PROLOGUE

7 2 0
                                    

"Ahhh...." sigaw ng babae.

'Ella' ani ni Acheron sa kanyang isip. At agad tumakbo sa pinagkukumpulan ng mga bampira sumunod naman ang kanyang ina.

At dun nakita nila ang babaeng nakatali sa may puno at hindi nga nagkakamali si Acheron...

"Ella" banggit nya sa pangalan ng babaeng mahal nya.

"C-ciro.." nanghihinang ani ng dalaga ng makita nya si Acheron.

"Lolo, pakawalan nyo sya" pagmamakaawa ng binata, ngunit umiling lang ang lolo nya at ngumisi.

Nagtataka din sya kung paano nalaman ng lolo nya ang tungkol kay Ella at paano sya napunta dito, gayun alam nya na hindi sya kaya pagtaksilan ng sarili nyang magulang at mga kapatid.

"Ciro tulungan mo ako" umiiyak na sigaw ng babaeng mahal nya kahit na nanghihina na ito.

"Hahaha Acheron alam mo ang patakaran sa mga bampira na bawal mag-mahal ng isang mortal pero anong ginawa mo sa halip na patayin mo sya, ay nakipag relasyon ka pa" Demonyong tawa ng kanyang lolo.

Napaluhod naman si Acheron sa harap nila "Lolo pakiusap, hayaan mo na sya mabuhay" pakiusap nya sa kanyang lolo.

Tumawa lang ang kanyang lolo na ibig sabihin ay hindi sya kumbinsido sa pakikiusap ng kanyang apo.

"Hahaha Acheron hindi ako tanga para pakawalan itong babaeng na ito at buhayin, Tao sya ang ibig sabihin sya ang pagkain natin ngayon" Napaangat ang ulo ni Acheron sa sinabi ng kanyang lolo, ang nasa isip nya lang hindi pwede mamatay ang taong mahal nya.

Tumayo naman si Acheron at hinarap silang lahat "bago nyo sya kainin, ako muna ang makaka-laban nyo" seryosong sabi nya.

"Hahaha nagpapatawa ka ba Acheron kaya mo na kami ngayon dahil lang sa babae na ito?" natatawang sabi ng lolo nya at dinilaan ang leeg ng dalaga, nakita naman ni Acheron ang takot sa mga mata ng dalaga.

"C-ciro" nahihirapang pag tawag nya sa binata na may halong takot sa boses, hindi na din mapigilan mapaiyak ng binata dahil sa nakikita nya na nahihirapan ang taong mahal nya at iniisip nya na dahil sa kanya yun.

Susugurin nya na sana ang kanyang lolo ng bigla nito kinagat ang leeg ng babaeng mahal nya.

"C-CIRO" nahihirapang sigaw ng dalaga at susugod na sana sya ng pigilan sya ng ibang bampira pinilit nya na labanan ang mga nakahawak sa kanya na bampira at kumawala sa pagkakahawak nila ngunit hindi sya nagtagumpay.

"ELLA" Nasigaw nya na lang sa pangalan ng babaeng mahal nya at nakita nya na lang na pinag pyepyestahan na ang kanyang mahal, wala na sya nagawa kundi panoorin na lang kung paano nila pag pyestahan ang babaeng mahal nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Savior Is A Vampire? (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon