Chapter 5

17K 407 6
                                    

HUNKS SERIES 1
THE LAST WILL
"HOMER"
BY:EMMZ

"No papa!.. Noooo!... muling sigaw ni Homer saka nagatatakbo papunta sa may dalampasigan kaya naman biglang nag alala ang mga kasama niya lalo na si Lyn at Hilda...

Dahil sa pag alala ni Lyn kung ano na nag nangyari kay don Marcelo dahil ayaw naman sabihin ni Homer kung ano ang nangyari ay sinundan niya ito sa may dalampasigan at nadatnan niyang umiiyak ito habang nakatingin sa walang hanggang kalawakan ng dagat kaya naman dahan dahang lumapit si Lyn kay Homer...

"Homer ano banag nangyari kay papa at nagsisigaw ka?....tanong ni Lyn dito ngunit walang sagot na narinig mula kay Homer kundi puro hikbi lang ang naririnig niya mula sa binata...

"Homer please sabihin mo naman kung ano ang nangyari kay papa hindi yung magsisigaw ka na lang at mag iiyak sa hindi namin alam ang kadahilanan!,...pasigaw na tanong ni Lyn dahil kinakabahan na siya sa halo halong emosyon na nararamdaman....

"Gusto mong malaman kung ano ang nangyari kay papa huh!,..para sa kaalaman mo wala na sina papa at mang Elmer nahulog nag sinasakyan nilang kotse sa bangin ng pabalik na sila rito at hindi daw sila nakalabas mula sa sasakyan at kung ano pa ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na alam kaya pwede ka ng umalis dahil ikaw ang malas sa buhay namin simula ng dumating ka sa aming buhay ay nagkaletse letse na ang aming buhay kaya pwede ba iwan mo na ako rito!,...singhal ni Homer kay Lyn ngunit si Lyn ay hindi makagalaw sa kanyang kinaroroonan sa pagkagimbal nito sa kanyang narinig hanggang sa hindi niya namamalayan ang mga luhang naglalandas sa kanyang pisngi hanggang sa tuluyan na siyang napahagulgol...

"Pa-papa!....tanging sambit ni Lyn habang hindi niya mapigil ang sarili sa pag iyak..."papa bakit mo ako iniwan?..bakit bigla kang umalis ng walang pasabi?..sino na ang magiging kakampi ko?..sino na ang magtatanggol sa akin?..sino pa papa!?...sino pa papaaaa!!!!...hu hu hu!..
"Oh Diyos ko bakit kung sino pa ang mga taong nagpapahalaga sa akin ay siya pa ang iyong kinukuha!,..bakit Po ganon oh Lord habang buhay na lang ba akong mag iisa?,..aaahhh bakit kay lupit na aking kapalaran,.bakit,..bakiiittt?....lumuluhang sigaw ni Lyn habang panay ang hikbi nito kaya't iniwan nalang siya ni Homer dahil sa pagkasuklam nito sa kanya...

Nahihiwagaan si Hilda kung ano ang nangyayari dahil ni hindi man lang nagsalita si Homer kung ano ang dahilan ng pagsigaw nito kaya labis itong nag aalala kaya ipinasya niyang lapitan ang dalawa ngunit napakunot ang noo niya ng makitang papaalis si Homer sa kinaroroonan ni Lyn at pabalik sa kanilang cottage kaya anman agad niya itong sinalubong...

"Homer bakit ano ba ang nangyari kay papa please sabihin mo naman sa akin oh!... nag aalalang pakiusap ni Hilda sa kapatid ngunit hindi tumugon si Homer bagkus ay inakay niya ang kapatid na si Hilda pabalik ng cottage saka pinaupo ang ate niya at napabuntong hininga ito kasabay ng pagpahid nito ng luha sa kanyang pisngi...

"Ate wala si papa nahulog sa bangin yung sasakyqn nila ng pabalik na sila rito at kasama silang nahulog hindi sila nakalabas ng sasakyan... nanlulumong balita ni Homer sa kanyang ate na hindi makapaniwala sa narinig...

"No hindi totoo ito sabihin mo Homer na nagbibiro ka lang..., please tell it Homer..,please!... lumuluhang wika ni Hilda ngunit umiling lang si Homer kaya napahagulgol nalang si Hilda at agad namang dinamayan ni Willie ang kanyang asawa...

"Hon calm down baka mapaano ka at ang baby natin!... nag aalalang saad ni Willie sa asawa saka niyakap nito upang aluin ang kanyang asawa at yumakap din si Hilda sa asawa habang panay ang hikbi at iyak nito at ng makalipas ang ilang sandali ay muling tumunog ang cellphone ni Homer at ng tingnan niya ito'y ang pangalan ni atty. Samuel Facundo ang tumatawag sa kanya kaya agad niya itong sinagot...

"Attorney bakit po kayo napatawag?.. Alam niyo na po ba ang nangyari kina papa at mang Elmer?... tanong ni Homer sa kanilang attorney..

"Yes kaya nga ako napatawag eh dahil ako ang una nilang kinuntak ng iyong ninong ng maganap ang insedente sa kanila.. sunod ang bangkay ng inyong ama at si mang Elmer at ngayon ay kailangan na ninyong pumunta rito sa may funerarya para maiuwi na ang bangkay nila at dahil wala namang kamag anakan rito si mang Elmer ay magkasama nalang natin silang ipalibing para hindi naman gaanong kawawa si Elmer...pahayag ni atty. Samuel kay Homer...

"Kung iyon po ang nararapat attorney ay papayag po kami at ngayon din po ay pupunta na po kami diyan para maiuwi na ang kanilang bangkay at salamat po attorney sa lahat ng kabutihang nagawa ninyo sa amin... wika ni Homer saka pinatay ang aparato nito sabay baling nito sa mag asawa...

"Ate kuya pinapapunta tayo ni attorney sa may funerarya kung saan naroroon ang bangkay nila papa at mang Elmer... saad ni Homer sa kapatid at bayaw saka napasulyap sa may dalampasigan kung saan naroroon si Lyn na kahit nasa malayo ay kitang kita niya na yumuyugyog ang balikat nito na ang ibig sabihin ay hanggang sa ngayon patuloy parin ito sa pag iyak...

"Tara na kung ganoon!.. asikasuhin nalang natin yung pagcheck out sa hotel upang makauwi na agad tayo at puntahan mo na si Lyn para maayos na rin niya ang kanyang mga gamit.... ani Hilda sa kapatid ngunit imbis na tumalima si Homer ay tumuloy ito sa hotel kaya si Willie nalang ang pumunta sa kinaroroonan ni Lyn at ilang sandali lang ay magkasama ang dalawa na dumating sa may cottage at saka nagyakapan at humagulgol...

Nang maayos ang lahat ng dapat ayusin sa hotel ay agad nilang tinungo ang punerarya kung saan naroroon ang mga bangkay nila mang Elmer at don Marcelo at halos hindi makapaniwala ang lahat sa hitsura ng mga bangkay ng dalawa dahil hindi na sila makilala pa sa sobrang pagkasunog ng kanilang katawan...

"Oh Diyos ko po hu hu hu papaaa!!!... Hindi napigilang hiyaw ni Lyn ng makita ang hitsura ng mga bangkay at ni hindi nila alam kung sinu sa dalawa ang kanyang papa o si mang Elmer....

ITUTULOY!!!...

HUNKS SERIES 1...The Last Will...HOMER...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon