Chapter 3

4 0 0
                                    

"Oh. Akala ko hindi na kayo papasok eh."

"Malapit na matapos ang klase ko, bilisan niyo't maupo na." sabi ng last subject prof. namin.

"M-maam bakit po--"

"Ahh yes. Simula ngayong araw, hanggang next week classes natin, dito muna ang section A2." (2nd to the highest sections, A1 sila Cielo at Zarine)

"Sa subject ko lang naman. Wala kasi si sir Vince, nagbakasyon din daw." Dagdag pa ni maam. Tumango-tango na lang ako dahil nasagot na niya ang tanong ko.

Buti pa mga teacher namin, pabakasyon-bakasyon na lang.

Naupo na kami ni Cielo.

Tatlong beses sa isang linggo ang klase namin kay maam Victoria, TLE prof. namin.

Pero sa hindi inaasahan, may biglang pumasok sa classroom namin, napatayo ako sa gulat kaya pinagtinginan nila ako.

Si Anton!

"Huy ano ba--" Hindi na natapos ni Cielo ang sasabihin nang ituro ko si Anton na gulat na nakatingin sa akin.

"You!" Sabay naming sabi ni Anton, parehong nagulat sa presensya ng bawat isa.

"Are you okay?" He looked at me with concern eyes.

"Yieeee"

"Ayiee si Rine may love life na."

Hala sila!

Napakamot ng batok si Anton dahil sa hiya at napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya, shems namumula ata ako!

"Wow it seems like you know each other ha.. pero aral muna class! Seat down, mr. Anton and ms. Zarine." Striktong sabi ni maam pero nakita ko ang patago niyang ngiting nang-aasar sa akin, sinubukan kong depensahan ang sarili mula sa issue pero pinandilatan niya ako ng mata, kaya naupo na lang ako.

Nakita ko namang umupo si Anton sa unahan, sa may right side.

Naka-side view siya sa paningin ko. Pa-letter "U" kasi ang seating arrangement dito sa classroom ni maam Victoria, kaya walang mga upuan sa gitnang bahagi ng room. At kung sinuswerte nga naman, nasa center ng letter "U" seating arrangement ako nakaupo!

Mula rito sa upuan ko, kitang kita ko yung kalmado niyang mukha habang nagsusulat. Kita ko rin dito sa pwesto ko yung dahan-dahang pagbagsak ng mga buhok niya dahil masyado siyang nakatagilid. Hay ang guwapo!

At naganap ang mala-wattpad na scenario.

NAG-EYE CONTACT KAMI!

HINDI LANG 'YON.

NGINITIAN NIYA AKO!

Hala, ang puso ko, nabaliw na..

"Zarine?"

ANONG GAGAWIN KO?!

Nakatitig crush ko guys! Send help!!

"Zarine??"

Shocks may gusto ata siyang iparating dahil parang may tinutyro siya gamit ang ulo, ano ba 'yon??

"Huy Zarine daw." Bulong ni Cielo.

Hindi ko pinansin ang mga natawag sa'kin dahil lumawak lalo ang ngiti ni Anton, tumingin siya sa notebook niya, at pinahinga ang ulo sa kamay niyang nakapatong sa arm chair. Ngumiti siya sa'kin habang sumisenyas pa rin gamit ang ulo. At dahil hindi ko siya maintindihan, napailing siya at tumayo. Napakurap-kurap ako.

HALA KA, LALAPIT ATA SA 'KIN!

Nakangiti siyang naglalakad papunta sa 'kin habang nakangiti. Teka, ngayon ko lang napansin, bakit parang naka-slow motion ang lahat?

Marvelous MistakeWhere stories live. Discover now