Liezel pov
5 year later*
Limang taon na ang nakalipas at para bang napaka bilis lumipas ng taon, naging malapit na rin ako sa lahat ng katrabaho ko, unti-unti ko na ring nakakamit ang mga goal ko like ang mag papayat, sanasabayan ako minsan ni Ben mag gym minsan nama'y ako lamang mag isa.
Napag desisyonan ko na ding huwag na rin lumipat dahil mas comfortable nang may kasama sa bahay kesa mag isa ka lamang.
"Ben! Ang tagal mo naman jan!" Sigaw ko, nag luluto ako ngayon ng almusal naming dalawa dahil sabay kaming papasok, sa loob ng limang taon palagi kaming sabay pumasok ni Ben.
"Tapos na!" Sigaw niya, lumabas siya ng naka topless, ngunit sa loob ng limang taon nasanay na rin ako na palaging naka topless si Ben, kinuha ko yung basahan at binato sa kaniya.
"Oy ano ba! Kakaligo ko lang eh!" Sigaw niya.
"Mag bihis ka muna do'n! Oo na ikaw na may abs!" Sigaw ko.
Inirapan niya lamang ako at umiling-iling lamang ako sa kaniya, ako naman ang sumunod na pumasok sa cr at naligo.
Nang matapos 'kong maligo ay nag bihis na 'ko at sinabayan na si Ben kumain.
"Nga pala may gagawin kaba mamaya pag katapos ng shift mo?" Tanong niya, sinandukan niya ko ng pag kain.
"Salamat! Wala naman bakit?" Tanong ko at kumain, tumingin ako sa kaniya at tumingin din siya sa'kin.
"Labas sana tayo," saad niya, ikinunot ko ang noo ko.
"Bakit? Anong meron?" Tanong ko, tumingin ako sa reaksyon niya at dismayado niyang ibinaba ang kutsara niya.
"Kaibigan ba talaga kita?" Tanong niya na para bang naluluha na, pinilit kong hindi matawa sa reaskyon niya.
Tumayo ako at pumunta sa kwarto, kinuha ko yung supot na nasa kama ko at bumalik saka umupo sa hapag kainan.
"Oh! Happy birthday," nakangiti kong bati sa kaniya, sabay abot ng regalo, tumingin siya sa'kin at agad na kinuha yung regalo.
"Akala ko nakalimutan mo na," sambit niya, kita sa mga mata niya ang saya habang binubuksan ang regalo ko.
"Puwede ba naman 'yon," nakangiti kong sabi, tumingin siya sa'kin at ngumiti pabalik, tuluyan namang nabuksan ang regalo ko sa kaniya, itinaas niya 'yon at binigyan niya ako ng puzzled look.
"Snow ball?" Nag tatakang tanong niya, "Hindi naman pasko eh!" Nakasimangot niyang sabi, saka inilapag yung snow ball sa lamesa.
"Ayaw mo?" Tanong ko sakaniya, akma ko sanang kukunin yung snow ball ngunit bigla niyang kinuha.
"Gusto!" Saad niya, tumayo siya at pumasok sa kwarto niya, bahagya naman akong napangiti.
Bumalik na siya at tinapos nanamin ang pag kain namin.
"Wala akong pasok ngayon kaya itext moko pag tapos mo ah! Lalabas tayo," saad niya, tumango lamang ako at sumakay na sa motor, ihahatid niya kasi ko.
***
Nakarating na kami sa harap ng company at inalalayan niya akong bumaba.
"Kita nalang tayo mamaya," sabi niya, tumango ako at nag drive na siya papalayo.
"Aba naman!" Sigaw mula sa likod ko, tumingin ako kung sino 'yon at si Denise pala.
"Talaga namang may pag hatid pa, ikaw nga sagutin mo nga 'tong tanong ko kayo na ba ni Ben?" Tanong niya sabay ngiti, sabay kaming pumasok sa loob.
"Gaga! Mag kaibigan lamang kami ni Ben no! Hindi ako yung mga type niya," sambit ko, pumasok na kmai sa elevator.
"Pero tapatin mo nga 'ko sa loob ng limang taon niyong pag sasama sa iisang bubong impossibleng hindi mo siya nagustuhan," saad niya, tumungo ako at itinago ang ngiti ko, tinapik niya naman ako.
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomanceSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...