The blazing rays of the sun hit my eyes. Particles of dust seemingly floats in the air as it blended with a little fog of the morning. The calming sound of the waves lingers into my ears."Trinity, mahal ko," malalim na boses ang pumukaw sa akin. Ngayo'y naaninag ko na ang anyo ng lalaking nakatayo sa harap ko.
"Marshall?" sambit ko.
"Ako nga. Magandang umaga. Kumusta ang tulog mo?" tanong nito.
"I don't know. I was asleep," walang ka buhay-buhay na sagot ko sa kanya. Ngayon ay namasdan ko na ang mga ngiti nito. Hindi ko ipagkakaila na napakagandang lalaki talaga ni Marshall. Ang mukha at tindig nito ay siguradong makakabighani. Kahit animo'y anino nito'y nang-aakit.
"Ikaw nga talaga ang asawa ko," saad nito kaya napatingin ako sa kanya ng seryoso at may halong pagtataka. Paano siya nakakasiguro sa bagay na 'yon?
Ngumisi ito at saka naglakad papunta sa bintana at hinawi ang kurtina. Bumungad ang napakagandang tanawin sa lugar na ito. Bahagyang natulala ako sa natanaw ko. Parang muli akong nabuhay sa mundong ito. It feels like first time.
Namuo ang ngiti sa mukha ko.
"Ang iyong ganda'y hindi pa rin kumukupas," saad nito kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya na ngayon ay titig na titig sa akin.
Hindi ko inaasahan na ang mga simpleng salitang 'yon ay nagdulot ng tuwa sa puso't kalamnan ko. Napayuko ako saglit dahil ang ngiti sa aking labi ay namuo.
Ilang sandali ay nagseryoso na rin ako at hinarap siyang muli "Bakit ka nga pala pumasok ng walang pahintulot?" tanong ko rito.
"Pasensya ka na. Sadyang 'di ko lang mapigilan ang pananabik na makasama ka simula sa araw na ito," saad nito. Wala pa ako sa katinuan kaya hindi ko masyadong maintindihan ang pinupunto niya.
"Wait, what?" tanong ko. Ngumisi ito at pumunta naman sa kabilang bahagi ng higaan. Dumiretso ito sa pintuan. Nagtaka ako sa ginawa niya.
Magwawalk out ba siya?
Nang malapit na siya sa pintuan ay biglang may kumatok at pinagbuksan niya ito. Ang lakas naman ng pakiramdam niya at nalaman niyang may paparating.
Bumulaga naman ang dalawang lalaki sa pintuan ngunit bago pa makapasok ang dalawa at masilayan ako ay hinarang ni Marshall ang katawan niya sa pinto. Pinilit din nilang siniksik ang ulo nila ngunit pinipigilan ito ni Marshall.
"What are you doing?"
"Hindi niyo siya p'wedeng masilayan. Araw ko ngayon kaya mga mata ko lang..." Tumigil ito sa pagsasalita saglit at nakangiting napatingin sa akin. "Ang p'wedeng makasilay sa ganda niya sa umaga," dagdag nito.
Marshall is starting it off, huh?
"You're on the move, huh?" From its tone of voice, I recognize it was Samuel who is speaking. May pagkabarumbado talaga.
"Goodmorning, my lov—I mean Trinity. I just want to tell you that even my eyes won't see those morning face, you're still the most beautiful woman I laid my eyes," he greeted with his flowery words.
"Enough with those silly fights. You two are old enough to have that childish attitude." Narinig kong usal ni Hullian sa kanila.
"Oh! Ito na ang almusal na pinaluto mo!" naiiritang sambit ni Samuel saka inabot kay Marshall ang tray ng pagkain.
"Maraming salamat," wika ni Marshall at halos bakas sa mukha niya ang tuwa sa ginawa ng dalawa.
"Pasalamat ka kung 'di lang talaga dahil kay Trinity, hindi ka namin pagbibigyan sa utos mo," dagdag pa nito. Napansin kong ngumisi lang si Marshall sa sinabi niya at akmang isasarado ang pinto ng pigilan ulit ito ng kamay ni Samuel.
"May utang ka sa'min. I warned you, huwag na huwag kang gagaw—" Hindi na pinatapos ni Marshall ang pagsasalita nito at isinara na agad ang pinto. Narinig ko naman ang pagkalabog ng pinto.
Ang gulo talaga nila.
"Mahal...ang ibig kong sabihin Trinity. Narito na ang almusal at kumain na tayo," wika nito at saka inilapag sa hinanda niyang mesa ang mga pagkain.
Ngayon ko lang napansin na may nakahanda na pa lang wooden table at dalawang upuan at may flower vase sa gitna. Pagkatapos niya nang ilapag ang pagkain ay lumapit ito sa akin.
I looked at him seriously straight at his face. He then offer his hands.
"P'wede ko bang maanyayahan ang napakagandang babae na kaharap ko upang samahan akong kumain sa mesa?" tanong nito.
Natulala ako saglit at hindi ko alintana na titig na titig ako sa kanya.
"Naghihintay ang kamay ko sa kabiyak nito." Doon lang ako nahimasmasan. Tinignan ko ang kamay niya at hindi na nagdalawang isip na hawakan ito. Abot tenga naman ang mga ngiti nito.
He offered me a seat. He then put food on my plate. Sinangag ito at isang tuyo na may kasamang sawsawan ng toyo, kamatis at sibuyas. Pinagtimpla niya rin ako ng kape.
"Alam mo ba dati noong mga panahon na magkasama pa tayo, lagi mong pinapahanda sa akin ang almusal na ito. Naalala ko kung gaano mo ka paborito ito," saad niya na may sobrang galak habang hinahain ito.
"Talaga?" tanong ko sa kanya at ngumiti na may halong pagtataka.
"Ako'y nakasisiguro," saad nito. Akmang kukunin ko na ang kutsara para tikman ang inihain niya ngunit hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. Tinanggal niya ang kutsarang hawak-hawak ko.
"Hindi ka gumagamit niyan. Kapag ito ang kinakain natin, Ikaw ay nagkakamay," giit nito.
"Are you sure?" I confusedly asked.
"Ikaw pa mismo ang nagagalit sa akin kapag binibigyan kita ng kutsara," nakangiting saad nito.
Inalalayan niya akong tumayo at sinamahan sa loob ng banyo para maghugas ng kamay. Siya pa mismo ang naghugas ng kamay ko, sobrang bilis ng mga pangyayari at parang hindi ko siya mapigilan sa mga ginagawa niya sa akin.
Pagkatapos ay bumalik na kami sa mesa.
I honestly appreciate how gentleman he was.
I was about to eat when I saw a flower on the table. It really got my attention as if there's a certain connection. I get it.
"What flower is this?" I asked Marshall. I heard him chuckled.
"Bulaklak ng yarrow," tugon niya.
"Iyan ang isa lamang sa mga bulaklak na paborito mo na inaalay ko sa'yo."
The aroma of the flower is familiar in my senses. Until such senses triggers my mind as flashes of memories bring back.
It was a man who's hugging me from my back and I was holding this flower and sensing it's aroma, while the sun sets.
"Sa tuwing naamoy ko ito mahal ko, ay naalala ko ang iyong pangalan," sambit ko sa lalaking nakayakap sa akin. "Ikaw lang ang mamahalin ko..." Naputol ang aking sasabihin ng umalingaw ngaw ang boses na tinatawag ang pangalan ko.
"Trinity?"
"Trinity?"
"Trinity?"
Iminulat ko ang aking mga mata.
"Marshall?" sambit ko sa pangalan niya ng may halong pagtataka. Hindi ko alam kung bakit.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito. Tumango lang ako kay Marshall. Nanumbalik ang atensyon ko sa bulaklak.
"Alam mo ba na may nakakubling simbolo 'yang bulaklak," wika nito kaya agad akong napatingin sa kaniya.
"Ano?" I asked.
"Walang hanggang pag-ibig." Ngumiti ito nang sabihin niya 'yon.
Everlasting love? Everlasting love. That's what I vow to the man I love.
YOU ARE READING
Corpse Mistress (A NOVELLA)
Paranormal"I know I am married, but I don't know who I married." Trinity Giuliani, an agnostic woman who doesn't know love, woke up with three husbands yet unknown to her existence. Doubts devoured her as she questioned who her husband really is. A doctor who...