sabi ni Charles doon ako napatingin sa kaniya at doon ko din napansing pinapawisan s'ya. Napakunot ang noo ko. OA ba ako? I think something strange with him.
OA man pero halos dalwang dekada na kami magkasama at never siya tumatanggi sa pagkain.
"May sakit ka?" Tanong ko sa kaniya
Tumingin siya sakin. Parang nat-tense. Bigla siyang nag iwas ng tingin at parang inayos ang sarili niya. See? Even he knows himself that I know him too much.
"Nakainom ako kagabi nasusuka ako" sabi n'ya. Tinitigan ko siya. Ramdam ko ang pag tingin sakin ni Andrew. Tumingin din sakin si Yani dahil sa lalim ng pagtitig ko kay Charles. He looks so uncomfortable with my stare. He looks very uneasy.
I really have a bad feeling about this one. He's lying. I'm sure. Kung hindi man nagsisinungaling, may tinatago.
"Tigilan mo na si Charles, Charlotte" suway ni Andrew saakin habang nagd-drive. Nakatitig ako kay Charles na nasa shotgun seat mula dito sa passenger seat. Pinapawisan parin siya sa pagka kaba.
"O-Oo nga Cha-Cha. Masama bang uminom?" Sabi ni Charles
"Ewan ko sa'yo Andrew pero hindi ako maloloko ni Charles"
Kitang kita ko ang pag tindig ng balahibo niya sa batok nya pababa sa braso at kamay. May tinatago talaga siya.
Nanahimik na ako at nagbasa ng libro sa likod. He would eventually admit it to me because he knows na I'm someone he couldn't fool.
Nagbasa ako ng libro hanggang makababa. Inalis ko muna sa isip ko si Charles. Mamaya ko na s'ya p-problemahin.
"San ang building mo Charlotte?" Andrew asked. Tinignan ko si Charles na mukang mas kalmado na . He's crossing his arms.

BINABASA MO ANG
Constantly Recurring (Perpetually Series #3)
RandomCharlotte's past wasn't the best place she have been to. It causes her many emotional damage even though she might've appeared to be robotic at times. She wasn't exactly healed when she met Calvin. The walking yellow guy who always screams sunshine...