ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 1

4 1 0
                                    


DISCLAIMER: 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗂𝗌 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇. 𝖭𝖺𝗆𝖾𝗌, 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝖻𝗎𝗌𝗂𝗇𝖾𝗌𝗌𝖾𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾, 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌, 𝖾𝗍𝖼. 𝖺𝗋𝖾 𝖾𝗂𝗍𝗁𝖾𝗋 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗋𝗈𝖽𝗎𝖼𝗍𝗌 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋'𝗌 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝗋 𝗎𝗌𝖾𝖽 𝗂𝗇 𝖺 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗆𝖺𝗇𝗇𝖾𝗋.

[ɢʀᴀᴍᴍᴀᴛɪᴄᴀʟʟʏ ɪɴᴄᴏʀʀᴇᴄᴛ ᴀɴᴅ ᴛʏᴘᴏɢʀᴀᴘʜɪᴄᴀʟ ᴇʀʀᴏʀs ᴀʜᴇᴀᴅ]

ʏᴏᴜɴɢ ʟᴏᴠᴇ sᴇʀɪᴇs #1 : YOU'VE FALLEN FOR ME


      ***


"Oy teh, kamusta project mo?"

Lumapit sa'kin si Via at kinalabit ako. Nasa room lang kami, wala ang subject teacher namin kaya maingay. Abala ako sa pag susulat hindi kasi ako nakapag take notes kanina kaya kinopya ko nalang yung notes ni Via.

"Hindi pa, ikaw ba?" Sagot ko.Simula Elementary hanggang ngayong high school hindi parin kami mapaghiwalay.

"Tapos na...gusto mo?" Inabot niya sa'kin yung hawak niyang chichirya. "Gusto mo tulungan kita?" dagdag pa niya.Lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Oo, sige"

Sa totoo lang halos patapos narin naman ako sa project ko, mga konting design nalang pwede na.Pero ayos dahil tutulungan ako ni Via mas mabilis ako matatapos.

Buti pa si Via may katulong gumawa ng projects dahil anjan mga kuya niya.Madalas ko talagang kasama si Via dahil laging wala sila mommy kaya sa kanila ako laging tumatambay.

"Sa bahay na tayo gumawa" sagot niya.Ilang saglit lang dumating na din yung next teacher namin kaya agad nagbalikan sa kanya kanyang upuan ang lahat.

Halos kalahating oras lang nakapag turo si Sir dahil pinatawag agad siya sa office kaya pwede na kaming umuwi, last subject na kasi namin yon.Kinuha ko ang bag ko tsaka lumabas kasama si Via.

Tumambay muna kami sa court dahil maaga pa naman at hindi pa nagpapalabas.Pinanood lang namin ang mga kalalakihang nagte-training.Ako at si Via lang ang magkasama ngayon dahil yung iba ay nasa canteen para bumili ng pagkain hindi na sumama si Via dahil wala daw akong kasama dito kung aalis din siya.

Ayos lang naman sa'kin kahit ako lang mag isa babalik rin naman sila e, nagdadahilan lang ata 'tong si Via.

"Pst, ateng naka bag! Paabot naman ng bola...please!" Sigaw ng isang basketball player.Lumingon ako sa kanya bago tumingin sa bolang gumugulong sa harap ko.

"Hoy Ken, ikaw na kumuha!"

Kinuha ko ang bola tsaka hinagis sa kanya.Ngumiti siya at nagpasalamat bago tumalikod.Siya siguro yung sinasabi nilang senior high na sikat hindi lang sa school namin, gwapo tsaka matangkad e, siya nga panigurado.

Nang ma-shoot niya ang bola ay nakipag apiran pa siya sa mga kalaro niya."Teh, inlove na ata ako juskoo!" Kinikilig na sabi ni Via habang hinahampas ako sa braso.Grabe naman 'to kiligin mapanaket.

"Ouch...Athlete pala ang tipo mo, nasaktan ako don Via" Napalingon naman ako sa likod ko ng biglang may nagsalita.Kita ko si Leigh na naka pout habang hawak at dibdib katabi naman niya si Leo, kanina pa ba sila andito?

"Anong ginagawa mo dito, ha!?"

"Bakit? bawal nadin ba ako dito?" sagot naman ni Leigh.Pusta kona lahat ng meron ako magbabangayan 'tong dalawang 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YOU'VE FALLEN FOR MEWhere stories live. Discover now