First love

6 1 0
                                    

Nakilala ko si Zach nung highschool palang kami. At di ko din naman maitatanggi na gwapo si Zach.

Ako nga pala si Bea ang babaeng nagpakatanga sa lalakeng di ko naman mahal pero natutunan kong mahalin sa loob ng 4 na buwan.

*************
Nagbabasa lang ako ng libro ng bigla naman sumulpot sa harapan ko si Zach. Na tiyak namang ikinagulat ko.

"Bea, gusto talaga kita dati pa," sabi ni Zach. Naguusap kami ngayon sa table kung saan ako lang ang pwede umupo, actually pwede naman na may makiupo pero ewan ko kung bakit laging walang umuupo dito.

"Jusko naman Zach! Nakakagulat ka!" Sabi ko. "Ano ulit yon ?" dugtong ko pa.

"Gusto kita dati pa!" Sabi ni Zach.

Matagal ko nang hinihintay to ! Gusto ko si Zach dati pa pero crush lang. Kasi may isang tao talaga na gusto ko makasama habang buhay, ang kapatid niya. Si Zeke, siya yung tipo ng lalake na walang pakialam sa mga babae puro aral lang. Pero gusto ko talaga siya eh. Gwapo na matalino pa. San ka pa ? Diba ?

"Gusto din kita Zach, pero mas gusto ko yung kuya mo."
"Bullshit," sabi ni Zach "Ano naman ang nagustuhan mo sa kuya ko ha ?! Eh parehas naman kami ?! Bakit di nalang ako ang mahalin mo."
"Zach, hindi ganun kadali yon." Sabi ko
"At tsaka bakit ka ba nandito ha ? Edi ba may-" hindi ko na naituloy ang nasabi ko dahil bigla na lamang akong hinalikan ni Zach.
"Zach, what was that for?" Sabi ko habang hinahampas at sinasampal siya pero tawa parin siya ng tawa.
"That was for making me to love you,"
Bigla na lamang umalis si Zach

Nanligaw si Zach for 4 months. Sinagot ko naman siya nung mismong birthday ko. Na labis naman niyang ikinasaya. Lagi niya akong pinapadalhan ng mga bulaklak at chocolates na ikinatuwa ko din.

September 4, 2014 (2nd Anniversary)
Nasa date kami ngayon ni Zach at kasalukuyan kaming nasa isang mamahaling restaurant. Iniwan ni Zach ang telepono niya, nagpaalam siya ng magccr siya.
Tinignan ko naman ang cellphone ni Zach na walang Passcode. Dumeretso ako sa Messages at nakita kong may katext si Zach at ang pangalan ay Veronica.

Nakita ko namang naglalandian ang dalawa. At nabasa ko din na nagkikita sila nito sa isang motel. Nagbasa pa ako ng kanilang paguusap habang namumuo na sa gilid ng mata ko ang luha na alam ko na kahit anong oras ay bubuhos na.

Ni hindi ko namalayan na nakaupo na pala siya. Bigla naman niyang hinablot sa akin ang telepono niya. Tinignan ko siya habang umiiyak. Tumulo na pala ang mga luha ko.

"All this time, Zach, pinaniwala mo lang ako sa mga kasinungalingan mo."
"Wait. Bea I can explain,"
"There's no need to explain Zach, I've had enough," sabi ko "Magsama kayo ng haliparot mong babae. Break na tayo," at ganun na lamang at lumabas na ako ng restaurant at napagtanto kong umuulan pala. Sumugod ako sa ulan at agad na humanap ng taxi.

Siguro nga sobrang bait ng tadhan na sa akin at nakakita naman ako kaagad ng taxi. Agad naman akong pumasok sa loob ng taxi.

"Saan po tayo ma'am?"
"Kung saan malayo sa putangina kong ex na yan,"
"Galit na galit ?" Nung sinabi niya yun napagtanto ko naman na malambot itong driver.
"Ay hindi, mahinahon ako. Ikaw ba naman makita mong may kalandiang iba yung boyfriend mo, hindi ka magagalit diba ?" Sabi ko,"Sasaya ka pa eh no?! Happy happy tayo yes?!" Sarcastic kong sagot sakanya.
"Sorry na"sabi nung driver."Alam mo girl, ang lalake parang bluetooth, makakahanap yan ng mapa-pair-an, kapag malapit ka sakanya ikaw ang ka-pair niya, pero kapag wala ka maghahanap yan ng ibang pair." Sabi niya. Habang ako mangiyak-ngiyak pa din.

"Pero," sabi ng driver "Ang babae naman ay parang wifi. Bakit ? Kase nakakakuha siya ng informations at kung ano ano pa?!"

"Kuya may alam ka bang bar na malapit dito ?"
Tumango naman ang driver at ipinunta nga ako sa pinakamalapit na bar sa restaurant. Pero imposibleng makita ako dito ng hinayupak kong ex. Dahil nasa looban ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ShatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon