Paris' PoV:
"What? Ngayon na agad?" Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Matamang tinatapunan ko ng tingin si Autumn para malaman kung nagbibiro lang sya. Pero nanatili lang ang seryoso nitong mukha.
"Mygoodness. Are you deaf? Oo nga, ngayon na." Masungit nutong turan at inirapan pa ako.
I heaved a deep sigh. "Seryoso ka ba na ngayon na agad? Ayaw mo bang sa ibang araw na lang o kaya sa next week?"
Damn. Ngayon agad ang gusto nya. Hindi pa ako ready. Alam ko naman na ito talaga ang pinunta ko rito. Gusto kong mapapayag si Autumn sa proposal ko.
I'm really sincere on what I said to her a while ago. Including the benefits that she will get once na maging asawa ko na sya.
I know that she's afraid. I can see it on her eyes. Aware akong may posibilidad na mahulog sa akin si Autumn. Kung mangyari man 'yun, handa akong saluhin sya. It's my responsibility, most especially that I dragged her into this mess.
"I want to get married now. Ayaw mo ba?" Naningkit ang kanyang mata. Akmang magsasalita pa sana ako nang magsalita syang muli.
"Argh! Don't you dare na umatras sa sarili mong offer. Dapat nga ay masaya ka lalo na't pabor na pabor sayo ang gusto ko."
I massaged my temple. "Aish. Kelan ko ba sinabing aatras ako? What I mean is... Ayaw mo bang paghandaan ang gagawin nating kasal? We're not prepared. Hindi man lang nakaayos ang suot natin. Hindi rin tayo nakagawa ng invitations if ever na may bisita ka na gustong imbitahin. Lastly, hindi rin nakaayos ang reception natin."
I just hope na maintindihan nya ang side ko. Nevertheless, ang desisyon pa rin ni Autumn ang susundin ko.
Marriage is a sacred thing. Hindi 'yun dapat minamadali. Atsaka, minsan lang 'to mangyari sa buhay ng isang tao.
She placed her hand on my cheeks. Napakalambot ng kanyang kamay. Our eyes met. Mapaglaro pa rin ang mga ito katulad ng dati.
"Madami ka nang iniisip, Sylven. Alam ko naman may susunod pa. Next time na lang natin bonggahan." Autumn said and giggled.
It's like my world stopped spinning. Parang nagslow motion ang lahat. Ang buong atensyon ko ay nakapokus lang sa kanya. For an unknown reason, naramdaman kong bumilis ang kabog ng puso ko.
She's gorgeous. Ang ganda ni Taglagas. Sobra.
I snapped into reality nang marealize ko kung anong tumatakbo sa isipan ko. Damn. I shouldn't think like that. Pero, 'yun naman talaga ang totoo. There's no words that can describe Autumn's beauty.
"Okay, tara na." We both agreed na iisang sasakyan na lang ang gagamitin naming dalawa. Using my car, nagmaneho ako papunta sa pinakamalapit na nagkakasal. Sa judge muna kami.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" The woman in the staff greeted us with a smile.
"We're here to get married."
Napa-o ang kanyang bibig. May kinuha sya. I guess, listahan 'yon. "Pakilista na lang po ng name pati na rin kung
"We don't need this dahil ngayon na namin gustong magpakasal." Biglang pagsabat ni Autumn. She's on her mataray-looks.
"Po?"
"Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ko?" Oh my. Mukhang sinusumpong na naman sya ng kasungitan at katarayan nya.
I reached for Autumn's hand and gently squeezed it. Nagbaling sya ng tingin sa akin.
I gave the woman a slight apologetic smile. "Don't mind this woman. But yes, we want to get married now. How much is it? Handa kong triplehin o mas higit pa ang bayad basta maikasal lang kami agad."
BINABASA MO ANG
Love-struck
Fiksi RemajaAutumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beauty of a goddess and a body to die for. She has an hourglass figure kung kaya't marami ang naiinggit s...