Tumatakbo ako papalayo sa mga humahabol sa akin. sila ‘yong mga estudyante na humahanga sa elites.
inutusan daw silang dakpin ang tinaguriang the loser khai kaya eto ako ngayon patuloy na tumatakbo.
ang elites ang namumuno sa paaralang pinagaaralan ko. naging rank 2 ako sa ranking ng buong school at hindi natanggap ng iba iyon kaya nila ako binubully.
besides isa lang akong basura at loser sa paaralan na ito na nakapag aral lang dahil may nagsponsor sa‘kin.
Nang malaman ng lahat na hindi ako mayaman ay don nagsimula ang delubyo sa‘king buhay. mas malupit pa sa iniisip nyo.
kumaliwa ako sa hallway at bumaba sa hagdan. wala ng masyadong estudyante na naglalakad sa hallway kasi dumidilim na.
narating ko ang ground at ‘di ko alam kung saan ang patungo. dahil narin siguro sa pag papanic ko. napadpad ako sa likod ng commerce building.
patuloy parin ang pagtakbo ko na parang walang hangganan.may nakita akong isang room na nakabukas ang pinto. paramg isang gymnasuim pero maliit ito kumpara
sa gym. hindi naman ako pwedeng magtago dito kasi isa itong pinagbabawal utos ng mga elites.may nakita naman akong makapal na damuhan sa likod ng gym.
"na‘san ang loser na ‘yon?"
tinig ng boses papalapit dito kaya dali dali akong pumunta sa damuhan at nahiga. sana walang langgam hehe.
narinig ko ang mga yapak ng kanilang paa papunta sa direksyon ko kaya pinigilan kung makagawa ng ingay.
teka bat may gumagapang sa likod ko? wahh mama!
"boss hindi namin nakita"
"sigurado akong nandito lang ang babaeng ‘yon" sabi ng sa tingin ko ay si gela. isa sa mga myembro ng elites.
"aray" mahinang sabi ko ng maramdaman na may kumagat sa braso ko. pesteng langgam balak pa‘komg ipahamak.kinagat ko nalang ang aking bibig para ‘di makagawa ng ingay.
"quiet" napagtanto kung si jinx ang nagsalita.Biglang tumahimik ang paligid tanging ang pag hampas lang ng hangin na dumadampi sa damuhan ang aking narinig.
‘di kalaunan ay narinig kung papunta sila sa gawi ko.
H-hindi pwede!
lalong bumilis ang tibok ng aking puso at pinagpapawisan narin ang aking noo.
"found you" mahinang sabi nito at hinawi ang makapal na halaman sa harapan ko.
"get her and bring inside" utos nito.
"roger boss!" sagot ng mga estudyanteng humahabol sa akin kanina.
Dinumog nila ako at kinaladkad kaya wala akong magawa kundi sumigaw ng
"Wag!"
Disclaimer
This is work of fiction. names,characters,places and events are author's imagination or used in Fictitious manner.Any resemblance to real person living or dead, events are purely coincidental.
warning
you will encounter some typo/grammatical errors ahead.
Plagiarism is a crime.
©haru.
YOU ARE READING
Khaire's Revenge
ActionShe's khaire also known as "the loser", she always bullied by everyone, not until she wants revenge(a bloody one).