Simula

8 1 0
                                    

"CALM your shits Cresent"

"How do I calm my self Josh if my co-workers are stupid as fuck?!"

"Immaturity strikes you again Cresent. Wala naman kasing ginagawa ang mga ka-trabaho mo sa'yo sadyang pinapairal mo lang 'yang ka-toxican mo!"

"Hindi 'ko pinapairal. At kahit pairalan ko man o hindi, wala namang pinagkaiba, mga bobo pa rin sila kumilos at mag isip!"

Ganito kami palagi ni Josh kaya akala ng iba naming mga ka-trabaho lagi kaming nag aaway pero ang totoo normal na paguusap lang namin ito

Si Josh ay matagal ko ng ka-trabaho at kaibigan, actually hindi ko maintindihan kung bakit nag tatrabaho pa siya eh isa rin naman ang pamilya niya sa mga kilala sa industriya pag dating sa pagtatahi at pagpipinta ibigsabihin mayaman ang isang to. Nag uusap kami ngayon tungkol sa mga ka-trabaho 'ko na ayaw sumunod saakin. Wala naman akong pakielam sakanila, may pakielam ako sa performance 'ko pagdating sa trabaho at dahil sa hindi nila pag sunod saakin, naaapektuhan ang pangalan ko. Hindi pwedeng malagyan ng alikabok ang pangalan ko! Ang dahilan nila kaya ayaw nilang sumunod saakin ay dahil daw sa ugali 'ko, anong gusto nila, friendly? tapos mang-uunder sila? Hindi ako mangmang. Kung gusto nilang makisama ako edi ayusin nila ang mga utak nila pagdating sa pagtatrabaho para mag sasangayon ako sa mga plano nila! Inaasahan ata nilang makikisama ako sa planong pang tanga.

Naandito pa rin kami saaking office ni Josh, ilang segundo ang nakalipas naging seryoso ang kaniyang ekspresyon na sadyang ikinagulat ko

"Cresent, alam mo namang ako lang ang nakakaintindi sa ugali mo pre, oo alam ko na intensyon mo lang rin naman ay mapa saayos ang trabaho mo at syempre..."

Huminto siya sa pagpapahayag, pumunta siya sa tapat ng pinto ng aking office at marahan niya itong isinara, pagkaraan ay humarap siya ulit saakin at itinuloy ang kaniyang paghahayag

"At syempre ang iniingatan mong pangalan upang hindi maungkat ang masalimuot na katotohanang pilit mong inilalayo sa liwanag. Ngunit pawang ikaw ang gumagawa ng dahilan upang muli itong masinagan nang hindi mo nalalaman"

Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi. Ang buong pagkatao 'ko ay nag huhurumintado, sa tuwing nauungkat ang usapang ayaw ko nang marinig pa, ngunit wala akong magawa. Hanggat naandito ito, hinding hindi to mawawala at matatapos. Alam ni Josh ang lahat dahil siya lang ang kaisa isang pinagkakatiwalaan 'ko. Pinagkakatiwalan 'kong sasama saakin sa pagtaklob ng aking pinakatinatago.

"Cre-" alam kong marami ka pang gustong sabihin ngunit Josh wala ako sa tamang wisyo ngayon, baka hindi ko makontrol ang aking sarili

"Josh, tsaka na natin pag usapan ang ganitong mga bagay. May importante akong pupuntahan" Pagdadahilan ko, agad akong tumalikod sakaniya at lumabas saaking office

Stress na stress na ako ngayong araw. Ang daming problema, bakit kasi hindi pwedeng ipasa sa iba ang mga problema 'ko. Siguro uuwi nalang muna ako sa condo ko para makanood ng Anime, nyeta anime nalang ata dahilan ng pagkabuhay ko

Papasok na sana ako sa aking kotse upang umuwi nang biglang nag ring ang cellphone ko

09********* calling......

Sino 'to? May mangbobogus nanaman ba saakin? Well, wala akong mapagbuntungan ng galit ko kaya..

"HOY KUNG SIN-"

"Ace. Architect from the meeting"

Shit. Nabobosesan 'ko, hindi siya nagsisinungaling, siya nga. Anong kailangan ng arki na 'to saakin? Ace pala ang pangalan niya

"Anong kailangan mo? May gusto kaba saakin?" Oo siguradong may gusto saakin 'to dahil wala naman akong naiisip na ibang dahilan para tawagan niya ako dahil kanina tinext ako ni Agnes na co-worker 'ko na okay na ang lahat sa proyektong gagawin namin kaya nga ang mga stupido at stupida 'kong mga ka-trabaho wala ng balak makinig saakin. Woah baka naman nag ka-problema sila kaya ngayon hihingi sila ng tulong saakin dahil hindi na nila kaya, hahaha pwes papahirapan 'ko muna 'tong arki niyo mga bobo!

"Kasal na ako. Tumawag ako para sabihin sayong gumuho ang isa mong proyekto sa-"

Shet. Inend ko kaagad ang call at dali daling  nag maneho papunta saaking condo. Pagkarating ko sa condo dumiretso ako kaagad saaking shelf.

Paanong nangyari iyon? Ano nanamang pagkakamali ang nagawa ko? Kulang nanaman ba ang kaalaman at impormasyon ko tungkol sa lokasyon at materyales na nagamit roon? O mali ang pag iinstruct ko?

"Buwan nasan na yung syringe putangina"

Sigaw ko saaking sarili, kailangan mainjectionan na ako. Kundi, hindi ko nanaman macocontrol ang aking sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tempo of MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon