29

16 3 1
                                    

Chapter 29

"4E same building" I read Andrew's text out loud. Tinanong ko kung nasan ang bloc niya. Luckily parehas kami ng building at madaling hanapin ang rooms dahil may nakaindicate naman na label. Buti nalang din parehas kami ng lunch time ni Andrew, I think synchronous yung schedule ng mga pare parehas ang major.

Nag hagdan nalang ako dahil isang floor lang naman yun away from mine. Nang makarating ako sa 4th floor, na realize ko na sa dulo pa pala yung room ni Andrew. Bakit kaya di nalang siya yung pumunta sakin 'no? Bwisit.

Papalapit nang papalapit ay nakita ko si Andrew malapit sa isa pang hagdanan. Kinawayan ko siya at di niya ako napansin. D'on ko lang na realize na may kausap pala s'ya.

I'm approximately 2 meters away from Andrew... that's when I realized na he's talking to Charles. Parehas nila akong hindi napapansin. I don't know why pero nagtago ako sa may pinto nung room. I hate eavesdropping but I think Charles would not tell me anything.

"Nakausap ko na si Dad. Wala daw available na trabaho sa site pero may available daw dun sa restaurant ng family friend namin. Hassle mag waiter.. okay lang ba sayo?" Tanong ni Andrew

What the fuck? Si Charles? Magp-part time? E ang tamad tamad niyang tao e! What is happening?

"Oo pre maraming salamat. Kailangang kailangan ko lang talaga" Charles sounds.. tired?

"Eto" hindi ko alam kung ano pero rinig kong may inabot si Andrew kay Charles "Okay na ba 'yan? Wala lang ako ngayon.."

"Sobrang salamat talaga pare.. hindi lang talaga ako maka utang kay Charlotte kasi... alam mo na. Please huwag mo na din sabihin sa kaniya" he said "Magkano na nga ang utang ko sayo?"

"18k" Andrew stated. Nanlaki ang mata ko. What the actual fuck?!? Ang laki naman! Para san ba yun? "Okay lang wag mo na madiliin ang pag-bayad. Hindi ko naman gagamitin"

"Babayaran ko din agad Andrew.." he said "Alam kong ulit ulit pero salamat sa pag sama parati kay Charlotte pag wala ako.. please wag mo sabihin sa kaniya.."

"Hindi mo habang buhay na matatago 'yan Charles. Pero sige hindi ko sasabihin" Andrew said

What the fuck Andrew?

I heard Charles walk away. Umalis din si Andrew sa may hagdan at nag text sakin. Yun na ang signal ko para lumabas nang hindi mapapansin ni Andrew.

I composed myself and act cool around him.

What the heck is wrong with Charles? Bakit siya uutang nang ganon ka-laki kay Andrew? Para san yung pera na 'yun at bakit kailangan niyang magtrabaho? Ano na namang kalokohang pinasok ng kambal ko? Papatayin ata ako ni Charles sa kaba.

Isa pa 'tong si Andrew. Why is he tolerating Charles and I thought friends kami? Bakit ang lakas n'ya mag secret sakin?

Thanks to my quiet personality, hindi evident kung galit ako o wala sa mood or tahimik lang talaga.

"Ayain mo si Charles kumain" I told Andrew the moment we got into Sunshine Lane.

"May class ata" he seems so cool. Hindi man lang kinakabahan.

Ang gagaling ah. Nakakalala ng trust issues.

Tahimik akong kumain. I didn't talk to him at all. He seems to not mind it kasi ganun naman talaga ako. Pero saka niya napansin ang konti kong pagdadabog nang mabilis ako matapos at niligpit ko lunchbox ko.

"San ka pupunta?" Tanong ni Andrew

"Hanapin ko next kong building"

"Maaga pa"

Constantly Recurring (Perpetually Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon