𝗟𝗲𝗼𝗻𝗼𝗿'𝘀 𝗣𝗢𝗩
After the day i lay my eyes on that portrait, hindi na siya nawala sa isip ko. There's something about it. Hindi ko lang mawari, so i went to my office to search for it.
Sadly i didn't get the answers, i sigh in frustration. Napaka ganda ng pagkaka pinta pero hindi ko naman makita kung sino ang gumawa.
𝘈𝘯𝘢 𝘛𝘩𝘦𝘳𝘦𝘴𝘪𝘢 𝘕𝘢𝘷𝘢𝘳𝘳𝘰...
The name of the woman.
Seems familar, i thought.I turn off my computer at nagpunta na sa silid ko, then i lay on my bed and fell asleep.
"𝘐𝘳𝘰𝘨?" i hear a voice, then a scene came into my mind.
Feeling ko nakabalik ako sa nakaraan, mga bahay na bato..
Kalesa, mga nakasuot ng terno dress at barong na pang ilalim ay camisa chino at yung iba ay sa tingin ko ay sa lengwahe ng mga español, mga illustrado.
"Diyos por santo, Maria Leonor! Saan ka ba nagpunta?!? Hindi mo ba alam na may piging sa ating tahanan ngayon!"
a woman came to me na parang pinapagalitan ako."I don't know what you're talking about, Miss! Is this a prank?" bigla kong tanong,
"Nasaan ang direktor ninyo, baka nagkamali lang siya.." i added, halatang nagulat siya sa mga sinabi ko.
Pero imbes na magsalita, tumakbo siya papunta sa isang bahay at sumigaw.
"Tawagan ninyo si Doktor Anselmo, mukhang nawawala sa katinuan si Maria! Madali kayo!"
Napakamot na lang ako sa anit ko, naglakad na lang ako papunta sa bahay. Papasok na sana ako sa pintuan ng may biglang may humila sa akin, babae.
"Señorita naman, kung saan-saan ka na naman nagliliwaliw! Halika na, gumayak ka na at baka nga totohanin ni Luisa ang pagtawag niya sa manggagamot!" sabi niya, naka kunot lang ang noo ko sa kanya. Actually ang weird talaga nito.
"Sino ka naman?"
"Haay, ako 'to si Julieta!" sabi niya, in fairness naman nakapag spraynet ito.. Bilang na bilang ang bangs.
"Hala, ang Señorita bakit mo naman ako tinatawanan?"
"Wala, huwag mo na akong intindihin.. Teka, bakit mo ba ako bibihisan.. Anong meron?"
"Hindi ka nasabihan ng iyong Mamá na darating ang iyong kaibigan na si Ana Theresia at kanyang mga magulang?" pagkasambit ni Julieta ng pangalan na iyon, natigilan ako.
Ang gaga, kinaway ang kamay niya sa mukha ko,
"Señorita? Halaaaaa!!!"
Nag snap out ako,
"Ah.. Hehe, si Ana.. Nandito na pala sila?"
"Ang mabuti pa, sumama na kayo sa akin at baka mapagalitan talaga tayo!"
hinila na ako ni Julieta papunta sa silid ko.
Matapos nga akong ayusan at gayakan, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Naka 𝘵𝘳𝘢𝘫𝘦 𝘥𝘦 𝘮𝘦𝘻𝘵𝘪𝘻𝘢 ako, sa modern world mas kilala na siya as filipiniana dress. Maayos ang pagkaka tahi at talagang bagay sa katawan ko.Hindi naman ako naiinitan, siguro nga dahil marami pa ang mga puno sa lugar na 'to at iilan lang talaga ang mga may bahay na tulad ng sa amin.
"Hija, napaka ganda mo talaga..
Nako, matutuwa ang iyong mga kababata kapag nakita ka nilang naka postura!"sabi ng matandang babae, kamukha ko siya ha. Syempre tumahimik ako at baka himatayin ang kausap ko.
"Salvacion, naninibago lang ang anak natin.. Ilang araw ba naman siyang nagkasakit, ngayon lang ulit makikipag usap iyan."
sabi ng lalaking huminto sa pagitan namin ni "Mamá"
Napatingin ako sa dingding ng bahay at nakita ko nga ang family portrait, kamukha ko yung nakatayo sa gilid at naroon ang dalawang kausap ko.
Mga magulang ko nga talaga.Illustrado din kami? Tanong ko sa sarili, siguro nga ganun.. Kasi may mga pilipino noon na may lahing espanyol na nakaka pangasawa, basta may pera.
Di ba, pang telenovela!
Nagsimula na ang piging sa loob, masyadong maraming tao doon at gaya nga ng sinabi ni Papá ilag pa ako makipag usap dahil nagkasakit ako.
Hindi ko nga alam kung ano talaga 'yon.
"Maria Leonor?" tawag sa akin sa di kalayuan, napatingin naman ako.. Isang babaeng naka 𝘵𝘳𝘢𝘫𝘦 𝘥𝘦 𝘮𝘦𝘻𝘵𝘪𝘻𝘢 na may konting katangkaran sa akin, maayos din ang kanyang buhok na naka ngiti sa akin.
𝘓𝘰𝘳𝘥, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘭𝘦𝘴𝘴𝘪𝘯𝘨 '𝘵𝘰 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰! My bading heart, jusko.
Lumapit siya sa akin, para akong sa malalim na tagalog..
Na batobalani. Gago, ang ganda!
Napalunok ako ng tumitig siya sa akin, sigurado bang totoo ito?
Kasi kung issaprank lang ang lahat, magdadabog ako!
"Napaka ganda mo talaga, 𝘪𝘳𝘰𝘨." aniya, huuy kinikilig ako pucha!
"Ahm.. S-sandali, binibini.. Bakit mo ba ako tinatawag na 𝘪𝘳𝘰𝘨 ano ba tayo?" tanong ko, nginitian niya lamang ako.
Hinapit niya ako palapit sa kanya, at bigla niya akong hinalikan.
BINABASA MO ANG
En Otra Vida ( In Another Life )
Ficción históricaA love that will cross in different timeline, will it be enough if the whole world is against them? Date published: May 25, 2022 Date completed: August 7, 2022