Chapter 1
•| Dream 1 |•
"Class Dismissed"Isa sa magandang sinabi ng guro namin sa araw na ito.
"Yes!" Mahina ngunit masayang sabi ni Kieseyah
Tinignan ko lang siya dahil masyado akong inaantok at pagod sa araw na ito. Ikaw ba naman ang pagsayawin sa loob ng tatlong oras na pag-inom lang ng tubig ang pahinga, tignan natin kung hindi ka mapagod at antukin.
"Yah! Magsalita ka naman Glyren!" Taas-kilay niyang sambit sakin
"Too tired, Bes..."- sabi ko sa kanya at ngumuso
Naparolled eyes naman siya dahil sa sinabi ko.
"Tsk! Anong bago doon Glyren Vicquera! Lagi ka namang tinatamad sa lahat ng bagay!" Sabi niya sabay tayo at pinameywangan pa ako.
I just stare at her. Alam niya na iyon na ayaw kong magsalita sa tagal ba naman naming magbestfriend eh, nagkaka-intindihan na kami kahit na magtitigan at senyasan pa kami maghapon.
"Hay naku! Tumayo ka na nga riyan at umuwi na tayo. Baka mamaya pati pag-uwi ay tamadin ka, pagulungin talaga kita pauwi." Seryoso ngunit pabiro niyang sabi
Agad naman akong napatawa doon.
Ganoon siya lagi kapag alam niyang tinatamad na ako magsalita. Agad naman akong tumayo at sabay na kaming lumabas mula sa classroom namin.
Habang naglalakad kami pauwi ay panay ang kwento niya tungkol sa k-pop na hindi ko naman malaman kung sino ang mga iyon. May mga litrato pa nga siyang pinapakita sa akin pero hindi ako ganoon ka-interesado para tignan kaya ayon nagku-kwento na lang ulit siya.
-
"Hep!Hep! Tama na ang pagku-kwento tungkol sa mga kpop-kpop na iyan... Hindi ko naman alam kung sino ang mga iyan,eh..."-sabi ko sa kanya
"Eh! Bakit ba kasi ayaw mong malaman? Ang gu-gwapo kaya nila..." Kinikilig na ani niya
"Retokado kamo..."agad na sabat ko
"Anong retokado?!Gaga ka ba?! Iyong iba lang iyon pero iyong GOT7 hindi!?"-sabi niya at nagsalubong ang kanyang kilay
"Edi k-papanget nalang..." Bored kong sabi sa kanya
"Gago! hindi sila panget! Hindi mo pa nga nakikita ang itsura nila dahil sa tuwing ipapakita ko tinataboy mo--"
"Hindi kasi ako interesado sa kanila..." Pagpuputol ko sa sinasabi niya
"Gaga! Baka pagnakita mo ang mga iyon maglaway ka kaagad. Abs palang ni Jackson ulam na!" Sabi niya ng parang tangang ngiting-ngiti
"Paano pa 'yung ibang myembro kapag nagpakita ng abs? Mangingisay ka nalang?" Parang tangang tanong ko sa kanya
"Hindi hanu! Sayang ang view gagapangin ko nalang.Rawr!!" Maharot na sabi niya
"Sige, laklak pa ng krimstix..."sabi ko at inirapan siya
"Hmp! Bakit ayaw mo kasi maging kpoper?!" Tanong niya
"Nakakatakot eh!" Sabi ko sa kanya at binuksan ang gate namin.
"Bakit naman?" Takang tanong niya
"Baka maging baliw ako tulad mo..." Sabi ko at mabilis na sinara ang gate para hindi niya ako mabatukan o masabunutan
"SIRAULO! BALIW KA NA TALAGA!" Pasigaw na sabi niya at akmang babatuhin ako ng sapatos niya kaya tumakbo na ako papasok ng bahay.
Tatawa-tawa akong pumasok sa loob ng bahay dahil naaalala ko ang umuusok na ilong ni Kieseyah. Malala na talaga ang kaadikan ng bestfriend kong iyon sa k-pop.
![](https://img.wattpad.com/cover/311300415-288-k165886.jpg)