Kabanata 1

10 0 0
                                    

Ngumunguya ako ng bubble gum habang nakatingin sa labas ng bintana. Nasa likod ako nakaupo kaya hindi ganon kakita ng teacher ko kung nakikinig ba ako o hindi.

"this is a fish fork" sabi ng teacher namin habang hawak ang isang tinidor na ipinapakita sa buong klase "fish fork is a four tined fork used in eating fish".

Inilapag ni ma'am ang fish fork na sinasabi niya at kinuha naman ang isang maliit na tinidor. "ito naman ay dessert or salad fork" ipinakita niya ulit ito sa buong klase at inilalagay ang daliri sa tulis ng tinidor. "this fork is a four-pronged shorthanded fork with broad tines which is used to eat dessert or salad."

Nagpatuloy ang discussion tungkol sa iba't ibang klase ng tinidor, kutsara, baso, kung ano ba ang hollowware, glassware, serve ware at iba pa. Hindi na ako nakinig, alam ko naman na ang mga 'yan, nakapagreview na ako sa bahay bago pa pumasok sa school. Mas gusto kong tumingin tingin nalang sa mga puno at sa langit kaysa makinig sa mga teacher namin. Sinasadya ko talagang sa bahay nalang mag-aral, manood ng mga videos about sa mga lesson namin para di ako ma-zero sa test kung may ipatetest man. Gusto kong tumingin tingin sa langit dahil nakakagaan ng pakiramdam kapag nakikita ko sila. Sa bahay puro nalang higa ang ginagawa ko dahil nawawalan ako ng gana, puro problema nalang ang naririnig ko sa bahay. At least kahit naman dito gumaan ang nararamdaman ko.

Nang marinig kong nagpapaalam na si ma'am sa amin at kinukuha ang mga gamit niya, iniligpit ko na rin ang papel na nakapatong sa desk ko at iniligay ito sa bag ko kasama ng hawak hawak kong ballpen kanina pa.

"May baon kang kanin?" tanong ni Keeva sa likod ng upuan ko, nakaupo, habang nakapangalumbaba.

Pagod ko siyang tiningnan "Wala, 'di ako nakapaghanda. Umalis na ako kaagad sa bahay pagsapit ng 5:30."

"Nag-away na naman Mama tapos Papa mo?" tanong niya sa nang-aalalang tono

Nagkibit balikat na lamang ako at hinila na siya papuntang canteen dahil kanina pa ako nagugutom. Hindi ako kumain pag-alis ko dahil wala naman akong gana kanina.

Pinili ko ang isang clover, isang burger at buko juice sa canteen para sa pagkain ko. Umupo kami ni Keeva sa isang bench at inilagay ang mga pagkain namin. Binuksan ko ang clover ko at nagsimulang kumain.

"Guess what Keev?" sabi ko sa nahahalatang pagkaexcite sa tono.

"Hmm?" si Keeva, sa nakataas na isang kilay.

"Si Nicholo, nong sabado nakita ko siya sa SM. Omg! Sobrang gwapo niya talaga, lalo na nong tumingin siya sakin! Halos himatayin ako sa sobrang kaba at kilig."

"Baka naman hindi ikaw yong tinitingnan." sabi niya nang nakakunot ang noo.

Oo nga, baka nga hindi ako. Pero, alam ko! Kahit malabo mata ko alam kong nakadirekta sakin yong mata niya, sakin siya nakatingin! "hindi, para talagang sakin, at saka sa pader ako nakasandal ano? Imposible namang may tao sa likod ko e pader na nga yon."

Itinaas niya ang isa niyang paa at ipinatong sa bench na aming inuupuan, kumakain siya ng hotdog na binili niya kanina sa canteen. "Baka sa pader nakatingin? May dumi yong pader kaya tiningnan?" Sabi niya nang natatawa. "o hindi kaya nagagandahan~"

"Sa'kin?" sabi ko nang nakangiti

"Sa pader pa rin syempre" agap niya habang natatawa pa.

Sumimangot at ako tinaas ko ang isa kong kilay sa kanya para ipakitang hindi ako natutuwa sa sinabi niya.

Habang papalakad kami papuntang classroom namin ay kinukulit at kinakalabit ako ni Keeva dahil malamig ang pakikitungo ko sa kanya. Kahit na humihingi siya ng sorry at sinasabing nagjojoke lang siya ay pana'y tawa niya pa rin. Paano ko siya papansinin kung puro pa rin siya tawa? Hindi naman seryoso na humihingi ng sorry. Umirap na lamang ako sa kawalan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Perfect Time For UsWhere stories live. Discover now