Vendo Machine (FINISHED)

1.9K 26 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 1

Ako pala si Sunday at isang akong malaking nerd. Sabi naman ng best friend kong si Milan hindi naman daw ako nerd, maganda naman daw ako, mahilig nga lang talaga akong magbasa. Oo nga pala si Milan ay best friend ko simula noong bata pa ako. Totoo pala yung kasabihang 'opposites attract' dahil kung ako'y nerd si Milan naman ay super kikay. Palaging may designer clothes at mayaman pa. Eh ako, diyan nga lang sa may tabi-tabi bumibili.

Sa kahirapan ng aking pamilya kailangan ko pa ngang magtrabaho bilang assistant librarian para lang may scholarship ako at para may allowance na rin, kulang pa kasi ang binibigay ni Nanay. Pero hindi naman mahirap maging assistant librarian dahil pag lunch, free period at after ng uwiaan lang naman ako nagtatrabaho sa library. Nagaayos lang ako ng libro at pumapalit lang sa circulation desk pag naglulunch si Ms. Carlos, ang head librarian sa school namin. Kaya naman wala akong reklamo pero inaabutan na ako ng gabi sa pagaayos. Pero diba, pag may tiyaga may nilaga?

"Sunday! Sunday!"

Sunday: Oo Milan. Nandyan na.

Nakita ko si Milan na may regalo sa akin.

Milan: Para sayo! Pasalubong ko sayo.

Galing kasi si Milan at ang family niya sa Ireland. Inabot niya sa akin ang isang kahon.

Sunday: Ano 'to?

Milan: Buksan mo muna.

Binuksan ko yung kahon. Pag bukas ko ito pala'y isang headband gawa sa swarovski crystals. Nagulat ako dahil alam ko na sobrang mahal ng headband na 'to. Kaya naman agad ko itong ibinalik kay Milan.

Vendo Machine (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon