Tamara

22 1 0
                                    

Araw araw ako nandito, nakakulong sa isang magulong kwarto, madilim at ako lang mag-isa. Tuwing alas tres ng madaling araw ay kinakausap niya ako at pinupuntahan dito sa kwartong ito.

Araw araw akong naghihintay kung ano ang sasabihin niya sa akin. Dahil para sa akin, lahat ng ito ay mahalaga.

Kagabi, noong pumunta siya rito ay sinabi niya sa akin na maging masaya ako dahil hindi na ko kailan pa man mapapagalitan ni Ate at 'di na muli akong bubugbugin, ayaw kasi ni Ate sa akin dahil wala daw akong kwenta sa pamilyang ito at palamunin lang daw ako, naalala ko pa noong sinabi niya na sana ay hindi nalang ako inianak ni Mama, kaya naman sinunod ko ang sinabi niya, at naging masaya naman ako dahil sa wakas ay wala ng makakasakit sa akin. Sa bawat salitang sinasabi niya sa akin ay nawawala ako sa sarili ko, palagi ko gustong tignan ang kanyang mga asul na mata at hinihiling na sana ay hindi na ito mawala pa sa panigin ko, sana.

Bumuntong hininga ako at malalim na nag-isip kung ano ang ginagawa niya ngayin. Niyakap ko ang aking mga binti at pumikit. Dadating siya, maya-maya lang din ay dadating na rin siya.

Nakarinig ako ng kaluskos at napatingin ako sa bintanang katapat ko, malaki ito at ramdam ko ang hangin na dumadampi sa aking balat. Napakasarap tignan ng paligid tuwing gabi, ang mga bituin ay kumikinang sa madilim na kalangitan. Pusa lang pala iyong narinig kong kaluskos. Akala ko siya na.

Nararamdaman ko na ang pagdating niya, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at ang lakas nito.

Isa, dalawa, tatlo...

Nakikita ko na naman ang kanyang asul na mga mata. Naghuhuramentado na naman, ang aking puso. Sasabihin ko na ba sa kanya? Pero, bawal... magtitiis na lamang muna ako. Alam kong dadating din siguro ang tamang oras.

Pumasok siya mula sa bintana. Napaka-gwapo niya. Talaga nga'ng anghel siya.

"Tamara." Sambit niya. At umupo siya sa tabi ko.

"Azrael, akala ko hindi ka na darating." Sagot ko sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Darating ako, palagi. Basta tatandaan at gagawin mo lang lagi ang mga sinasabi ko." Sabi niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata ng deretso. Tama, tama siya.

"Oo, tatandaan ko." Sagot ko naman sa kanya habang tumatango.

Naaalala ko pa ang una niyang pag punta dito, noong mga oras na naghahanap ako ng makakausap, ng makakapitan, ng magiging kaibigan...

"S-sino ka?" Takot na takot 'kong tanong noong una ko siyang makitana pumapasok sa bintana ng kuwarto. Napansin ko agad ang kaniyang putting damit, maputing balat, mapupulang labi at asul na mata. Napaka-gwapo. Palaging nakabukas ang bintanang iyon dahil gusto ko makalanghap ng hangin mula sa labas lalo na tuwing gabi.

"Ako si Azrael, 'wag kang matakot sa'kin. Anghel ako." Aniya.

"A-a-anghel?" Nakangiti kong tanong. May magiging kaibigan na rin ako sa wakas.

"Oo, anghel ako Tamara..." Sabi niya habang nakatingin sa'kin at dahan dahan siyang umupo sa aking tabi.

"Bakit ka nandito? Bakit alam mo ang pangalan ko? Bakit wala kang mga pakpak? Bakit..." Ang daming tanong na nabubuo sa utak ko. Sa matagal kong pagkakakulong sa kwartong ito dahil sa pagkamuhi sa akin ni Ate Tanya, ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko, panaginip ba 'to? At ang magiging tugon 'pag nakakita ng isang 'di pamilyar na tao.

Kinagat niya ang labi niya, at hinawakan ang kanyang kwintas na may disenyong pakpak. Lumapit siya sa akin hanggang maramdaman ko na ang lalim ng paghinga niya, sobrang lapit niya at hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman, basta ang alam ko lang ay nagwawala na ang puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TamaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon