01

4 0 0
                                    

"Is it all done?" I asked my secretary.

"Yes, Ma'am. Mamaya na po ang umpisa ng burol." He said. Ang tinutukoy nito ay ang burol ng aking asawa. Yes, my old husband died kanina lang. At ang swerte ko! Finally, that old man died! Ang tagal-tagal kong nag-intay. Imagine, 5 years kong tiniis ang mga nakakadiring halik niya. Every time he touches my skin, it's disgust me.

"You can leave." I casually said to him. Tumango lamang ito bago lumabas ng aking silid. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Mula kanina nang ideklara ang pagkamatay ng asawa ko dahil sa sama ng loob sa akin, ni isang patak ng luha ay walang lumabas sa akin, maski guilty, sakit, at pangungulila na maisip palang na wala siya at hindi talaga.

Ngunit ngayong mag-isa ako, ngayon gustong bumuhos ng mga luha ko. Ngunit hindi dahil sa sakit ng pagkawala niya, kundi tuwa ng pagkalaya. Walang emosyon ang aking mukha ngunit ang aking mata ay patuloy ang pagluha.

"Malaya ka na, Raya. Finally, finally! Deserve!" Pumilantik ako sa aking sarili. Natigilan lamang ako ng tumunog ang cellphone ko.

Nanay is calling. . .

"Hello, 'Nay?" Bungad ko kay Nanay sa kabilang linya.

"Raya, ayos ka lang ba?" Anas nito sa kabilang linya.

Napabuga ako ng hininga."Oo naman, 'Nay. Ayos na ayos." Aniko. Akala talaga ng mga ito ay nalulungkot ako sa pagkawala ng asawa ko. Paano ba namang hindi? Tuwing tinatanong nila Nanay kung kumusta ang kalagayan ko sa mansyon ay sinasabi ko na ayos lang, na mapagmahal ang asawa ko at hinding-hindi ako pinapabayaan. Kabaliktaran ng lahat. Kaya nila akalain na mahal na mahal ko ang aking asawa at sobrang nasasaktan sa pagkawala nito.

"Sigurado ka ba, Raya?"

"Opo, 'Nay."

Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa aking pintuan."Sige na po, 'Nay. May aasikasuhin pa ako rito, e. Pasundo ko nalang po kayo mamaya." May pinaalala pa ang Nanay bago ko tuluyang patayin ang tawag.

Sumalubong sa akin ang mukha ng aking secretary."Ma'am, everyone is waiting for you downstairs. Gusto raw nila marinig ang hinaing mo ukol sa nangyari kay Don Custodio. And. . . there's a lot of pres." Dagdag pa nito. Napasintindo ako sa narinig. Mukhang matindi-tinding artehan ang kailangan kong gawin ngayong araw.

Wala na akong nagawa kundi magpakawala ng buntong-hininga bago muling bumalik sa aking silid at ayusin ang sarili. I put a lighy make-up on my face, actually, hindi ako nag-ayos kundi sinira ko ang ayos ko. Naglagay ako ng makapal ngunit hindi halatang make-up sa akin mukha na nagpapakita ng aking bared face. Nilapat ko rin ang aking nude lipstick sa aking talukap ng mata para magmukhang maitim.

Napangisi ako ng makita ang aking repleksyon sa salamin. Mukha na nga akong lugmok sa pagkalungkot. I stood up and scan my whole outfit.

"Ako lang ata ang namatayan na nakabackless pa." I whispered. But I don't care, kapag ba namatayan bawal na ang backless? Lumabas na ako ng silid para salubungin ang aking secretary."Let's go."

"Ano po ang dahilan ng pagkamatay ni Don Custodio, Mrs. Mc'Gregie?" Usisa ng isa sa mga press. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa aking paa. Bakit naman kase masyadong kilala ang asawa ko? Kailangan pa tuloy i-anunsyo sa iba ang mga nangyayari sa buhay niya.

"I'm sorry, pero ang ganitong usapin, gusto ko nalang na sa amin nalang. I don't want to make it public, and for sure, my beloved husband will not surely like it, though." Kumurap-kurap ako. Kunwari'y nanghihingi ng simpatya.

"Mrs, Mc'Gregie. Ngayon pong wala na si Don Custodio, itutuloy niyo pa rin po ba ang paghahanap sa nawawala niyang Anak?"

Mabilis akong nakaramdaman ng pagkairita. Isa pang problema ito. His long lost son. Mariing napakuyom ang kamao ko. Peke akong ngumiti."Of course. Iyan ang huling habilin sa akin ng aking asawa bago siya mawala. Ang hanapin ang kaniyang Anak, at ibigay ang kaniyang ilang naiwang kumpanya." Labas sa ilong kong sabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Husband's Long Lost Hot Son Where stories live. Discover now