Prologue

42 13 0
                                    

Prologue

Jenna POV

Bumungad sa akin ang maingay na mga studyante na nag kukumpulan sa may daanan, para bang may nag aaway. Kaya dahil curious ako sa nangyayari ay nakisiksik narin ako para malaman ko.

At tama nga ako may nag aaway nga, Sina Alisha at ang kanyang mga kaibigan na pinag tutulungan si Valentine. Napailing nalang ako sa kanila, Ewan ko ba kung anong ginawa ni Valentine sa kanya para pag tripan si Valentine, pero buti nalang palaban itong si Valentine.

Napatigil lang sila sa palitan ng masasakit na salita nang dumating si Valrian, ang campus crush ng university. Dahil sa nangyari ay bigla kaming nag sialisan at iniwan silang lima dun.

Ayaw naming madamay sa kanilang away kaya pinili naming umalis. I went to my classroom at hinintay mag simula ang first subject namin.

Makalipas ang Ilang minuto ay nag simula na nga ang aming first subject. Discuss lang sya nang discuss hanggang sa mag break time na. Pumunta na ako sa cafeteria, to be honest, I don't have friends but it's doesn't big deal for me. Mas okay nga na mag isa ka eh.

Narinig ko sa isa kong kaklase na may new student daw sa kabilang section. Ang sabi sabi pa nila na sobrang gwapo daw.

Nakarating na ako sa cafeteria, I seated in my usual area, di ko alam kung cafeteria pa ba ito dahil sa sobrang ingay ng mga studyante dito.

Umorder na ako ng aking makakain, nang mapadaan ako sa table nina Valentine. Kaya naman rinig na rinig ko ang pinag uusapan nila. And I think they talking about is the two guy who transfer in their section.

"Sabi mo mas gwapo ka sa dalwang transferri!?" iritang sambit ni Kristen ata ang pangalan nito sa lalaki.

"Mas gwapo nga ako" parang batang sagot ng lalaki sa kanya, medyo napatawa ako ng mahina dahil sa inisagot nya sa kaibigan nya.

"Your too much for being so windiness" maarteng commento ni Valentine sa sinabi ng lalaki. Dahilan upang mapatawa ako, nilagpasan ko na ang kanilang table at napailing sa kanilang pinag usapan.

Bumalik ako sa aking table na naaalala parin ang naririnig kong usapan sa table nina Valentine. Napatingin tuloy ulit ako sa kanilang table may kasama na silang dalwang lalaki.

Nagulat ako nang mag tama ang aming mata nung lalaki kanina, Ilang minuto kaming nag katitigan hanggang sa ako na ang unang umiwas ng tingin.

I didn't expect that, nakakahiya yun ramdam ko ang pag pula ng aking mukha dahil sa kahihiyan.

Pauwi na ako sa aming bahay pero parang ayaw kong umuwi ng bahay pero kahit na ayaw kong umuwi ay kailangan ko baka kung ano pang sabahin ng pamilya ko.

At nakarating na ako sa aming bahay tahimik lang akong pumasok ayaw kong madatnan nila ako na umuwi dahil baka kung ano ano pa ang sabihin nila kahit wala naman akong ginagawang mali sa kanila.

Thanks God. Hindi nila ako nakita or napansin na nakauwi na ako, nag palit na ako ng damit at humiga na ako sa aking kama at nag cellphone lang ako dahil wala naman akong gagawin dito ayaw ko namang bumaba baka awayin lang nila ako so I wil just stay here.

Maya maya ay may narinig akong kumatok sa aking pinto kaya napaupo ako ng wala sa oras, napag pasyahan kong buksan ito.

At bumungad sa akin ang favorite kong pamangkin na anak ni Kuya Jeon, si Gion ang tanging pumapansin lang sa akin pero pati narin yung asawa ni Kuya Jeon.

Silang dalwa lang ang nagpaparamdam na may pamilya ako sa bahay na ito, "hello tita Jen" bungad sa akin ni Gion, he just a 8 year's old.

"Why my favorite nephew is here?" marahan na sambit ko sa kanya at pumunta kami sa kama ko sinarhan ko na rin yung pinto.

"Nothing I just wait you to coming home I miss you tita" sambit nya sa akin kaya napangiti ako ng malawak.

"Ohh? It's so sweet my dear nephew" ani ko sa kanya at pinisil ko ang kanyang cheek, "tita it's hurt" sambit nya sa akin kaya napatigil ako.

