[ Jasper's POV:]
Dark Force
"Ma'am yes ma'am! "Sigaw namin at lumabas na ng classroom namin. Nag announce lang naman si ma'am na makikipag laban kami sa mga sophomores ng Dark Force para malaman kung sino ang ilalaban sa Light force. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa naming magpatayan e. At hindi ko alam kung paano ba ako nakapasok sa university namin. Hindi ko ginusto.
Ang alam ko lang, nung naglalakad ako pabalik sa bahay, may nagabot sakin ng papel na sobrang ganda tapos...*flashback*
Naglalakad ako sa gilid ng kalsada para umuwi ulit sa bahay. Bumili ako ng Ariel sa tindahan yung 7.50 pero 8 pesos sa tindahan lol. Biglang may dumikit sa akin na lalaki na naka black Jacket, black pants at hmm, ang bango ni kuya. May binigay sya sakin na papel."Pumasok sa sa school na yan. Pag hindi mo ginawa yun, makikita mong maliligo ka sa sarili mong dugo," sabi nya. Ang cold ng voice nya.
"Bakit nama--"natigilan ako nung sinakal nya ako at inangat. Ang lamig ng kamay nya, parang yelo. Ang sakit din, hindi ako makasigaw.
"Wala nang ibang Tanong! Tandaan mo ito, pag hindi ka mag aral sa school na yan, mamamatay ka kasama ang pamilya mo, "sabi nya at binagsak na lang ako bigla. Wala pa namang dumadaan masyado kaya walang nakakita. Nakita ko syang naglakad palayo tapos bigla nalang nawala.
"Aray, "sabi ko at hinawakan yung leeg ko. Ang sakit parin tapos naghalo pa yung lamig ng kamay nya. Sino ba yun? Tinignan ko yung paper. Form?
*end of flashback*
Kaya ako pumasok dito kasi nakasalalay yung buhay ko at ng pamilya ko. Pinayagan naman ako ni mama pero hindi ko sinabi sa kanya yung nangyari.
I am Ronnel Jasper Jambalos. Wala pa akong masyadong close dito kasi lahat ng kaklase ko, parang seryoso at pag kinausap mo magagalit."Jasper una na ako sa dorm ha? "Paalam ni Prince sakin. 4 kami sa dorm. Ako, si Prince, Jeremy at David. Tig-4 lang bawat room. Onti lang kami sa section namin, 12 lang kami.
"Sige ingat! "Sabi ko at niligpit yung gamit ko. Nilinis ko yung classroom ng,
"Aray ko! Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo!" Hinawakan ni Gideon yung kwelyo ko at tsaka hinawakan yung wrist ko.
"Aray ko mamatay ka na!" Sabi ko. Nakuryente ako nung hinawakan nya wrist ko. Hindi yung spark na nararanasan nyo pag hinahawakan kayo ni crush. Ang sakit kaya nito.
"Mamamatay ka muna bago ako!" Diniin nya at umalis na ng classroom bitbit yung bag nya. Sabi sa inyo e, masusungit ang classmates ko. Mga ka-dorm ko lang ang close ko.
"Jasper, ano yun? " Tanong ni ma'am na sobrang busy sa pagaayos ng papers. Di pa pala sya umaalis.
"W-wala po yun. Sige ma'am, una na ako!" Sabi ko at umalis na ng classroom. Paglabas ko, nakita ko si Gideon at yung mga kaibigan nya, nag aabang sa labas ng room.
"Bakit ba palagi ka nalang ume epal? Wag mong--"naputol yung sinasabi ni Ariss nung nakita nya sigurong nawala ako. Yeah, marunong na ako gumamit ng powers, tinuruan kami ni ma'am kung pano kaya pwede na kami lumaban.
"Asaan na yun? Hoy wag kang magtago!" Sigaw ni Cezreel. Nilapitan ko sila at sinipa sa tiyan lahat. Binalik ko na sarili ko sa normal. Nagulat naman sila nung nakita na nila ako pero hindi sila maka ganti kasi masakit yung pagkakasipa ko sa kanila. Syempre sinigurado kong masasaktan sila para makaganti naman ako sa mga pinaggagawa nila sakin these past few days.
"Gumanti lang ako!" Pagkasabi ko nun, tumakbo na ako at nag invisible ulit. Mahirap na baka makita pa nila kung saan ako pumunta.
Nung nakalayo na ako sa building namin, nagbalil ulit ako sa normal at dumiretso sa kwarto namin. Nakita ko si Prince, Jeremy at David."O bakit pawis na pawis ka? Tumakbo ka ba? Matuyuan ka ng pawis, "sabi ni David at iniscan nya talaga ako.
"Mama ikaw ba yan? "Sabi ko sa kanya at dumiretso sa cr. Naligo ako at humiga sa kama ko.
"Nakita ko yun, "sabi ni Jeremy at nakangiti na nakatingin sa phone nya na bigay ng school. Yeh, yung mga dati naming cellphone ay kinuha nila para daw walang maka contact samin galing sa mga taong asa labas. Bawal kasi kami lumabas ng school, pwede lang kapag bakasyon. Ilang buwan na rin kami dito kaya nga nahasa na kami ng mga teachers.
"Yung alin?" Painosente kong Tanong. Nasabi ko na ba na iisa lanf ang kulay ng damit na binigay nila samin? Akin color white lang. Sa iba, iba na base daw kung ano ang power mo. Kala ko nga transparent yung ibibigay nila sakin e, lol.
"Inaway ka na naman nila Gideon. Wag kang pa inosente, halata ka na e,"sabi ni Prince. Alam na rin kasi nila yun. Ewan ko kung bakit ako lang ang binu-bully ng mga yun sa dinami dami ng tao sa school namin, ako pa talaga.
"Ahh oo. Nakaganti naman ako e. Ginamit ko yung powers ko tulad ng sabi nyo sakin,"sabi ko sa kanila. Tinuruan kasi nila akong paminsan minsan gumanti naman daw.
"Sinong magluluto?" Tanong ni David. Kahapon kasi si Jeremy. Hindi ko alam kung sino ngayon. Sinu-supply an naman kami ng school. Every Sunday sila nagiiwan ng pagkain sa rooms namin kaya wala kaming problema sa pera at pagkain kasi sila may sagot.
Actually nung pumasok ako dito, wala akong dala kahit ano yun kasi yung nakasulat sa binigay sakin nung lalaki kaya sinunod ko nalang.
"Ako nalang, "sabi ko. Marunong naman kasi ako kahit papano magluto kaya ako na nag participate. Ganyan kami dito.
Mamayang gabi pa naman ako magluluto kaya nag decide akong pumunta sa park dito sa campus. Dun kasi ako palagi nagpapa hangin kasi, ang ganda ng view tapos sariwa pa yung hangin plus hindi ko sila nakikita dun.
Umupo ako sa bench kung saan ako umuupo palagi. Puro mga high school students lang nakikita ko na nagti train ng powers nila. Yung iba, ginagawang yelo yung tubig sa pond tapos binabalik ulit sa dati.
"Kala mo takas ka na? "May narinig akong bumulong sa left ear ko. Bulong palang alam ko na kung sino.
"Kailan nyo ba ako titigilan ha?" Humarap ako sa likod at andun silang walo nakasandal sa may poste ng ilaw.
"Kapag pumuti na ang uwak hahaha, "tumawa si Cezreel at tinutok yung kamay nya sakin. Alam ko naman ang powers nito e. He can manipulate and create ice. Palagi nya ginagawa sakin ito pero this time, mas malamig na. Tinignan ko nalang sila. Sana naman may tumulong na sakin kaso dati hinagis lang nila ako sa pond at hinayaang matunaw yung yelo.
Tinignan ko nalang sila, tumatawa pa. Biglang may nangsita sa kanila na lalaki naka all black. Tumakbo yung mga yun paalis tapos yung lalaki in-unfreeze ako. Nagulat nga ako nung sya pala yun.
"Ikaw?" Sabi ko. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala. Tinanggal nya yung hood ng jacket nya kaya nakita ko na yung muka. Parang pang artista yung muka nya at sobrang puti. Pero alam ko, pag ice ang power, blue ang damit. Bakit sya color black?
"Ano? Ayos ka lang?" Tanong nya at lumapit sakin." Sabi na natakot ka kaya dito ka nag aral. Well, dapat lang."
"Sige mauuna na ako!" Sabi ko pero biglang lumamig yung paa ko. Pagkita ko, finreeze nya pala.
"Magiingat ka sa mga yun. They're dangerous, "sabi nya at in-unfreeze yung paa ko. Tumakbo na ako ng tuluyan pabalik sa dorm. 6 na pala ng gabi, hindi ko namalayan yung oras. Nagluto na ako at sabay sabay kaming kumain.
----