His Secret (May 11, 2015)

444 16 0
                                    

My name is Tiffany Irene Reyes and I'm afraid of...

"Irene, do my home work." Sabi ng isang baritonong boses sabay abot sakin ng libro niya.

"Hey! Bakit kailangan-" Pag-angal ko sana kaya lang tinignan na niya ako ng masama. Nalunok ko ang dapat na sasabihin ko.

"May sinasabi ka?" Maangas na tanong nito.

"Yes, sir! Gagawin ko po!"Sabi ko ng nakasaludo pa.

..of this guy, Scott Ortega.

It all started in my first year highschool. I was so excited being a highschool student that I accidentally did something wrong.

Breaktime ngayon at naisipan kong makipag-usap sa isa kong kaklase. Hindi ko pa alam ang pangalan niya kasi first day nga pero balak ko na siyang kilalanin. Hawak-hawak ko ang apple juice na favorite kong bilhin habang palapit sa kaniya.

"Hey, I'm Irene" Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya. "Can I join you for lunch?"

Tinanggap niya ang kamay ko sabay sabing "I'm Chloe, Sure." 

I was so happy that time that I squeezed the juice I'm holding. Sakto namang biglang dumaan, si Scott Ortega.

"Sorry." Hinging paumanhin ko ng pmakitang puno ng apple juice ang uniporme niya.

And that time I got his attention so bad. Nawalan din ako ng chance makipagkaibigan dahil doon. Lahat kasi sila takot sa kaniya. So bad for my social life.

One day,

"Uyy!! Si scott yun oh naglalaro siya ng soccer." Aniya ng isang babae na kilig na kilig habang tinuturo si Scott na nasa soccer field. Nasa second floor kasi kami ng main building.

"Tara i-cheer natin?" sabi ng kasama nito na tuwang-tuwa din.

"Go Scott!" Magkasabay nilang sigaw.

He looked at their direction.

"The hell you want?" Kunot noong sabi niya.

"Wahh! Nagalit siya satin!" Nagalit na nga sa kanila kinilig pa. Mga babae nga naman ngayon. Nasapo ko na lang ang noo ko habang umiiling.

"I'm gonna faint!" Tili ng isa.

See? Mas gusto pa nilang ganyan si Scott samantalang ako sawa na.

Lagi niya na lang akong inuutusan hindi naman niya ako alila.

✈✈✈

Isang araw palabas na ko ng classroom dahil uwian na kaso biglang may humila sa bag ko kaya napaatras ako.

"Sinong may sabing makakauwi ka na? Gawin mo muna ung logbook na pinapagawa sakin."

Hindi na kailangan itanong kung sino yon.

Sanayan na lang 'to. Lagi niya 'tong ginagawa sakin kahit kumakain ako, may ginagawa, may kausap basta lagi. Minsan nakakasawa ng maging sunod-sunuran sa kaniya.

Tinapik ko ang kamay niya para matigil siya sa paghila sakin.

"Niloloko mo ba ako? Ikamamatay mo ba kapag hindi ko ginawa yun? I'm not your slave, okay?! Akala mo lahat ng tao mapapasunod mo sa'yo!" I wished I have the guts to say that. It'd be a huge relief.

"Uuwi na ko. Pagkatapos mo, ilagay mo na lang yan sa teacher's table." Sabi niya bago umalis.

"Aye Sir!" Eto na naman po kami.

Siguro magiging alila na lang ako ni Scott hanggang matapos ang school year na 'to.

"Andito ka lang pala Scott!" Sigaw ng isa naming classmate na si Gerard na nasa may pinto. Nakasalubong nito ang papalabas na Scott.

His Secret | one-shot ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon