Nakikinig ako ng music habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse kung saan makikita ang kulay berdeng palayan, samahan pa ng bundok at kulay asul na kalangitan na may konting ulap, tapos sa di kalayuan may maliit na kubo na pahingahan ng mga magsasaka. Napangiti ako dahil ung nakikita kong tanawin ngayon ay ung paborito kong idrawing nung bata pa ako. Pag nakakakita ako ng ganito di ko maiwasang balikan ang mga ginawa ko nung kabataan ko, pero wait lang ah, 19 yrs. old palang po ako. Ok na ung magkalinawan tayo sa edad ko. Well un na nga napakarefreshing tignan, ung tipong mapapabuntong hininga ka na lang dahil sa wakas nakakita ka na din ng puno, ulap, bundok, tapos sariwang hangin at ung masasabi mo sa sarili mo na sa wakas tao na ako ! ung ganun kasi sa city kung san kami nakatira puro sasakyan, building, bahay, bubong ng bahay ng kapitbahay niyo ang lagi mong makikita araw-araw. Sino ba naman ang hindi magsasawa di ba? Plus pa ung polusyon.
Salamat na nga lang at naisipan ni Papa na magbakasyon kami, well kahit isang linggo na bakasyon lang ay masaya na ako. Minsan lang kasi mangyari ito kaya go na db lalo na malapit na ang pasukan kung saan mag third year college na ako. Gosh ang bilis talaga ng panahon.
"Fifi" napalingon ako dahil tinawag ako ni Mama. Di ko man lang namalayan na nandun na pala kami sa bahay na tutuluyan namen sa Baler. Lahat sila ay nakababa na at isa-isa ng pinapasok ang gamit namen. Kaya nagmadali na din akong bumaba ng kotse at kinuha ang bag ko. Yeap! bag ko lang.. :)
Pagpasok ko agad akong tumungo sa isa sa mga kwarto. Tama lang ang laki ng bahay na iyon, may sala, kusina at may dalawang kwarto. Pinili ko ang kwarto na nasa kanan. Pagpasok ko agad ako humilata sa isang kama, humilata din ang kapatid ko na kasunod ko palang pumasok sa kabilang kama na malapit sa pintuan.
"nakakapagod din palang bumyahe kahit nakaupo ka lang" sabi niya sa inaantok na boses. 1am kasi kami umalis ng bahay para makarating ng maaga sa Baler, sino ba naman ang hindi aantukin db? Hindi ko na sana siya papansinin para makaidlip ako ng may kumatok at bumungad ang ulo ni Papa sa pinto.
"magready na kayo dahil pupuntahan na naten ngayon ang Balete at ang Mother Falls" aniya sabay alis. Magrereklamo pa sana ako kaso na excite naman ako bigla dahil first time lang ako makakakita ng falls. Tama kayo ng narinig, sa 19 taon kong ito sa mundo ngayon palang ako makakakita ng falls. Kaya kahit medyo antok at pagod sa biyahe sumunod na ako pati ang kapatid ko na nagrereklamo sa likod ko dahil gusto niya pa daw muna matulog.
Una naming pununtahan ang napakalaking puno ng balete. Sa sobrang laki neto nagmukha kaming dewende sa ilalim ng puno kung saan nagpipicture kami ng pamilya ko. Dumarami na din ang mga tao kaya naisipan din namen ng kapatid ko na si Mimi na sumuot sa mga ugat ng puno palabas sa kabilang side.
Nasa loob na kami ng paglingon ko may mga lalaki na kasing edad ko lang ang sumunod samen, nagtatawanan pa sila at nagtatakutan. Kung ano-ano tuloy ang iniisip ko tulad ng may kapre o kaya may nuno doon tulad ng naririnig ko na sinasabi nila kaya nakipag unahan ako na makalabas sa kapatid ko.
"Mimi, si ate na muna ang unang lalabas ah" lumingon siya sa aken, umiling sabay ngiti.
"Takot ka ate?" tumawa siya sabay hampas sa balikat ko. Kita mong batang ito, tinawanan pa ako.
"Hindi a--"
"tumigil na nga kayo sa pananakot, pati tuloy si ate dito natakot niyo" napalingon ako sa lalaking nagsalita. Kahit medyo madilim sa loob ng ugat ng puno naaaninag ko pa din ang itsura nito, gwapo, matangkad, siguro nasa 5'9 ang taas, pointed nose, medyo maputi at seryosong nakatingin sa akin. Napataas ang kilay ko dahil una kahit na gwapo siya, pinutol niya ang dapat na sasabihin ko, pangalawa, tinawag niya akong ate? eh mukha naman na mas matanda o kaya magkasing edad lang kami. How dare him!
"hindi ako takot!" napalakas ang boses ko. At never kong aaminin sa inyo kung takot man ako, sa isip-isp ko. Napatigil tuloy sa tawanan ang mga kasama niyang lalaki doon. 4 silang lahat. Naramdaman ko din ang mahinang paghila sa damit ko ni Mimi. Alam niyang naiinis na ako sa oras na un.