ASHLEY CARRACIO
Sunday ay General cleaning day. Sinimulan ko sa bodega ko, ay este kwarto pala. Super gulo kasi ng Closet ko jusko akala mo pinag sabungan ng manok e. Busy kasi ako sa School kaya hindi ko na maharap na ayusin pa 'to. Pag tapos nun napatingin ako sa may pinto ko, yung mga pictures namin ni Ethan. Nalungkot nanaman ako, hindi ko pa kasi sya kayang tanggalin e. Pati nga sa iPhone ko naka favorite pa yung mga pictures namin. Ewan mahal ko pa din sya.. Iniwan ko na yun at bumaba tutulungan ko nalang sila Mama dun para malibang.
After 55555 years natapos na rin kaming maglinis. Uh wait? 55555 Years? Number 5?! Monthsary namin 'yun a. Ano ba 'yan feeling ko lahat ng bagay konektado kay Ethan, ultimo yung Shirt na binili nya sakin nilagay ko sa pinaka ilalim ng damitan ko, yung couple watch namin hindi ko na masuot.. Hay Ethan ang lakas mo talaga sakin e. Sana lang ganin pa din ako sayo!
"Ashley, magsaing ka dun ha. May Zumba ako. May ulam na dyan don't worry. Hindi kasi uuwi dito ang Papa at mga Ate mo. Wag mong aawayin mga kapatid mo ha!" Paalala ni Mama, tanda tanda na gusto pa magpa sexy. Pero di ko sya masisisi tumataba na rin kasi sya! Facebook kasi ng facebook e!!
"Okay ma. Wag kang papagabi ha, wala kaming kasama dito.."
"Okay Anak, ilock ang pinto ha. Wag kaka usap ng hindi kakilala. Ingat, alis na ako." Minsan ang gulo ni Mama. Ang bait nya ngayon sakin e!
***
"Ate Ashley penge nga akong dos." Untag ni Travis sakin, saan naman ako kukuha ng dos e ako nga walang pang load!!
"Wala akong pera! Saan mo naman dadalhin 'yon ha?! Mukha kang pera!!!" Bad Ate! Pero this is me, bad pero sa huli good pa rin.
"Dyan lang. Ang damot mo naman e! Penge na kasi. Akala mo isusumbong kita kay Mama pag uwi."
"Edi mag sumbong ka, gusto mo samahan pa kita e! Ano tara na!!" Aba't sinapak pa ako. Nako ha, may buwanang daloy ako ngayon kapatid! Papatulan kita, kaya kinurot ko sya!
"Uwaaaa! Akala mo Ate Ashley isusumbong kita.. Uwaaaaa!"
"Sige ilakas mo pa Travis. Lakas pa! Hina e."
"Akala mo ang sama mong Ate. Uwaaaa.." Pinatapos ko muna syang umiyak tapos...
"Oh eto limang piso hanap ka ng kausap mo!!" Yeah, hindi ko sya matiis. Kasi naman kahit pagbali baliktarin ang mundo kapatid ko pa rin sya.
***
*toooot toooot*
From: Tita Vina
'Hi nak, good evening hoping na magkaka balikan pa kayo ni Ethan. I miss you. God bless!'
Bigla akong napatigil sa text na 'yon ni Tita. Usually kasi si Tito ang madalas mag text sa akin pero ngayon si Tita na.
*tooooot tooooot*
From: Unkwon number
'Ayoko po ng away. Kaya please leave us alone.'
Haaaay si Anne 'to. Kahit anong gawin kong pag limot sa ginawa nya sakin hindi ko magawa. I can't, may pinag samahan naman kami nyan dati e. Mabait sya, Maganda, Matalino pero ayaw gamitin e. Vice President sya sa Student Council namin, ako naman Representative. Kaya kahit anong iwas ko talagang magkikita at magkikita kami. Humarap ako sa salamin para kausapin sarili ko, baliw ba? Nakaka baliw kasi ang pag-ibig e!!
"Oh ano Ashley! Nasasaktan ka?! Naaapektuhan ka?! Papaka tanga ka pa din?! Ha?! Ano sagot!!!"
"OO! Nasasaktan ako! Naaapektuhan ako! Tanga na nga kung tanga pero mahal ko sya!!"
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...