Chapter 33
"Hirap nung exam sa Calc" Andrew complained on lunch. Andito kami sa PICE Quarters. May aircon dito at allowed naman ang officers dahil may ginagawa din naman ako. Sinama ko na si Andrew.
"Mahirap yung limitations?"
"Oo tapos yung iba i-synthetic division pala. I lost some points" Andrew cursed under his breath. "Nakapag exam ka na ba 'don?"
"Hindi pa" sabi ko "Ano bang dapat aralin?"
"Limitations lang. Hindi naman kasama yung Deriv ng Algebraic Functions" he said "Baka sa Midterms pa"
"Naaral ba natin dati yung mga differential equations nung senior high? Nakita ko sa ka-officer ko kanina yung reference nila ng differentiation formulas.. parang nasa libro natin dati gamitin ko muna sana. Di pa kasi available yung libro sa library e"
"Check mo" sabi niya "Pero may natatandaan akong subtle na turo tungkol sa Deriv ng Logarithmic & Exponential functions tsaka Trigo. Di ako sure kung turo yun nung senior high or youtube ko lang"
Sasagot na sana ako nang magbukas ang pinto. Parehas namin nilingon 'yun. It was Calvin. Mukang may dala s'yang lunch.
Tumuloy siya sa pagpasok at binalik ko ang tingin ko sa pagkain ko saka nagpatuloy. Tinignan ako ni Andrew at kumunot noo.
"Cal you can eat your lunch here" sabi ni Andrew. Tinuro nya yung upuan sa harap ng table "May itatanong daw sayo si Charlotte"
Nanlaki ang mata ko at sinipa siya. Anong itatanong? Wala akong itatanong! Bago ko pa siya ma-kurot, nasa harap na namin ni Calvin
"Ano yung tanong?" Tanong nya sakin. Tumingin ako kay Andrew. Nagtinginan kaming tatlo.
"Ano daw ang gagawin pag modulus ang function sa numerator? Limitations" Tanong ni Andrew
Nanlaki ang mata ko. Alam ko naman yun! Baka isipin ni Calvin tanga ako! My god, Andrew!
Kumunot noo ni Calvin. Kinabahan ako
"Hindi pa ba yun naturo?" Tanong ni Calvin.
Parang gusto ko mag laho. Si Andrew naman ang may di alam nun e! Sasabihin n'ya ako.
"Natulog 'yan si Charlotte e"
Kokotongan ko talaga 'to. For sure sarili nya yung tinutukoy n'yang natulog.
"Pag modulus ang function sa numerator, you have to evaluate the Right-Hand Limits and Left-Hand Limits" He's opening his lunch, not looking at us "Note that if nag revert ng different values ang RHL and LHL upon evaluation, it means that the given limit does not exist"
Sinamaan ko ng tingin si Andrew. He smirked at me.
"If you have anymore questions, you could just ask me" sabi ni Cal sakin.
"May date na for general assembly?" I changed the topic.
"Next friday" He said. Natahimik ako nang makitang binalatan nya ang fried chicken niya at nagulat ako nang nilagay n'ya yun sa lunch box ko. "Ikaw ang assigned for PowerPoint"
I bit my lips. I really like chicken skin.
I pretended I didn't notice that he gave me the skin and eat it straight up. "Pupunta ba si Charles mamaya?" Tanong ko kay Andrew habang kinakain yung chicken skin.
"Oo pero may trabaho sya so aalis din" sabi ni Andrew "Punta ka, gisingin mo"
"Ihahatid mo'ko?"

BINABASA MO ANG
Constantly Recurring (Perpetually Series #3)
AcakCharlotte's past wasn't the best place she have been to. It causes her many emotional damage even though she might've appeared to be robotic at times. She wasn't exactly healed when she met Calvin. The walking yellow guy who always screams sunshine...