CHAPTER 3

2 0 0
                                    

CHAPTER 3

She's happy.


Ito ang unang beses na naramdaman ni Pristine ang kagalakan dahil lamang sa pakikipag-usap sa isang taong ngayon niya lamang nakilala. Nakagaanan niya agad ng loob si Aslan dahil sa mga pagkakapareho nila ng interest.


 They both like classical music, so they both collect classic records. They both like organize things, but not that organized as him because even in business planning he's doing it. He like the fact that she loves to wear dresses.


Napansin niya rin na ayaw nitong tinatakpan niya ang bibig kapag tumatawa, dahil ayon kay Aslan, hindi ito nakakabawas ng pagiging elegante at manners. Gusto nitong makita siyang masaya dahil nakikita nitong hindi siya ilag gaya ng unang pagkikita nila.

"Thank you," she said. They are now standing near their door's mansion. "I had fun talking with you tonight," pag-amin niya. Napayuko pa siya at napakagat-labi dahil nahihiya siya sa pag-amin kay Aslan.


"My pleasure," his deep voice exclaimed. Nang iniangat niya ang ulo ay nakita niya ang malalim na titig nito sa kaniya. They say the eyes of a human is a truth-teller, and she ca n see the sincerity in his eyes.


 Napaatras siya, hindi sa takot kung hindi sa kakaibang pintig ng puso niya at baka marinig ni Aslan iyon.

"Uhm, if you want puwede kang pumasok para mag-dinner. It's not that late naman."

"No need, nabusog ako sa dami ng kuwento mo. Mas madaldal ka pala sa akin." Tumawa pa ito dahilan para mapasabay siya. His laugh is influential.

"Is that a compliment?"

"Well, hearing your sweet voice all the time makes me calm. It's actually soothing," That made her blushed. So she smiled at him, with her dreamy eyes and hopes that this man will be consistent in making her happy.

"You should go inside no-"

"Pristine!" Napalingon silang dalawa sa sumigaw.

"Nile?" Tawag niya sa lalaking kakababa lamang ng isang sasakyan. Mabilis itong naglakad papunta sa direksyon nila. Kaagad namang tinakpan ni Aslan ang katawan niya na tila pinoprotektahan siya.

"Anong mga kasinungalingan ang mga pinagsasabi mo sa kaniya? Ha?" Nang silipin ni Pristine si Nile ay kita ang galit sa mga mata nito. Pareho silang napaatras ni Aslan nang hawakan ni Nile ang damit nito.
"I know you, Hardecera. You don't have remorse to people. At huwag mong idamay si Pristine!" Bawat salita nito ay dama ang pagbabanta.

Napailing at natawa ng mahina si Aslan sa inasta nito. "Seeing me in my business manners doesn't mean it's the same with my personal matters, Mr. Acevedo." She can feel the tension between the two men, and it's making her scared. "Now, take off your filthy hands on me."

"I will! Kung lalayo ka kay Pristine!"

Doon naitulak ni Aslan si Nile at tila handang makipagbuno ang dalawa.

"Don't dictate me! And I don't have any wrong intention with my soon-to-be wife!" Aslan roared. Nile however, stilled on the ground.

"What did you say?" Nang lumingon si Nile sa kaniya ay may kakaibang hinanakit sa mga mata nito. "Pristine, you're gonna marry this man?"

"Y-yes," mahinang sambit niya. "Magpapakasal na kami bukas."

Mahinang napamura si Nile bago magsalitang muli. "Pristine, hindi mo kailangang pumayag kung napipilitan ka lang. Imposibleng dalawang araw lang akong wala rito, magpapakasal ka na agad sa gagong 'to?"

"You know I don't have a choice-"

"Yes you have a choice!" Sigaw ni Nile na halos rinig ng mga guwardiya sa labas.

" 'Wag mo siyang sigawan!" Doon na hinawakan ni Aslan ang kuwelyo ni Nile.

"Stop!" Pristine is now bursting her tears. "Please, stop!" Pumagitna na siya sa dalawang lalaki at nangininig na hinawakan ang mga kamay nito para umawat.

"Anong kaguluhan ito?!" Dumagundong ang boses ni Don Mariano na nakalabas na pala sa loob ng mansion. Galit na nakatingin ito sa kanilang direksyon. Lumapit siya rito para magpaliwanag kahit na natatakot na siya sa galit na titig nito.

"L-lolo, I'm just stopping them in their argument because Nile thinks that-" paliwanag niya kahit hirap siyang magsalita dahil sa mga hikbi. Napahawak ang dalawang kamay niya sa braso ng abuelo.

"Stay here," He ordered and she followed. "Itigil mo na 'yan, Nile."

Naglakad palapit sa dalawang lalaki si Don Mariano. "Ako ang nag-utos na pakasalan silang dalawa."

Napabuga ng marahas si Nile sa sinabi ng Don. Binitawan niya naman si Aslan. "Pero napaka-unfair niyon kay Pristine!"
"At sumasagot ka na sa mga kautusan ko?!" Sa galit ng Don ay naiduro pa nito kay Nile ang tungkod na hawak.

"Hindi, sinasabi ko lang ho na si Pristine ang naiipit dahil kilala ko 'tong gagong to. Wala siyang awa sa mga taong bumabangga sa kaniya!" Dinuro naman ni Nile si Aslan na tahimik lamang na nakatayo.

Nang lumingon si Pristine ay nakita niya ang mga magulang niyang naga-alala. "Dad! Dad! Stop them," sambit niya sa bawat hikbi.

"What's happening, Pristine?" Nahahapo naman ang kaniyang ina. Hikbi lamang ang kaniyang sagot at hinawakan ang braso ng ina.

