VVNapahigpit ang hawak ko sa bag ko habang pinagmamasdan si Celestine. Masyado siyang maputla, parang kahit anong oras ay mawawala na siya. Hindi ko alam kung bakit ako nandito—siguro para lang makita siya sa huling pagkakataon bago ako tuluyang lumayas.
Dahan-dahan akong lumapit sa kama niya at naupo sa gilid. Hinaplos ko ang kamay niyang malamig at mahina. Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng luha ko.
"C-Celestine..." mahina kong bulong, pilit nilulunok ang sakit sa lalamunan ko. "I'm so sorry... sorry for taking your place. Sorry for living the life that was supposed to be yours."
Napakagat ako sa labi, pilit pinipigil ang hikbi. "Alam kong hindi mo ginusto 'to. At hindi ko rin ginusto. Pero kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang tunay na anak nila. Ikaw ang mahal nila, hindi ako..."
Muli kong pinunasan ang pisngi ko, kahit na wala naman nang silbi dahil tuloy-tuloy ang luha ko. "At least... at least ikaw, may pamilya. Alam kong mahal ka nila, kahit hindi nila 'ko kayang mahalin. Kaya... kaya aalis na ako, hmm?"
Tinitigan ko siya, parang hinihintay na bumukas ang mata niya kahit alam kong imposible. Pero walang nangyari. Nanatili siyang tahimik, walang malay, walang reaksyon.
Napahinga ako nang malalim at tumayo. "Goodbye, Celestine..."
At sa huling pagkakataon, pinisil ko ang kamay niya bago ako lumabas ng kwarto, dala ang lahat ng bigat sa puso ko. Wala na akong babalikan. Wala na akong pamilyang masasandalan. Ako na lang. Ako at ang batang nasa sinapupunan ko.
Napayuko ako habang naglalakad palabas ng mansyon. Ang bigat ng dibdib ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, pero isa lang ang sigurado—hindi ko na puwedeng balikan ang buhay na ito.
Hinaplos ko ang tiyan ko, kahit wala pa akong nararamdaman, alam kong nandoon siya. Maliit pa lang, pero buhay na. At sa bawat hakbang ko palayo, lalo kong naramdaman ang lungkot.
"Sorry, baby..." mahina kong bulong. "Hindi kita mabibigyan ng marangyang buhay. Hindi kita mabibigyan ng kompletong pamilya tulad ng nararapat sayo..."
Napapikit ako, pilit pinipigil ang luha ko. Pero may pag-asa pa naman, 'di ba? Elijah will be beside me. He said he'd take care of me. Of us.
Pero bakit parang hindi pa rin sapat 'yon para mapawi ang takot ko?
Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang taxi. Pakiramdam ko, anumang oras ay bibigay na ang mga tuhod ko.
Pagkasakay, napatingin ako sa side mirror. Ang mansyon. Ang buhay na hindi akin. Ang pamilyang hindi ako tinanggap. Lahat ng 'yon, tinatalikuran ko na.
"Saan ho tayo, miss?" tanong ng driver.
Napalunok ako. Wala akong matatawag na tahanan ngayon. Pero isang pangalan lang ang nasa isip ko.
"Elijah..." mahina kong bulong bago tumingin sa driver. "Sa pinakamalapit na motel muna po."
Kailangan kong makapag-isip. Kailangan kong malaman kung paano ko ito ipagtatapat sa kanya.
AGAD kong dinukot ang cellphone ko at dinial ang number ni Elijah.
One ring. Two rings. Voicemail.
I tried again.
Five times. Ten. Fifteen.
"Putangina naman, Elijah, sagutin mo!" I groaned, frustration bubbling in my chest.
I called again. Almost twenty times. Wala.
I gripped my phone tightly, my hands shaking. Bakit hindi siya sumasagot? Nasaan siya? Was he ignoring me?
Napaupo ako sa kama, hinihingal sa kaba. This wasn't supposed to happen. I left because I thought I had him. I thought he'd be there for me.
Pero paano kung nagkamali ako?
