Chapter 8 - What a Day

462 11 0
                                    

Ryla


"Rence, di mo ako naiintindihan! Rence, masakit kasi eh. Sobrang sakit! Kahit nakakatawa mang sabihin pero Rence, mahal kita eh! Mahal na mahal!" Yan na! Inamin ko na. Todo punas ako ng luha. Naglakad ako palayo. Pilit nilang tinatawag pangalan ko.


"Ryla! May kotse!!" Huh? Napatingin ako...


"AAAAAAAAHHHH!!!!"


"Ryla. Ryla gising ka na." May umaalog sa akin. Huh? Bigla akong napadilat at napa-upo. Huh?! Panaginip lang yun?


"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni mama.


"Wala po mama, masamang panaginip lang po." Yan lang sinabi ko sa kanya since 'di naman ako open sa kanya.


"Oh siya, bumangon ka na at maleleyt ka na."Ningitian ko nalang si mama at hinintay ko siyang lumabas sa kwarto.


Kinuha ko unan ko at sinampal ko sa sarili ko nang paulit-ulit.


"Panaginip nga lang yun." Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa orasan. Shet! 6:30 naaaa!!!!


"Aaaayyyy maleleyt na ako!!!" Kinuha ko mga gamit na kailangan ko at agad bumaba.


~~~~~~~~~~~~


Nakarating na ako sa school 1 minute before 7. Pinunasan ko pawis ko. Wohoho! Pinagpawisan akoo.


Wushuss. Ang lol ng mga oras na yun! Hahaha! Bakit? Ito na ikukwento ko na...


Pagpasok ko sa classroom,nagsitinginan silang lahat... SA AKIN?!


"Oh bakit?"Tuloy-tuloy lang akong naglalakad papunta sa upuan ko pero bigla akong nahulog...


Buti nalang may sumalo sa akin, tumingala ako...


LAWRENCE?!


"Umm.. Hi?" ohmygosh. Sinabi ko ba nang malakas yun?


"Oo." Tumawa siya.


Tumingin ako sa paligid ko. Teka! Pinipicturan nila ako?! I mean kami?! Agad akong napatayo.


"HAHAHAHAHAHAHAH!"


"AYYIIEEEEEE!"


Ayan yung mga pinagsisigaw nila. Aish. Nakakahiya.


"Nagustuhan mo ba?" Naka-smirk si Kyle.


"Aah. Talaga." Pinagsisipa ko siya at pinapalo sa braso.

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon