"Meryenda tayo!"
Inilingkis ni Carol ang kamay niya sa braso ko pagkalabas namin ng room. Katatapos lang ng Strategic Management subject namin.
"Sa library na lang ako. Hindi pa ako gutom."
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.
"Akala mo siguro hindi ko alam na nagdadiet ka. Mali pala ako, you're skipping your meals."
Mabilis akong kumontra. "Hindi, a!"
Pinigilan niya ako nang magpatuloy ulit ako sa paghakbang.
"Magkakasakit ka sa ginagawa mong yan. Mabuti sana kung pera mo ang gagamitin kung sakaling maospital ka. Eh, hindi! Pera 'yon ng Ate at ng parents mo."
"Hindi nga. Busog pa ako," katwiran ko.
Malalim siyang bumuntong-hininga pagkatapos ay pinamaywangan ako. "Hindi ka nagbreakfast, hindi ka nag lunch... Baka hindi ka rin nagdinner kagabi. Kasi tuyo yung sink mo sa unit mo. Na dati naman ay tambak minsan ng hugasin.."
"Haynaku, bi. Hindi nga ako gutom!" Medyo naiirita kong sabi.
Bumitaw siya sa kamay ko. "Kung yan ang epekto ng panliligaw sa'yo ng Luca na yun, mabuti pang bastedin mo na!" Naglakad siya at nilampasan niya ako.
Hinabol ko siya.
"Wait lang!"
Pero hindi niya ako pinapansin kahit na hawakan ko siya.
"Bi.. Carol.."
Tumigil siya at hinarap niya ulit ako. "Alam mo? If you keep on comparing yourself to his past flings, walang mangyayari sa'yo. Sa inyong dalawa nung Luca na yun. Tigilan mo na ang pagdadiet dahil hindi ka papayat. Normal na katawan mo na yan.." Naiirita niyang bulalas.
Medyo na-hurt ako.
Her face slightly lightened. "Hindi kita binubully, Okay? I'm telling you the truth. Gaya nga nung sabi ng doctor, mas malaki ang bone structure mo kesa sa normal na ka-age mo.. Kung hindi mo matanggap kung ano ka, paano ka matatanggap ng ibang tao?"
Hindi ako nakapagsalita.
"Kaibigan mo ako, kaya prangkahan tayo... Hindi nagpapakahirap ang ate mo sa Japan para lang tipirin mo yang sarili mo. Nagbibigay sila ng higit pa sa pangangailangan mo dahil gusto nilang healthy at masaya ka dito kahit na mag-isa kang naninirahan sa unit mo."
Sa isiping iyon ay biglang tumunog ang tiyan ko.
"See?" Carol rolled her almond eyes. "Nagugutom ng yung tiyan mo. Ayaw mo pang pakainin.." Nagpatuloy siya sa paglalakad.
Humawak ako sa strap ng tote bag niya nang palisin niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.
"Hindi kita papansinin kung hindi ka kakain. Bahala ka na kung iisipin mong isip-bata ako." Sabi pa niya.
Tahimik lamang akong sumunod sa kanya.
Tumigil kami sa Mang Inasal, isa sa pinakapaborito naming kainan. Nag-order kaagad siya ng para sa kanya. Hindi pa rin niya ako pinapansin kaya umorder na din ako ng sa akin.
Napapangiti na siya ng malapit ko maubos ang sakin. PM2 iyon at pork sisig.
She reached for her phone at kinalikot iyon. May itinype siya at napapangiti nang ipasok niya ulit sa tote bag niya ang phone niya.
Katext niya siguro boyfriend niya.
After ng last class period namin ay naghiwalay na kami dahil gagawa pa daw siya ng homework niya. Naglalakad pa lang ako sa kahabaan ng Uste nang mapansin ko ang sasakyan ni Luca. It was park in front of iceberg, doon sa may food park.

BINABASA MO ANG
Racing Back To You (Montecillo Sisters Series 3)
RomanceSPG| R-18 | MATURE CONTENT A not-so-fairytale-like love story of Amethyst Montecillo. Amethyst is the Montecillo family's youngest and most cherished member. She is a naive and shy girl, unlike her sisters. She is beautiful but not as daring as her...