NINETEEN
"Piattos o Nova?" Tanong ko kay Xyrus. Nasa grocery kasi kami ngayon para bumili ng mga pagkaing pwede dalhin kila Cooper. Inaya kasi kami nitong mag-movie marathon sa bahay nila dahil mag-isa lang daw siya at umalis ang mga magulang nito. Sabado din naman at walang pasok kaya pumayag na din kami.
"Both." Sagot ni Xyrus. Nasa tabi ko lamang ito at tulak-tulak ang cart samantalang ako naman ang tumitingin ng pwede naming bilhing pagkain.
"Tara, dun naman tayo sa drinks." Sabi ko at naglakad na. Tahimik na sumunod lang siya sa akin.
"Coke o Mountain Dew?" Tanong ko.
"Coke na lang." Sagot niya.
"Okay. Sa akin Mountain Dew." Sabi ko kay Xyrus at inilagay na iyon sa dala niyang cart.
"Bakit, favorite mo?" Tanong nito. Sa tingin ko ang Mountain Dew ang tinutukoy niya.
"Oo, favorite namin ni Sab." Sagot ko.
"Sige, ganun na lang din yung akin." Sabi niya. Nagtaka naman ako kaya tinanong ko siya kung bakit.
"Wala. Gusto ko lang parehas tayo." Sabi niya at pinalitan ang Coke na nasa cart ng Mountain Dew. Nagsimula na itong maglakad ulit samantalang ako nandito pa rin sa kinatatayuan ko. Bigla naman siyang huminto ng maramdaman niyang hindi pa ako sumusunod at nilingon ako.
"Tara na." Sabi nito at biglang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa ngiti niyang iyon. Tumango lang ako sa kanya at sumunod na din agad.
Kanina kasama namin si Sab at Cooper papuntang mall pero humiwalay din sila dahil baka daw makaistorbo na naman sila sa amin ni Xyrus. Mga sira talaga.
"Tara na, sa cashier na tayo." Aya ko kay Xyrus ng namimili pa ito ng iba pang pagkain.
BINABASA MO ANG
AbnormaLove (abnormal love)
Teen FictionAng gusto lang naman niya ay simpleng buhay. Gusto lang naman niya ay mahalin siya ng sarili niyang ina. Pero imposible ata 'yon, dahil mas mahal pa nito ang business nila kesa sa sariling anak. Pero isang araw na hindi niya namalayan ay may lalakin...