Short-distance Relationship

19 1 0
                                    

"Anak pede ko bang mahiram ang cellphone mo?" tanong saken ng mama ko.

"Ma naman eh! May katext ako." 

"Kailangan ko kasi maka-usap ang tatay mo. May pag-uusapan kasi kaming importante anak." pagdadahilan ng nanay ko.

Ito ang makainis kay mama eh. Ayaw kasing bumili ng cellphone eh. Alam naman niyang palagi nalang may importanteng bagay silang pinag-uusapan ni papa.

"Sige na nga Ma. Bilisan niyo ha." patay! Panu nalang pag nagtext si Stacy KO. Di ko marereplyan. Baka magtampo yun.

*Makalipas ang ilang oras at gabi na*

Binalik na rin ang cellphone ko.

Pagkabigay na pagkabigay ay nagkulong agad ako sa kwarto at tinawagan ko siya.

Ringgggggggggggggggggggggggggggg!

"Hello?" sabi ni Stacy. Grabee namiss ko boses niya!

"Hello Hon. Sorry kung ngayon lang ako tumawag. Hiniram kasi ulit ni mama ang cellphone ko. Sana maintindihan mo." paliwanag ko.

"Lagi naman eh. Sanay na ako." sabi niya

"Sorry talaga."

Biglang nanahimik. Argh! Nakakabingi ang katahimikan.

"Kumusta ka jan?" tanong ko.

"Ok naman." Bakit ganun? Ang cold niya na saken.

"Galit ka ba? Sorry na."

*toooooooooooooot*

*asdfghjkl* galit nga. Text ko na nga lang.

Sorry na hon. I love you.

-Renz

*Message Sent*

Magreply sana.

*BEEP*

1 Text Message Receive

Ok lang yun hon. Gnyt.

-Stacy

*to be continue*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short-distance RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon