"Mula sa kapangyarihan ng hene-foro, kayo ay aking binabasbasan na ibaba kayo sa mundo ng mga foro ang forodio."
Ibinaba ang apat na piling babae na mula sa hene sa mundo ng mga foro, ang foro ay ang mga tinatawag nilang mga "tao"
"Bumaba kayo, mga henedroa, kayo ay aking pinapakawalan, malaya na kayo"
SEON'S POV
"Mabuti naman at napalaya na ako sa mundong iyon. Pagsasawa ang aking nadarama roon! Ano kaya ang puwedeng gawin?" giit ko matapos kong bumaba mula sa kalawakan.
Gamit ang aking kapangyarihan, pumunta ako sa isang lugar. Isa itong liblib na syudad, iilan lang ang mga foro na nakatira rito.
"Mabuti naman, isang tahimik na lugar para pagtirhan" giit ko habang naglalakad sa tahimik na daan.
Sobrang tahimik ng lugar, mas tahimik pa sa mga henedroa na pinutol ang dila dahil sa kanilang mga nilahad na kasinungalingan.
"Nasaan ang mga foro? Sabi sa nakapaskil ay mayroong isang libong mga foro rito"
Nalaman ko lamang kung bakit walang mga foro dito dahil mayroon palang nagaganap na pagdiriwang sa gitnang bahagi ng syudad. Isa itong malaking handaan na kung saan isinasagawa nila, isang beses sa isang taon.
"Nako! Napakarami palang mga tao rito!"
Giit ko dahil sa pagkagulat.Palayo na ako sa mga tao ngunit bigla nalamang akong nagulat nang ako ay harangan ng tatlong mga lalake.
"Ano yan? Baliw ka ba?" Giit ng isang lalake habang nakatingin sa aking kasuotan.
Tumawa silang tatlo, at sumama rin ang iba dahil namasdan din nila ang aking kasuotan. Nagsitawanan silang lahat saakin.
"Tumigil kayo!" Sigaw ko sakanila.
Lalo pang dumami ang tumingin sakin at ako'y pinagtawanan. Hiyang hiya ako sa sarili ko. Kaya napaluhod nalamang ako sa gitna ng mga taong nakapaligid saakin.
"Tumigil na kayo!!" Sigaw ko.
Hindi ko na mapigilan ang pagsiklab ng aking kapangyarihan. Unti-unti ko ng napapalutang ang kaunting tubig na nakapalligid sakin. Natigil to nang..
"Hoy! Humawak ka sa kamay ko" giit ng isang lalake na bigla nalamang sumulpot sa gilid.
Agad naman akong napakapit sakaniyang kamay dahil hiyang hiya na ako. Itinakbo nya ako.
"Tara!" Giit niya saakin habang kami ay tumatakbo.
Tumigil kami sa isang gilid, tuwang-tuwa ako sa ginawa niya saakin, wala pang foro o tao ang gumawa sakin ng ganon, ito'y nagbigay saakin ng kaligayahan.
"Ayos ka lang ba?" Biglang tanong niya sakin.
"Oo..salamat pala, malaking pasalamat ko at dumating ka roon! Paano kita mababayaran?" Giit ko ng may wili.
"Hindi na, nakita ko kasi na pinagtatawanan ka nila dahil sa suot mo. Bakit kaya no? Napakaganda naman nyan eh" sagot niya.
Napatingin naman ako sakanya at nagpasalamat.
"Salamat, akala ko pati ikaw ay mandidiri sa aking kasuotan"
"Hindi talaga! Ang unique kaya ng structure ng damit mo. Walang katulad!"
Giit nya.Napangiti naman ako sa ipinapakitang ugali ng lalake. Kaya agad ko siyang kinamayan ng pera dahil sakaniyang pinakitang kabaitan.
"Ano yan? Hindi ko kailangan ito" agad nya namang giit saakin.
"Sige na! Tanggapin mo na, para ito sa kabaitan mong ginawa.
YOU ARE READING
Henedroa: They now descend
FantasyApat na Henedroang kababaihan ang ibinababa mula sa kalawakan ng kanilang Hene-Foro. Ibinababa sila sa Forodio, mundo ng mga tao. Ano kaya ang kapalaran nila sa doon? Ano kaya ang kanilang dadanasin sa bagong mundo na kanilang haharapin?