"Nile!" Tawag ng kaniyang ama. "Calm down and I will explain." Sumenyas naman ito na pumasok si Nile sa loob ng mansion. Nang makapasok ay lumapit ang ama niya kay Aslan.

"As you can see, Mr. Hardecera. Ganiyan kami ka-protective kay Pristine." Bungad ng kaniyang ama kay Aslan. Nagtama naman ang mga mata nila ng lalaki.

"I know, Mr. Marbello. But really, my intention with your daughter is good." Tumingin pa si Aslan sa kaniya.

"Huwag lang puro salita, hindi ako against sa kasal niyo pero patunayan mong hindi ako nagkamaling pigilan 'to." Madiin ang bawat salitang pinakawalan ng ama niya kay Aslan.

"I will. I will take care of her." Nakipagtitigan pa ito sa kaniyang ama. Pristine felt secured by Aslan's words. Sana nga lang ay totoo ang lahat ng mga sinasabi nito.

Doon lamang natapos ang usapan ng dalawa nang tinapik ni Don Mariano ang kaniyang ama.

"Tama na 'yan, Norbert. It's my decision for Pristine. Pumunta ka kay Nile bago ko mabigyan ng kung anumang kalapastanganan ang tao mo."

"Sana nga papa, tama kayo ng desisyon para sa anak ko."

Marahas na naglakad ang ama niya papasok sa mansiyon. "Pristine, go inside."

"Yes, dad." sang-ayon niya.

"Wait!" Napatigil ang lahat sa sinabi ni Aslan. "May sasabihin lang ako kay Pristine bago ako umalis."

Nagtinginan ang lahat pero hindi na umalma pa sa hiling ng binata. Pumunta ito sa kaniya at inilapit ang mukha sa kaniyang tenga.

"I hope you won't change your mind. I promised I will not do anything bad to you," he whispered. "May I see your smile again?"

Nang ilayo nito ang mukha sa kaniya ay tumango siya at tumawa ng mahina. That's what she likes about Aslan. He always asks for her permission, he's not pressuring her about what she will do and decide. It makes her happy.

" I need to go now," paalam nito sa kaniya.

"Mag-iingat ka," ang tanging sambit niya. Kung sa iba ay hiniling nilang hindi matuloy ang kasal sa pag-isip ng 'sana mabangga ka' pero hindi siya ganoon kasama.

If that is her fate, then let the fate dictate her life. Buong buhay naman siyang dinidiktahan.

He just winked at her and run to his car.

Pagpasok niya sa kanilang mansion ay puro panghusga at pagduduro ang binigay sa kaniya ng kaniyang lolo.

"Binalak mo pa talagang tumakas."

"Buti nalang at si Aslan ang nakakita sa'yo kung hindi, baka kung ano na ang nagawa ko sa'yong babae ka."

At kung anu-ano pang salita ang naibigay sa kaniya. Sa totoo lang, nakakapagod. Kung nag-rebelde na siya noon pa lang ay baka lahat ng gusto niya ay nagagawa niya. Pero inuunahan lagi siya ng takot.

Kinabukasan, maagang nagising si Pristine para maghanda sa kaniyang kasal. Naging madali na ang paghahanda dahil alam na lahat ng ina niya ang gagawin, fit na fit sa kaniya ang sukat ng kaniyang wedding gown.

Isa itong floral designed lace wedding dress na square ang neckline at long sleeve, hanggang paanan niya ang haba nito kaya mukhang simple at konserbatibo ang design, nababagay sa kaniyang personality. Ang kaniyang make-up naman ay simple lamang at messy bun ang style ng buhok. Nagbigay elegante sa kaniya ang binigay ng tita ni Aslan na diamond necklace.

Napakaganda ng nasa harap niya. Animo'y walang malaking problema ang babaeng kaharap niya sa salamin. Nasa kalahating oras na rin siguro siyang nakaupo sa powder room ng mansion at nakatitig lamang sa salamin.

Ganito ba talaga ang pakiramdam ng isang babae kapag ikakasal siya? Hindi niya naitanong iyon sa kaniyang ina noong bata pa sya.

Halo-halo ang emosyon niya. Kaba. Lungkot. Alinlangan. Takot at pangamba. May ilang oras pa naman siya para umatras hindi 'ba? Pero saan siya pupunta? Alam niyang makikita rin siya ng kaniyang lolo at baka masampal siya kapag sinuway niya ito.
Napaluha na lamang siya sa isiping iyon. Pero pinanghahawakan niya ang sinabi ni Aslan, she should trust him.

Doon niya lamang napansin ang pag-ring ng phone niya. Tumatawag si Nile sa kaniya.

"Hello?"

"Pristine? Pinapatawag ka ni sir Norbert dito sa backyard."

"B-bakit? May nangyari ba?"

"Pumunta ka nalang dito." At doon naputol ang kabilang linya.

Kinabahan naman siya at dali-daling pumunta sa likod ng kanilang mansion. Iyon ang lugar na laging nagpapakalma sa kaniya dahil iyon lamang ang lugar na hindi pinupuntahan ng kaniyang mga magulang.

Luminga muna siya bago nahanap si Nile na nakatukod sa sasakyan nito.

"Pristine!" Lumapit ito sa kaniya at sandaling huminto para titigan siya. "Halika na! Itatakas kita rito!"

"A-ano..?!" Nagulat siya. Mas lalo pang gumulo sa kaniya ang kasiyahang emosyon.

She felt happy. But it's not the happiness that she got from the guy whom she's gonna marry.

Tear of VengeanceWhere stories live. Discover now