WAI 21: Rain Joshua

41 1 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Magdadalawang linggo na sina Renee sa probinsya, nung una ay hirap na hirap siyang mag-adjust dahil sa Manila siya lumaki.

Araw-araw na ding namamalengke si Renee at kumakain ng gulay dahil wala naman siyang choice,sa araw-araw na din na yon ay

laging magkasama sina Renee at Starr, hindi sila mapaghiwalay.Super close sila sa isa't isa kaya who knows kung sino na ang

nafafall sa dalawa.

"Mhy, nasaan si starr?"

"Oh himala, di ata kayo magkasama?"

"Tinatanong kita kaya wag mo din akong tanungin.Nasaan ba siya?"

"May pinuntahan ata sa labas eh, lumabas siya.Saka ano ka ba naman renee! Kakagising mo lang, si starr na agad hinahanap mo."

"Eh kasi--"

"Hay nako, wag mong sanayin yang sarili mo na kasama siya lagi ha? Mahirap na."

"Ewan ko sayo, basta hahanapin ko siya!"

Lumabas na nang nagmamadali si renee, nagbabakasakaling maabutan pa niya si starr.

Naglakad-lakad pa siya ng onti at nakita niyang papasok sa McDo si starr,nakita niya ito na kasama si andie, nag-uusap.

Pupuntahan na dapat niya si starr ngunit may humila sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig saka ito nawalan ng malay.

--

Sa isang lugar na kulay sepia ang paligid.Nakatayo si renee, nagtataka ang mukha nito kung bakit ganun ang itsura nang

paligid.

"Renee! Hi!"

"Ikaw nanaman?! Ano ba pakay mo saking multo ka ha? Kukunin mo ba kaluluwa ko? Saka bat' ganito yung paligid? May filter!"

"Hindi filter yan tanga, saka anong sinasabi mong kukunin ko kaluluwa mo? Baliw ka ba? Eh kaluluwa na nga ko eh tapos kukunin
ko pa yung iyo? Di ako soul taker."

"Eh ano nga tawag diyan sa paligid natin na yan ha?! Bakit parang makaluma na yung lugar?!"

"Memory Storage ang tawag diyan"

"Ano yan? Sa SD Card?!"

"Gaga.Anong SD Card?! Ginawa mong cellphone? Kanina filter ngayon SD Card? Eh luka!"

"Eh malay ko ba! Dinala-dala moko dito eh, kala ko nga rapist eh!"

"Eww, di tayo talo no."

"So it means bading ka?! OMG. There's a gay ghost hereeeeeee!"

"Shut up. Kung ayaw mong ma-rape nang isang multo"

"Eh kung rerapin' mo man ako, tatagos lang yang--"

"Oo na! Ang bastos ng bibig mo"

"Eh sino ka ba kase talaga?! Saka bat' ako nandito?!"

"Pinsan moko, di moko matandaan dahil kakakilala lang natin a month before the day of your accident.Kaya nabura na din sa
memory mo ang pinsan mong kay gwapo na si Rain Joshua Charns and that's me!"

"Kaya pala hindi tayo talo? Wala akong maalala duhh.So ano ngang ginagawa ko dito?"

"Eh kaya nga dinala kita dito diba? Stupid.Nandito ka para ipakita ko sayo ang lahat! Mga nangyari sayo two years ago.
Ipapakita ko sayo lahat ng flashbacks sa buhay mo, para maliwanagan ka"

Who Am I? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon