3

11 0 0
                                    

Gumising si Jonathan ng nakayakap at kaharap ang babaeng sobrang napasarap ang tulog na si Natalie.

Naiisip ni Jonathan na sa ganda ng babaeng ito lalo na kapag walang salamin, bakit walang nanliligaw sakanya. Bakit nga ba? Sa panahon natin ngayon ay tipo ng mga ibang lalaki ay ang mga sexy, mga malalaki ang hinaharap, magaling sa kama, maganda, etc.

Bihira nalang ang tulad ni Jonathan.

Dahan dahan ng dumilat si Natalie. Parehas na sila ang nakatingin sa isa't isa at ngumiti. Maganda ang gising ng dalawang ito. Kung sana nga eh lagi nalang ganito ang makikita ni Jonathan tuwing umaga.

"Good morning, bes." Bati ni Jonathan.

"Good morning, Clarence." Sagot ni Natalie.

Napasimangot si Jonathan sa nasabi ni Natalie, natawa naman itong si Natalie. Ang sarap daw talagang asarin ang tulad ni Jonathan dahil mabilis magtampo o mapikon. Bumangon na agad si Natalie at dumeretso sa cabinet ni Jonathan para maghanap ng damit.

"Hoy! Anong ginagawa mo jan?" Biglang sinita niya si Natalie.

"Naghahanap ng pwede kong suotin."

Tumayo si Jonathan at nilapitan si Natalie, "Excuse me, kailan ka pa nag-iwan ng damit mo dito?" Tanong niya.

Humarap naman si Natalie sakanya, "Parang naman first time lang ako nagsuot ng mga damit mo." Sabi niya "Sige na." Nagpapacute si Natalie sakanya dahil alam niyang ganun ay papayag na si Jonathan sa gusto ni Natalie.

"Hindi." Sabi ni Jonathan ng nakatingin lang kay Natalie

Lalakad na si Natalie palabas ng kwarto, "Maliligo na ako, pagkatapos ko dapat may damit na ha." Sabi niya ng sinara na niya ang pinto at dumeretso sa banyo.

Feel at home talaga itong si Natalie. Okay na okay siya sa pamilya ni Jonathan. Minsan nga, napagisipan ng pamilya nilang dalawa ang ipakasal sila, pero hindi pumayag sina Jonathan at Natalie. Who knows? Baka in the end, sila pa rin.

***

Magiisang oras na bago bumalik si Natalie sa kwarto. Si Jonathan ay nakahiga lang sa kama, nakatingin sa taas, mukhang malayo ang iniisip.

Knock knock

Bumangon si Jonathan ng pumasok na si Natalie sa loob ng kwarto. Napatulala si Jonathan ng makita niya si Natalie ng nakabalot lang ang twalya sa katawan niya.

Kahit papaaano eh lalaki parin si Jonathan no.

Biglang tinakpan ni Jonathan ang mga mata niya ng kamay niya, "Natalie! Alam mo naman sigurong lalaki tong kaharap mo diba?!" Sigaw ni Jonathan.

Tumawa si Natalie, "Bakit, turn on ka?" Asar naman niya.

"Nanjan na yung damit, mag damit kana!" Tinuro ni Jonathan ang mga damit na nasa study table.

***

School.

Pumasok na ang dalawa sa classroom, five minutes bago mag umpisa ang klase.

"Ops, andito na si nerdy Nate." Sabi ng isang kikay na kaklase nila, kausap pa ang dalawang kaklaseng babae.

Nate, short for Natalie.

Yun ay si Sasha, ang number one hater ni Natalie, na girlfriend ni Clarence. Isa syang kagandahan, pero badgirl. Hindi na ako magtataka kung bakit gusto siya ni Clarence.

Umupo na si Natalie sa upuan niya, sumunod naman si Jonathan.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jonathan.

Tumango lang si Natalie, hindi pinapansin ang mga sinasabi ni Sasha sakanya. Kung ikaw ba naman ang nasa position niya, hindi ka ba masasaktan?

Pumasok na ang teacher nila sa classroom, isasara na sana niya ang pinto, ng biglang nakahabol rin itong si Clarence, actually tumakbo siya. Nagulat ang teacher na si Ms Aviola.

"Yes, mister Linzon?" Sabi niya.

"I'm not late, right?" Tanong ni Clarence.

Tinaasan siya ng kilay ni Ms Aviola, "Kung nandito ka lang para magyabang, get out." Sabi niya.

"Nope. Goodboy to ma'am."

Ito na naman si Natalie, natulala na naman kay Clarence, naiinis na si Jonathan. Kung minsan nga naiisip niya na kung hindi lang masama at hindi bawal ang pumatay, si Clarence na ang uunahin niya.

"Nandito ka para mag-aral, hindi yung tititig ka lang kay Clarence," sabi naman ni Jonathan bigla kay Natalie.

"Alam ko." Sabi ni Natalie, na sinusundan ng mga mata niya si Clarence na uupo sa tabi ni Sasha. Tumingin naman ang girlfriend kay Natalie at tinaasan ng kilay na parang sinasabi niyang swerte siya kaysa kay Natalie.

Bakit nga ba walang nanliligaw sa akin? Maganda naman ako ah. Sabi ni Natalie sa isip niya habang tinitignan si Clarence at si Sasha na naglalambingan sa klase. Bakit hindi nila ako magustuhan? Kailan ba ako magkakaboyfriend?

Kung may lakas lang ako ng loob at pagbibigyan mo, kung iiyak ka, tears of joy na yun kung tawagin. Sabi naman sa isip ni Jonathan.

Just Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon