"Grabe nakakapagod pala maging college student!"
Papunta kami ng mga kaibigan ko sa cafeteria para mag lunch. Kanina pa nagrereklamo ang dalawa tungkol sa tambak na projects and assignments nila.
"Coming from a student na nagddrawing lang?" kunwaring gulat na sabi ni bea habang nakahawak sa chest.
"Excuse me? Mahirap din kaya mag-isip ng design! Lalo na at strict pa itong prof namin!" Frances rolled her eyes habang dala-dala ang sketchbook niya. I let go a heavy sigh and walked faster para maunahan sila, naririndi na ako tapos gutom na gutom na.
"Buti pa 'tong isang 'to laging busog sa course na kinuha." kumapit si Frances sa braso ko habang hawak niya sa kabilang kamay ang sketchpad. "Don't forget to bring pagkain for us after you make luto ha?" she pouted para magpacute saakin. Which is not working.
"True, make it madami so that we're busog lusog!" kumapit naman 'tong isa sa kabilang arm ko at nagpacute din.
Second year college na kaming tatlo and I took Culinary Arts, Bea took Medi-Tech, and Frances took Fashion Design.
"Yuck, 'di niyo bagay maging conyo. Hindi kayo pwede sa bgc, panget na nga magconyo mga patay-gutom pa." inalis ko ang mga kapit nila saakin at pumasok na sa cafeteria. "Finally, ang lamig!" naka-aircon ang buong caf kaya malamig.
"Okay lang, libre pa kita dun eh!" pagmamayabang ni Frances.
Hindi ko na siya pinansin at pumunta na sa bilihan ng foods. Gutom na talaga ako, parang may dragon na kumakatok sa tiyan ko kanina pa. I ordered chicken fillet and orange juice, ganon na din ang inorder nila dahil idol nila ako.
Umupo na kami sa bakanteng table at nagsimula nang kumain, etong dalawa naman ay kanina pa naghahanap ng mga gwapong third year students. Ayaw daw nila sa ka-year nila, gusto nila someone older than them. Ako naman ay busy kumain at ninanamnam ang fillet. Ayaw ko sumali at humanap ng gwapo.
Sorry, not interested. Study first.
"Gago ang gwapo nun girl!"
"Where?" Hinanap ko agad yung tinutukoy ni Frances. "Wala naman eh!"
"Baliw! Ayun oh! The one wearing an archi uniform!" tinuro niya pa! Binaba ko agad ang kamay niyang nakaturo dahil nakakahiya.
"Tanga, apat silang naka-archi uniform alin don?" Nakatingin pa din sa mga lalaki.
"Ehe, lahat sila."
Pati ang ibang studyante ang napapatingin sakanila, sila naman ay walang pakialam dahil mukhang sanay na. Well, gwapo nga silang lahat, sa sobrang gwapo halatang di magiging amin. Tinuloy ko nalang ang kinakain ko dahil naalala ko na study first pala ako.
Nang matapos na kami kumain naglakad-lakad muna kami dahil madami pa naman kaming time. We're planning to hang out later after class since sunday naman bukas.
"Sunduin muna natin si iya." kinuha ni bea ang phone niya para mainform si iya about sa gala.
We have another friend sa ibang university, we met her at senior high school but she transferred din noong nagcollege na. I'm happy na kahit malayo siya she still hangs out with us. G agad siya kapag aayain namin.
"Oh right, may photoshoot ako mamaya para sa ipapalit na tarp." hindi ko alam kung bakit ako pa ang pinili, nakakahiya tuloy dahil makikita ng bawat taong dadaan sa school ang maganda kong pagmumukha.
BINABASA MO ANG
Take me Away (Lost Series #1)
RomanceHe is the place where I always want to go. 05/21/22