~*~
Matapos ang ilang mga klase sa umaga
ay napag pasyahan ni Gabb at Bea na mag tungo sa cafeteria, libre kasi ni Bea kaya naman agad na sumama si Gabb, si Kevin naman ay may pinuntahan kaya hindi na nakasama pa sa dalawang kaibiganIlang minuto pa lamang sila doon nang makarinig sila ng malakas na tilian habang sila ay kumakain sa cafeteria
"Omg! Andyan nga si Mattheon" biglang saad ng dalagitang si Bea, napakunot naman ang noo ni Gabb, hindi niya kasi kilala ang sinabi ng kaibigan dahil bago pa lamang siya sa Unibersidad na kanilang pinapasukan, habang ang kaibigan naman niyang si Bea na kaklase niya ng Shs sa BlueBi High ay halata mong kilalang kilala na ito, mahilig kasi si Bea mag Internet hobby niya ang pang iistalk.
Pinag sa walang bahala na lamang ni Gabb ang kanyang narinig hindi siya interesdo sa ganung bagay, hindi siya interesado sa mga lalaki, nandito siya para mag aral, swerte na nga kung matatawag dahil naka kuha siya ng scholar ship sa Riano University, gusto niya talagang mag aral sa university na ito dahil nandito ang taong kanyang hinahanap, kaya naman laging gulat niya ng pag open niya ng kanyang mumurahing touch screen cellphone ay nakita niya ang email ng school na nag sasabing natanggap daw siya bilang scholar sa Riano University
"Ang guwapo guwapo talaga niya" muling saad ng katabi niya na si Bea dahilan para mapabalik siya sa kanyang sarili
"Hindi ka mapapansin n'yan" saad niya sa kaibigan para matigil siya sa kanyang pag papantasya sa lalaking hindi niya pa rin nililingon, sinabi niya ang mga salitang iyun sa kaibigan, hindi dahil wala siyang support dito, ayaw lamang niyang umasa at masaktan sa bandang huli ang kaibigan
"Bitter" pag iirap naman ng kanyang kaibigan sa kanya at saka tinigilan ang pag hiyaw sa halip ay binigyan na lamang ng pansin ang mga pag kaing naka hain sa kanila niya, nang ang atensyon ni Bea ay nasa pag kain na pasimpleng tiningnan ni Gabb ang kanilang tinitilian, medyo hindi pa niya halos makita ang mukha ng lalaki dahil may babaeng naka kapit sa braso niya dahilan para matakluban ang puwesto niya
"Tsk! Womanizer" bulong niya sa kanyang sarili
Nang umikot ang babae at kumalas sa pag kakakapit sa braso ng lalaki ay doon niya lamang nakita ang mukha ng binata na dahilan para lumaki ang kanyang mata, hindi siya makapaniwala sa nakita, ang lalaking 'yun ang kanyang hinahanap
"O diba? Gwapo sabi ko naman sayo e" saad ni Bea na ngayon ay nakatingin na pala sa kanya na malawak ang ngiti
hindi naman siya ni pinansin ni Gabb sa halip ay mabilis siyang nag tanong dito habang ang mata ay naka tingin pa rin sa lalaki
"Ano nga ulit ang pangalan niya?" pag tatanong niya sa kaibigan habang naka tingin pa rin sa lalaki, hindi siya nag kamali 'yun nga ang kanyang hinahanap, tandang tanda niya ang mukha na 'yun kahit lumipas na mahigit isang taon na hindi niya ito nakita pero tandang tanda niya pa rin ito
"Mattheon Ashtan Devereaux" mabilis na sagot sa kanya ng kaibigan niya "bakit bet mo 'teh? Sorry ka hindi ka mapapansin niyan" pag tatanong at pag gagaya niya sa kanyang sinabi kanina kanila lang
Muli hindi siya pinansin ni Gabb sa halip ay mabilis itong tumayo mula sa kanyang pag kakaupo
"Oyy 'teh saan ka pupunta?" gulat nitong tanong sa kanya pero hindi niya nito pinansin at saka ito mas binilisan ang kanyang pag lalakad papunta sa pwesto ng lalaki na nag ngangalang Mattheon
"Ashtan" pasigaw na sigaw niya sa pangalan ng lalaki nang medyo makalapit na ito sa puwesto ni Mattheon agad namang napatingin sa kanya ang binata, tiningnan siya neto na naka kunot ang noo.
Piste, hindi ba niya ako naalala? tanong ni Gabb sa sarili, agad na umakyat ang pag kainis mula sa kanyang ulo
"Why?" saad ng babaeng naka kapit sa braso niya kanina
"Anong kailangan mo sa asawa ko?" tanong ng babae sa kanya na siyang ikinahina ng tuhod kanyang tuhod, asawa? paano kami, paano ang anak niya? bulong niya sa sarili
Napalunok siya
"May gusto lamang akong sabihin" sagot nito sa babae, humina ang boses niya dahil sa narinig kanina kanilang, napapikit siya bago siya muling bumaling kay Mattheon, ang mukhang 'yun ang mukha ng tatay ng anak niya
"Did he call him, Ashtan?" rinig niyang saad ng isang babaeng malapit sa puwesto niya
"Yah, lagot siya kay Fafa Matt, hindi ba niya alam na ayaw nya sa name na 'yun duh" narinig pa niyang sagot ng isang babae, muli niyang iniling ang kanyang ulo hindi niya dapat pinapakinggan ang ganung mga bagay, nakasalalay sa kanya ngayon ang nakakabuti para sa anak niya.
Pigil ang hininga niya muling tumingin kay Ashtan, ngayon niya lamang nalala na sikat nga pala ang binata sa eswelahang ito, kaya heto halos lahat nang nasa canteen ay sa kanila naka tingin, pinagalitan niya ang kanyang sarili sa kanyang isip, masyado kasi siyang naging padalos dalos at nag padala sa kanyang damdamin
"Ano 'yun? Dito muna sabihin nang marinig ko ang sasabihin mo sa asawa ko" sagot ng babae sa kanya, dapat niya nga bang sabihin, dito talaga? hindi pwede dito maraming makakarinig, kahit na gusto niyang mag karoon ng ama ang kanyang anak ayaw niya pa rin namang sirain ang pangalan ni Mattheon
"Ano?" tanong ulit ng babae sa kanya sabay inom ng juice na nasa harap, para lamang itong nanonood ng movie, lihim na napatawa naman ang babaeng nag sabing asawa ni Mattheon dahil sa reaksyon ni Gabb kanina
"A-Ah wala kalimutan niyo na, sige una na ako" parang tangang saad niya sa babae at saka ito nag mamadaling bumalik sa puwesto niya kanina para kunin ang bag niya at para ayain si Bea na lumabas sa canteen
"Baklang papansin" narinig niya pang bulong ng isang babae habang nag lalakad siya pabalik sa puwesto niya
"Attention seeker!" narinig pa niyang bulong ng isa
_
"Teh, ano 'yun? explain" tanong sa kanya ng kaibigan niya na siyang ikinailing niya lamang, kanina pa siya nitong kinukulit pero hindi niya puwedeng sabihin dito, hindi dahil wala siyang tiwala sa kaibigan kundi pa siya handa na sabihin sa kaibigan ang tungkol sa anak niya at sa ama ng anak niya, hindi pa siya handang sagutin ang magiging katanongan nito
"Wala nga, okay? tiningnan ko lang kung gaano kasikat ang Ashtan na iyon dito" pag sisinungaling niya sa dalaga, medyo napapadalas na ang kanyang pag sisinungaling mula ng pumasok siya dito sa Riano University
"Gaga ka talaga 'teh" natatawang tugon ng kaibigan niya sa kanya, paniwalang paniwala kasi ito sa kasinungalingan niya
BINABASA MO ANG
HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]
RomanceAng sabi nila mahirap daw maging isang ama dahil ito ang nagiging haligi ng isang, ganun din ang pagiging ina na nagiging isang ilaw ng tahanan pero ang mas mahirap sa lahat ay tumayo kang ama at ina sa anak mo 'yan ang ginawa ni Gabb Riel, sa kabil...