Nang makarating si May sa kanilang silid ay may ilang kamag-aral na siyang naroroon. Karamihan sa kanila ay palakad-lakad, samantala ang iba naman ay kanya-kanya ng kwentuhan, kaya tila hindi nila napansin ang kanyang pagdating. Pero nang makaupo siya sa kanyang upuan ay ilang beses siyang sinulyapan ng kanyang mga kaklase.
"Bakit kaya ganon?" aniya sa sarili.
Kanina pa kasi niya napapansin na tila siya ang pinag-uusapan ng mga tao sa kanyang paligid. Mula sa ibaba hanggang dito sa loob ng kanilang silid. Napansin rin niyang malungkot ang kanyang guro sa Physics nang makasalubong niya ito kanina sa hagdan.
"Bakit ba nila ako pinag-uusapan?" aniya muli habang nakatingin sa kanyang mga kaklase, "...porke ba umabsent ako kahapon, ganon na lang yun..." inis pa niyang bulong sa kanyang sarili.
Saglit na nawala ang kanyang pag-aaalala nang makita na niya si Princess. Napansin rin niyang malungkot din ito habang dahan-dahang lumalapit sa kanyang kinauupuan.
"Cess bakit malungkot ka???"
"Kasi May…" mahinang sagot sa kanya ni Princess. Tinitigan pa siya sa mga mata, kaya napansin niyang mukhang may malaking problemang gumugulo sa isip nito, "---may nangyari eh---".
"Ano ba'ng gumugulo sa'yo? Sabihin mo na." pero pinutol na niya sasabihin ni Princess nang maisip niyang ito na ang pagkakataon para siya naman ang dumamay sa kanyang matalik na kaibigan.
"Ahh, kasi May…may nangyari kay Dino..." Ikinagulat niya ang naging sagot ni Princess.
"Ano'ng nangyari sa kanya?!" Hindi niya naiwasang maging emosyal nang marinig ang pangalan ni Dino. Kay bilis na tumulo ang kanyang mga luha kahit hindi pa niya nalalaman ang totoong nangyari.
"Naglayas siya kahapon pa. Nagpunta nga dito sa room yung parents niya eh, hinahanap ka..." paliwanag pa ni Princess habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Bakit daw?"
"Akala kasi nila kasama ka ni Dino nang umalis siya."
"Hindi ah. Bakit naman siya maglalayas?" katwiran niya dahil hindi pa rin siya makapaniwalang magagawang maglayas ni Dino. "Pero kagabi nagtext pa siya sa akin, para sabihing mahal na mahal niya ako."
"Hindi rin nga alam ng mama at papa niya kung bakit eh."
"Ba't di niya sinabi sa'kin na aalis pala siya? Kaya pala text ako ng text di siya nagrereply kasi umalis na pala siya…"
Hindi na niya inisip pa ang sasabihin ng kanyang mga kaklases dahil sa lakas ng kanyang pag-iyak. Hindi kasi niya maiwasang sumama ang loob dahil sa pag-iwan sa kanya ni Dino.
"May, wag kang magalit sa kanya…" pang-aalo sa kanya ni Princess.
"Sana isinama niya ako!" Hindi na niya naitago pa ang sama ng loob.
"Baka malayo ang pupuntahan niya kaya di ka niya isinama…" ani muli ni Princess na pilit pinalulubag ang kanyang loob, "…ayaw ka niyang mahirapan. And besides tiyak hahanapin ka ng mga parents mo…" paliwanag pa nito.
"Kahit saan naman kami makarating ay sasama ako sa kanya. Kahit mahirap kakayanin ko basta kasama ko lang siya…" katwiran niya.
BINABASA MO ANG
May Rain's Tears
RomantizmHanggang kailan ka maghihintay sa pagbabalik ng iyong minamahal? Panghahawakan mo ba ang kanyang pangako o hahayaan mo'ng lunurin ka ng iyong pangungulila? ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro