CHAPTER 20
Please donate money to me? Ano ito, kumanta lang ako para manglimos? Naguguluhan ako ng mga sandaling yun, nasa harap ako ng maraming estudyante
( ano kayang kinalaman ng kantang sorry na sa donation )
( kapal mukha ni kuya, sana di nya na tinanggal yung piring nya )
( eeewww, pulubi sa school, )
Sari saring reaksyon mula sa iniisip ng tao ang nabasa ko, lumingon ako kay Kiel at mukhang di nya rin gusto ang nangyari
( sorry tol, di ko akalain na magiging ganito ) -__- -->Kiel
Hayst nasaan ba kasi si Jazer, gusto ko ng umalis sa harap ng mga tao pero parang di ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang kahihiyan hanggang sa. .
1
2
3
4
May tumugtog galing sa likuran ko, nanggagaling yung ingay sa cellphone na nakaloud speaker
"She is my Drama Queen,"
"She is so wild and reckless,"
"She is my Drama Queen,"
"She dangles from her necklace,"
"Oh my gosh, drama queen ng bandang greenday," boses ng malanding babae na malapit sa harap ko ng marinig yung tugtog
"Hudyat na yan na nandyan na si Mhico," sigaw ng isang di kagandahang babae
Pagkatapos ay nagtakbuhan sila papunta dun sa lalaking may hawak ng cellphone na tumutugtog, nakilala ko yung lalaki na yun bago sya dumugin ng mga babae, kaklase namin sya at kagrupo namin ni Jazer sa graphic design, hindi ko akalain na sikat pala sya sa school at heartrob pa, so sya pala si Mhico
"Oww grabe, kamukha nya talaga si coco martin kahit saang angle,"
"Tara papicture tayo dali,"
Mga boses ng mga babaeng nagkakandarapa kay Mhico, at least nabaling ang atensyon ng karamihan sa kanya at natira nalang yung mga tunay na lalaki na nakaupo sa mga monobloc plastic chair, pagkatapos ay biglang lumitaw si Jazer sa likuran ko at inakbayan ako
"Sorry tol ah, ako ang nagdikit nyan sayo," sabi ni Jazer sa akin at tinanggal nya yung papel na nakadikit sa dibdib ko
"Tang.... wew, mamumura talaga kita Jazer, akala ko si Diane yung kakantahan ko," pagalit kong sabi at napansin kong lumapit na rin sa amin si Kiel
"Relax brad, relax sorry," sabi nya
Actually wala akong balak makipag-away, kaybigan na rin naman ang turing ko sa kanilang dalawa eh =__=
"Nagkaroon kasi ng aberya Dark, nagkataon kasi na dito pumunta yung Diane kaya dito ka namin pinakanta, ang problema, di ka nakilala dahil sa piring na sinuot mo kaya di ka nya pinansin kaya ayun, nag walk out," paliwanag ni Jazer
"walk out geez, sayang effort ko ah?" sabi ko
"Hindi naman sayang tol, tingnan mo," umupo si Jazer at dinampot yung mga pera na nakalapag sa nakalatag na panyo
"Mayayaman pala yung mga estudyante dito oh, bilangin mo kung ilan yung nakulekta mo," dagdag ni Jazer
"Walang hiya ka, ginawa mo pa akong pulube," sabi ko
"Successful naman diba, oh meron ka ng 60pesos plus," sabi ni Jazer ng matantya ang pera
"Wow ang dami ah," si Kiel
"Ayan, may pamasahe ka na, so tuloy ang lakad natin bukas," sabi ni Jazer
"Bukas? akala ko sa sabado," pagtataka ko
"Hindi ko pa naman pinapaalam sa mga kagrupo natin yun, kaya ang alam pa rin nila ay bukas tayo lalakad,"
"Ganun, pero tama ka, kaylangan na kaylangan ko nga ang pera na yan ngayon," sabi ko, kahit medyo may hiya tinanggap ko yung pera na inaabot sa akin ni Jazer
Teka bakit kelangan ko pang mahiya, eh pinaghirapan ko yung pera na yun kaya dapat lang na tanggapin ko yun, wew nakakapanghinayang lang at di na-appreciate ni Diane yung kanta ko, hindi yata eto ang tamang araw para mapatawad nya ako
Habang dinudumog ng mga kababaihan yung Mhico na yun, napansin ko yung apat na buraot boys na papalapit sa amin
( mukang marami-raming pera si pareng majikero ah )
Yan yung nasa isip ng isa sa kanila, sya yung isa sa buraot boys na syang dahilan kung bakit naubos yung pera ko, yung tumaya ng 100pesos, natatandaan ko ang pangalan nya, si khenji, mukhang may balak nanaman syang makipagsugal sa akin
"Dark itago mo na yang pera mo," pag-aalala ni Jazer ng mapansin nya rin na papalapit sila sa amin
"Sabi ko nga," tapos binulsa ko na yung pera pero sumigaw yung khenji
"Ops, nakita ko yan, wag mo ng itago," sabi nya
"Hoy! hoy! kung mambu-bully kayo itigil nyo na, ipapatawag ko kayo sa admin sige," sabi ni Jazer
"Haha! mukha ba kaming bully, napansin ko lang na may pera ulit itong kaybigan mong majikero, eh baka gusto nyang bawiin yung talo nya kanina," sabi ni khenji na ayaw kong malaman pa ni Jazer XD
"Talo? saan," tanong ni Jazer
"Naku wag mu ng intindihin yun Jazer," sabi ko at nakahalata naman yung khenji
"Ah sorry, sikreto ba yung pagiging majikero mo, sensya na brad, madaldal ako," sabi nya
"Pero ayos yung raket nyo ah, nakamagkano kayo," dagdag nya na parang nang-aasar "Akala ko nga para kay Diane yung kanta nyo, kasi sa kanya kayo nakaharap, well pinapaalala ko lang, akin lang si Diane,"
O__O Wow, ibang klase, tama ba narinig ko, inangkin nya si Diane
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...