"I'm sorry baby, I just giggled to your cheek, your so cute" sambit ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

Biglang pumasok sa aking kwarto si Ate Aye, "Oh? Naandito ka na pala, bumaba na kayong dalwa at kakain na" sambit nito sa amin. Ang asawa ni Kuya Jeon, lumapit sa kanya si Gion at niyakap.

"Sige ho, una na ho kayo" sambit ko sa kanila, tumango naman sya sa akin, inisama na nya si Gion na bumaba. Ilang minuto ang lumipas ay nag desisyon na akong bumaba.

"May balak ka pa palang bumaba, babaita ka" inis na sambit ni mama sa akin, napayuko naman ako dahil sa sinabi nya.

Nakayuko akong umupo sa hapag kainan. "Pa Vip kasi ma" sambit ni Joan sa kanya, at tumawa ng mahina na akala mo naman may nakakatawa.

"Dapat talaga di ka na nag aaral eh, imbes na mag aral tumulong ka nalang sa gawaing bahay rito, buti ga sana kung matalino ka" sabi ni mama sa akin, napatigil naman ako sa pag kain.

Hindi matalino?

Yan ba matalaga ang tingin nya sa akin? Ni minsan ba tiningnan nila ang aking grade? Minsan ba pumunta sila sa tuwing sinasabi ko sa kanila na may award? Tapos ngayon sasabihin nya ako na di ako matalino?

Tanginang yaan, mas mabuti ngang di na ako mag aral kung di naman pala nila nakikita yung mga effort ko.

"Siguro ma, kaya lang sya napasok dahil lumalandi sya doon" commento ni Joan at sabay tingin sa akin.

"Hindi mo gayahin itong kapatid mo na si Joan, laging with honor, mabait, masipag mag aral at higit sa lahat may pake sa kanyang kinabukasan di tulad mo na sobrang tamad" pag kumpara sa akin ni mama kay Joan na ngayon ay nakangisi sa akin.

Bumalik nalang ako sa aking pag kain at di na Lang pinansin ang mga pinag sasabi nila tungkol sa akin.

Pinigilan kong umiyak, dahil alam kong sasabihan lang nila ako na OA, pamilya ko ba talaga sila? Kung makapag bitaw sila ng salita sa akin, parang Kilala nila ako.

Natapos kaming kumain na tahimik, tumaas na ako at humiga na sa aking kama, nakatingin lang ako sa kisame habang lumuluha dahil sa mga masasakit na salita na binitawin sa akin ng pamilya ko.

Ganun ba talaga ang tingin nila sa akin na hindi ko kayang makapag tapos sa pag aaral. Hindi ba nila alam na ako lagi ang with highest honor sa aming klase.

Paano nga ba nila malalaman ehhh wala nga silang pakealam ehh, minsan napapaisip ako pano kung hindi nila ako tunay na anak?

Na nakatira ako sa mga tunay kong mga magulang na nararanasan na maramdaman ang pagmamahal ng magulang.

Yung tipong susuportahin nila ang anak nila kung ano ang gusto nila, yung tipong nag aalala sila, tapos yung icocommfort nila ako kapag may mga problema ako.

Ano kaya ang pakiramdam na yuun nu!! Nakakainggit yuun, di ko maranasan na tumungtung sa stage kapag may awarding na may kasamang magulang.

"Anak ba talaga nila ako?" salitang paulit ulit na tanong ko sa sarili ko, hindi ko maramdaman na anak nila ako ehh

Kasi kung anak talaga nila ako, mamahalin nila ako tulad nang pag mamahal nila Kay Joan at Kay Kuya. Ang sakit nila maging pamilya sa totoo lang. Puro kumpara ang natatanggap ko sa kanila kaysa sa pag mamahal.

Oo na sila na ang magaling, sila na ang matalino at sila na ang may kwenta, sorry ha heto lang ako tamad, Walang kwenta at puro ang alam lang ay mag inarte sa Inyo. Sana sila nalang ang pinanganak nyo.

Nakakapagod kayong intindihin at mahalin.

Nakatulog ako sa mga sakit na iniisip ko, ewan ba nakakatulog ako kapag may naiisip akong mga nakakasakit na salita. Baka hubby ko na un matulog pag katapos mag isip ng nakakasakit na salita.

Who Series 1: When Her Heart MeltsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon